SPECIAL CHAPTER

792 39 1
                                    

Life and death.

They said, 'The fear of death follows from the fear of life', and I absolutely agree with that. Life. Death. They always come in pair. Hindi naghihiwalay ang dawalang iyan. Kahit anong mangyari, palaging magkadikit silang dalawa.

"Mommy?"

Natigilan ako sa pagmamasid sa kalangitan noong marinig ang boses ni Ayah sa likuran ko. Marahang kong binalingan ang anak at nginitian ito noong tuluyang makalapit na ito sa akin.

"How's my little brother?" tanong ni Ayah at hinaplos ang tiyan ko. "Hindi ka naman pinapahirapan nito, 'di ba?"

Umiling ako kay Ayah at hinawakan ang kamay nitong nasa tiyan ko. Pinagmasdan ko lang ito hanggang sa maramdaman ang pagsipa ng kapatid nito sa loob ng tiyan ko.

"He kicked!" Ayah exclaimed then looked at me. "He moved, mommy!"

"Yeah, I felt that too, baby," mahinang turan ko sa anak at hinawakan ang pisngi nito. "You're going to be the best sister, Ayah."

"Of course, mommy! Akala ang bahala sa kanya kapag magsimula na ang treatment mo!"

Natigilan ako sa narinig mula sa anak.

Bago pa man lumala ang kondisyon ko, sinabi ko na ito sa pamilya ko. I was diagnosed again with coronary artery disease even after my successful heart transplant eight years ago. And now that I'm pregnant, mas mahihirapan ako ngayon sa sakit ko na ito. At dahil sa kondisyon ko, mas doble ang naging pag-iingat namin sa katawan ko.

"Ako ang bahala sa kapatid ko, mommy. Once he's born, focus on your treatment, mom," muling wika ni Ayah at maingat na niyakap ako. Napatango na lamang ako sa anak at niyakap na rin ito. Ipinikit ko ang mga mata at dinama na lamang ang yakap ng anak.

Five weeks. Iyon na lamang ang kailangan kong buohin para ligtas na maipanganak ang bata sa sinapupunan ko. And after that, napagdesisyunan namin ni Von at ng mga magulang ko na umalis kami at sa ibang bansa na magpagamot. Mas mapapadali sa akin ang mag-undergo ng second heart transplant sa ibang bansa. Mas advance rin ang mga kagamitan doon na tiyak kong makakatulong sa akin ito.

"Amari." Natigilan ako sa pagpatingin ng mga larawan ni Ayah noong marinig ang boses ni Von. Mabilis ko itong tiningnan at nginitian na lamang noong makita itong naglalakad palapit sa akin. "How's your day, love?" tanong nito sa akin at naupo sa tabi.

"Good, love," sagot ko dito at muling tiningnan ang photo album kung saan naroon ang mga baby pictures ni Ayah. "Ilang linggo na lang at mailalagay na rin natin dito ang picture ng isa pa nating anak, Von."

"Finally," bulong ni Von at marahang hinaplos ang tiyan. "I'm excited, love."

"Me too. Sobra. I can't wait to hold his hand. I can't wait to see him." Tipid akong ngumiti at binalingan sa tabi si Von. "Kumain ka na ba?"

"Yes. Kasama ko kanina si daddy sa meeting kaya naman ay niyaya na niya akong maghapunan," wika nito at hinalikan ang noo ko. "Hindi ka ba nahihirapang mag-isa dito? Sa makalawa na ang leave ko sa trabaho kaya naman ay kaunting tiis na lang, Amari."

"Ano ka ba. Ayos lang ako dito. Maagang umuuwi si Ayah mula sa eskwela kaya naman ay kahit papaano ay nalilibang ako dito."

Marahang tumango si Von sa akin at tipid na nginitian ako. Hinaplos nito ang mukha ko na siyang bahagyang ikinatigil ko.

"Kahit anong pagod ko sa trabaho, kapag nakikita kita at ang anak natin, nawawala lahat ng pagod ko sa katawan," mahinang sambit nito na siyang ikinangiti ko. "Don't leave me, Amari. Kahit anong mangyari, hindi mo kami iiwan ng mga anak natin."

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now