Amari's Love - Part 2

789 41 0
                                    

Unang pagkikita pa lang namin ni Von Sirius ay alam ko ng magiging espesyal na tao ito sa akin. At noong nalaman ko noon ang kung ano ang kahulugan ng pagmamahal, mas lalo akong nalunod sa emosyong nararamdaman ko sa kanya.

Hindi naging madali ang lahat para sa akin, para sa aming dalawa.

Ilang beses akong nasaktan at halos sumuko na sa pagmamahal sa kanya. Sinubukan ko itong kalimutan ngunit sadyang tadhana na ang nagdala sa aming dalawa sa isa't-isa.

I was young and in love. I was fragile and scared.

And in the end of the day, my love for him was not enough for me to stay.

I left and forgot everything about us.

Hindi ko man ito sinadya, nakalimutan ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Nakalimutan ng utak ko pero alam kong hindi ng puso ko. I still want him. I still love him.

Ngunit kagaya noong nangyari sa amin noon, kung ang tadhana ang gumawa nang paraan para magkita at magkasama kami, ngayon ay tadhana muli ang gumawa nang paraan para sa aming dalawa. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi para magsamang muli, hindi para ipagpatuloy ang pagmamahalan naming dalawa.

It was the opposite one.

"Good morning, mommy!" bati sa akin ni Ayah at mabilis na nilapitan ako. "May presentation ako mamaya sa klase. I'm excited!"

Napangiti ako sa sinabi ni Ayah at hinalikan ito sa pisngi.

"Kailangan mo bang nandoon si mommy mamaya?" tanong ko dito at inahanda na ang agahan nito.

"No, mom. It's okay. Sa isang subject lang naman iyon. Kaya ko na iyon," anito at naupo na sa puwesto niya. Tumango na lamang ako sa anak at pinagmasdana ng pagkain nito.

Dalawang taon na ang nakalilipas simula noong umuwi kami ni Ayah dito sa Pilipinas. At sa loob ng dalawang taon na iyon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang ayusin ang panibagong buhay na pinili ko.

Maayos na nakapagsasalita ng tagalog si Ayah ngayon. Nag-aaral na itong muli kaya naman ay mas lalo akong natuwa sa anak. Walong taong gulang na ito ngayon and I can definitely say that she's Veron's daughter. Sobrang advance nito sa klase at talaga ginagalingan niya sa academic niya dahil gusto niyang maging doktor kagaya ng daddy niya!

Naging abala na rin ako sa negosyo ng pamilya namin. Sa ngayon ay ako ang tumatayong CEO ng kompanya habang nagbabakasyon ngayon si Adliana sa ibang bansa. Kakatapos lang kasi ng kasal nito kaya naman ay binigyan siya ni daddy ng isang buwang bakasyon. Adliana deserved it. Noong wala ako, siyang lahat ang gumawa ng dapat ay responsibilidad ko bilang Asuncion. And now that she already settles down, happy and married, dapat lang ako naman ang gumawa ng mga gawain nito.

"I saw Tita Sasa the other day, mom," wika ni Ayah na siyang ikinakurap ko. Umayos ako nang pagkakaupo at tiningnan lang ang anak. "Kasama nito si Elias. Ang laki na niya!"

Anak ni Sasa at Xavi si Elias. At kung hindi ako nagkakamali, magdadalawang taon na rin ang anak nila!

"Really? Maybe I'll invite them here for dinner. What do you think?" Tanong ko kay Ayah at uminom na ng kape ko.

"Mom, you're too busy for that." Natatawang sambit ni Ayah na siyang ikinangiwi ko. "Ganito na lang. What if kung tayo ang pumunta sa kanila? Hindi ka naman magkakapagluto dito sa apartment natin."

"Ooder na lang tayo, anak," wika ko kay Ayah na siyang ikinailing nito.

"Sawa na ako sa pagkain na iyan, mom," sambit muli nito na siyang lalong ikinangiwi ko.

Well, hindi ko masisisi ang anak ko. Dahil naging abala nga ako sa trabaho, kahit ang pagluluto ng pagkain namin ay hindi ko magawa. Mabuti na lang talaga ay naiintindihan ako ni Ayah. Hindi na ito nagpapatulong sa akin sa mga assignments niya sa eskwela. Kusa na niya itong ginagawa at hindi na ako inaabala pa.

IAH2: Remembering The First Beatحيث تعيش القصص. اكتشف الآن