Chapter 7

66.1K 1.5K 65
                                    

"I said I can fucking handle those stuffs, attorney. I'll let my secretary talk to you. He'll discuss important matters about that partnership." Natigil sa pagbaba ng hagdan si Miracle nang marinig ang galit na boses ng asawa sa sala.

Agad na naglakad papalapit ang babae sa direksyon ng asawa niyang may kausap sa telepono. Mukhang problemado at busy ito.

"I wonder what's happening," she whispered while hiding through the wall.

Hinilot ng asawa niya ang sariling sentido. "Yeah. And those people who kept on badmouthing me behind my back, inside my own company, tell them that I'll be there. I'll attend the meeting after lunch time."

Nang ibaba ni Trigger ang hawak na cellphone, walang ingay na naglakad ang babae papalapit sa lalaki.

"May p-problema ba sa kompanya?" she asked him with a soft tone.

Walang sagot na tumayo si Trigger para lagpasan siya.

"Is it about the investors? I h-heard from your secretary last night na maraming nag-pull out sa project ninyo ngayon?" dagdag pa niya.

Tumigil sa paglalakad ang lalaki at hinarap siya. "Stop sticking your nose in everybody's business, Miracle. You don't--"

"But I am your wife legally. I n-need to make sure that you're doing well. Trigger, may karapatan din naman ako sa kompanya dahil business partner mo ang mga magulang ko," kinakabahang sagot ni Miracle.

Trigger stood there, he didn't say anything. Hinagis lang nito ang cellphone sa sofa at muling nag-angat ng tingin para pagmasdan siya.

"Ano bang magagawa ng pagtatanong mo? Even if you're aware that the company is facing a big dilemma right now, you won't even help. You can't. So stay the fuck out of my business."

"Hindi madali sa 'yo ang tumanggap ng suggestion ng iba kaya galit sa 'yo ang board members, Trigger. I'm not talking to you as your wife right now, I'm worried about you. You need to listen to their suggestions. 'Yang project na binabalak mo ngayon, if you continue that demolition, mang people will lose their houses. You'll even ruin the environment. If you really want to continue your project, listen to the board members' suggestion. Baka pwede pang solusyunan 'yung gusto mo na walang naaapektuhang mga tao. O kaya, baka may iba silang lugar na i-sa-suggest sa 'yo na hindi gano'n kalaki ang magiging impact. Hindi lang sila investors, Trigger. Isa sila sa mga nagpapatibay ng kompanya kaya makinig ka naman sa kanila," Miracle said in her professional tone.

She wanted to tell this to Trigger so badly. Alam niya kung gaano kakulit ang asawa, hindi ito nakikinig sa suhestiyon ng iba.

"Who are you to tell me those things?" madilim ang ekspresyon na tanong ng lalaki.

"Kailangan ko bang maging importanteng tao sa buhay mo para pakinggan mo ako? It's the best you can do, Trigger. Kaya sila nag-pu-pull out sa kompanya dahil ayaw nila sa nilalatag mong plano. You'll lose a big amount of money once they quit," she explained kahit kinakabahan siya. Baka mamaya ay magalit ang asawa niya at saktan na naman siya.

"Fucking money, I don't need their money for my company to be successful. I can even buy their lives." Muli na sanang tatalikod si Trigger pero agad na sumagot si Miracle.

"It's not their money that you need. It's their knowledge and power, they're experts in this field. Matagal na silang nag-ha-handle ng mga kompanya kaya kailangan mo sila. You'll have a hard time finding a good airline if Mr. Freli pulled out from our company. Maraming mawawala sa 'yo. Including the connections they have. Those people are kind and genius ones kaya mahihirapan ang kompanya na humanap ng mga kapalit nila. Just this time, Trigger. Listen to their suggestions," mahinahon niyang untag.

Trigger clenched his jaw. "No," matigas na saad nito sa galit at nagdadabog na tono.

Frustrated na hinabol ni Miracle ng tingin ang asawa nang padabog itong umakyat sa hagdan. She didn't say anything, hinayaan niya na lang ito na gano'n umakto. Mainit siguro ang ulo kaya hahayaan niya na lang na magpalamig ang lalaki.

That's the problem with Trigger. He's a good CEO, a very clever one. But he doesn't listen to other people's suggestion. Gusto nito ay plano niya lang ang susundin, at papayag lang ang iba sa kaniya.

He doesn't accept suggestions because he always think that his plans are the best.

Miracle knew that his plans are really good and outstanding, but for this project, hindi rin siya sang-ayon.

Balak i-demolish ng asawa niya ang isang komunidad dahil sobrang lawak ng  lupain doon. Dagdag pa na malapit sa gubat at marami silang pwedeng matayong establishments. But many people will lose their home.

Oo nga at ibabalik ng kompanya ang presyo ng mga materyales na nasira. Pero ang trabaho ng mga taong 'yon ay nandoon mismo sa lugar. If they need to leave, they'll have a hard time for sure.

Miracle took a deep breathe. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para payuhan ang asawa niya.

She really hates it when Trigger's company is facing a big problem. Lalo na at may kinalaman ang kursong natapos niya sa ganitong larangan.

She's known to be the most professional dean lister in her university back then. She's perfectionist when it comes to business. Kaya siguro bigla na lang siyang nabwisit at napagsabihan niya ang asawa.

Miracle suddenly missed those old days. Everyone in that university loves her. Those professors are really nice. Malaki ang tiwala sa kaniya ng mga taong naroon, they always see her as a woman who'll become successful in the near future.

But look where she is now. Caged inside a life she never wished for.

Pinilig ni Miracle ang ulo at mabilis na umakyat sa second floor. Mabilis ang mga paang naglakad siya papasok sa kwartong nasa pinakasulok.

Agad na lumitaw ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang painting na kasalukuyan niyang tinatapos.

Her works are scattered around the whole room. Balak niyang ibenta ang mga obra niya pero nanghihinayang siyang mawala ang mga ito sa kamay niya.

She sat down in front of the painting she's working on. Nakangiti niyang hinaplos ang sariling tiyan habang pinagmamasdan ang obra sa harap.

"I'm excited to see you, baby."

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon