Chapter 19: Home

730 43 6
                                    

"Mommy, bakit pa kayo pumunta dito? Paano si daddy?"

Hindi ako makapaniwalang pumunta pa talaga dito sa Boston si mommy para sunduin kami ni Ayah! Ilang araw na lang din naman at uuwi na kami sa Pilipinas!

Naiiling ko na lang na kinuha ang dala nitong bag at niyaya nang pumasok sa loob ng bahay.

"Dapat ay hinintay mo na lang kami sa Pilipinas ni Ayah. Isang linggo na lang naman at uuwi na kami," wika ko pa dito at inilapag ang bag nito sa may sofa.

"Lola!" Sigaw ni Ayah noong makita si mommy at mabilis na lumapit dito. Nakangiting sinalubong ni mommy ang anak ko at mabilis na hinalikan sa may pisngi nito. "Mommy told me that we're going to visit Philippines! Is it true?"

"Yes, sweetheart," nakangiting tugon ng aking ina at binalingan ako. Umayos ito nang pagkakatayo at niyaya si Ayah na maupo sa may sofa. "Naayos mo na ba ang mga papeles ng apo ko, Amari?"

"May kulang pa, mom, kaya naman aabutin pa kami ng isang linggo bago tuluyang makauwi sa Pilipinas," sagot ko dito at naupo sa bakanteng upuan sa tapat nito. "Dapat talaga ay hindi ka na nagpunta dito, mom. Uuwi na rin naman kami. Paano si daddy? Sino na lang mag-aalaga sa kanya sa ospital? Alam kong abala ngayon si Adliana sa kompanya kaya dapat ay hindi na kayo pumunta dito."

"I'm here for a reason, darling. You're dad is finally awake," aniya na siyang ikinatigil ko. "At gusto niyang madischarged na para makapagtrabaho ulit."

"He can't do that!" bulalas ko at mariing napailing. "Pagkatapos ng nangyari sa kanya, trabaho pa rin talaga ang uunahin nito. Adliana can handle our business while I'm still here."

"Ayaw niya makinig sa akin o kay Adliana, Amari." Mommy sighed. "Kaya naman ay sinabi ko na ang tungkol sa'yo."

Hindi ako makapaniwalang nakatingin dito. She already told him? Really?

"Hindi raw siya muna papasok sa opisina," muling sambit nito at nilingon si Ayah na prenteng nakaupo lang sa tabi nito. "Basta uuwi ka na sa Pilipinas sa lalong madaling panahon."

"And that's the plan, mommy. Uuwi naman talaga kami ni Ayah."

"Your daddy wants to see you soon, darling. And you know him, Amari. Mas matigas ang ulo nito kaysa sa'yo. Hindi ito titigil hangga't hindi ka makakauwi sa Pilipinas sa lalong madaling panahon, anak."

"What do you mean, mom? Mauuna akong umuwi sa inyo ni Ayah?" Naguguluhang tanong ko dito at napatingin na rin sa puwesto ng anak. No way. Hindi ko ito iiwan dito!

"That's why I'm here, Amari. Ako muna ang mag-aalaga kay Ayah hanggang sa maayos na ang lahat ng papeles nito. Susunod na lamang kami ng apo ko sa'yo."

"Mom, I can't do that. Hindi ko maaring iwan dito si Ayah."

"Ilang araw lang naman ito, Amari. Kailangan mo ring makauwi para sa kasal ng pinsan mo. Hindi ba nasabi ito sa'yo ni Andrea?" takang tanong nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

Kasal? Oo at may nabanggit sa akin si Andrea tungkol dito pero hindi ko matandaan kung kailan at kung sino ang ikakasal sa mga pinsan ko! I was too occupied with my own problem! Ni hindi ko na nga ito muling nakausap simula noong tanungin ko ito tungkol kay Von Sirius!

"Huwag ka nang mag-alala pa kay Ayah, Amari. Ako na ang bahala sa anak mo. Now, pack your things and you'll leave Boston tomorrow morning."

"Where are you going, mommy? You'll leave me here?" Tila naguguluhang tanong ni Ayah na siyang ikinatigil ko. Mabilis namang pinaliwanag ni mommy sa anak ko ang sitwasyon namin at kagaya nang inaasahan ko, naintindihan ni Ayah ang nangyayari at siya na mismo ang nagsabi sa aking ayos lang itong maiwan dito sa Boston. Susunod naman din daw sila kapag maayos na ang lahat ng dokumento niya.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now