Chapter 4: Hospital

1.1K 55 9
                                    

"Amari, ano ba kasing nangyari?"

Tanong ulit ni Veron habang nakatayo sa gilid ng kama namin. Hindi ako kumibo dito at nanatili lang na nakapikit. Hanggang ngayon ay may kirot pa rin akong nararamdaman sa ulo ko ngunit hindi na ito kasing lala kanina. Nagawa ko pa ngang makapaglakad papunta dito sa silid namin.

"Amari, babe, alam kong gising ka. Please, tell me. Anong nangyari kanina? May bisita ka ba kanina? Bakit may mga kalat sa kusina?" Hindi pa rin ako kumibo dito. "Babe..."

"Veron, please," mahinang sambit ko dito at iminulat ang mga mata. "Mamaya mo na ako tanungin tungkol diyan. Gusto kong magpahinga."

"Pero..."

"Please?" Ulit ko at matamang tiningnan ito. "Let me rest."

"Alright," wika nito at humugot ng isang malalim na hininga. Maingat itong lumapit sa may kama at naupo sa gilid nito. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil ito. "Ako na ang bahala sa kalat doon sa kusina. Magpahinga ka na." Mahinahong sambit kito at hinalikan ako sa labi. Tinanguhan ko ito at maingat na tumayong muli si Veron sa kama.

Mayamaya lang ay lumabas na ito sa silid namin at naiwan akong tulala habang nakahiga pa rin sa kama. Muli kong pinikit ang mga mata at noong bigla kong maalala ang mga larawang nakita kanina, napamulat muli ako.

"Who... who are yo?" Mahinang tanong ko at inilagay sa dibdib ang kanang kamay. "Bakit ganito? Bakit... ba't ang sakit ng tibok nito." Napailing ako at muling ipinikit ang mga mata.

Dahil sa panghihina, muli akong nakatulog. Naging tuloy-tuloy ang pagtulog ko at 'di ko na napansing umaga na pala. At noong nagising ako, naramdaman ko ang yakap ng asawa ko sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at noong makitang alas sais na pala ng umaga, maingat kong inalis ang kamay ni Veron sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at maingat na tumayo sa kama. Binalingan ko si Veron at inayos ang kumot sa katawan nito.

Mayamaya lang ay napagdesisyunan ko nang kumilos. Umaga na at kailangan ko nang maghanda para sa pagpasok ni Ayah sa eskwela niya.

Naglakad na ako papunta sa banyo at nagsimula nang gawin ang morning routine ko. Naglinis na ako ng katawan at noong matapos na ako, mabilis akong lumabas sa banyo namin.

Bago pa man ako makalabas sa silid namin, binalingan kong muli ang asawa ko. Mapayapa itong natutulog ngayon. Mukhang napagod na naman ito sa ospital. Maghapon ko itong hindi nakausap nang maayos kahapon. At noong nakauwi naman ito galing sa trabaho, ako naman ang wala sa sarili.

My body's down and it was because of those pictures.

Pictures... wait! Saan ko pala nilagay iyon? Napaisip ako at noong hindi ko maalala kung saan ko ito inilagay, napailing na lamang ako. Mamaya ko na siguro hahanapin iyon. Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nagpatuloy na sa pagkilos. Binuksan ko na ang pinto ng silid namin at lumabas na.

Tahimik ngunit mabilis ang bawat kilos ko sa kusina namin. Naghanda na ako ng almusal ni Ayah at noong handa na ang lahat, nagtungo na ako sa kuwarto ng anak.

Pagkabukas pa lang ng pinto, naabutan ko nang gising si Ayah. Nakaupo na ito at nagkukusot ng kanyang mata.

"Good morning, baby," bati ko sa anak at naglakad na papalapit dito. "How's your sleep?" Tanong ko dito at hinalikan ito sa pisngi.

"Good m-morning, mommy," inaantok na sambit nito at yumakap sa akin.

Napangiti ako dito at binuhat na ito. Maingat akong naglakad palabas ng silid nito at nagtungo na sa kusina namin.

"I made some pancakes, baby," masayang turan ko sa anak at pinaupo na ito sa upuan niya. Hinawi ko ang buhok nitong nasa mukha niya at nginitian ito. "Mommy will join you again today. Want me to buy something to eat? I can buy some sweets for you and Lindsay!"

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now