Chapter 41

57.9K 1.3K 137
                                    

"Shanelle! Anong ginagawa mo rito?" masayang tanong ni Miracle sa kaibigan nang nakita ito sa sala.

Her friend smiled sweetly when their eyes met. Tumayo ito sa kinauupuan bago siya lapitan. "Gusto lang kitang bisitahin. Nasaan nga pala si Trigger? Wala ba ang asawa mo rito?"

Miracle quickly shook her head. "He went to the company for a while. Ayaw pa nga sana akong iwan pero pinilit ko na. May kaonting problema yata sa kompanya ngayon," she explained.

Dahan dahan namang tumango ang kaibigan atsaka siya hinawakan sa kamay. "I heard from Enica yesterday that you want to learn how to cook again, for Trigger. Gusto mo bang turuan kita? Lagi kaya tayong nagluluto noong college kapag wala tayong ginagawa."

Her face softened when she remembered those days. She can clearly recall how she taught Shanelle several dishes. Kung puwede lang niyang sabihin sa kaibigan na hindi naman talaga siya nakalimot, baka kanina pa siya dumaldal.

She flashed a sweet smile.

"Okay, game ako. Basta kapag pumalpak ako, pasensya na ha?" Miracle even pouted her lips that made Shanelle chuckled.

"Oo naman! 'Saka binigay rin sa akin ni Enica 'yung mga listahan ng allergies ni Trigger. Para alam mo rin kung ano ang mga kakainin niya. I heard that he had an allergy attack last week," pagkukwento nito habang hinihila siya nang marahan papunta sa kusina.

Miracle cleared her throat before smiling awkwardly. "Ahm, yeah. Gusto ko rin naman talagang malaman kung anong mga bawal sa asawa ko."

"Yey, sige tara na. Pumunta na rin tayo sa company ng asawa mo mamaya, dalhan mo siya ng lunch. Narinig ko kasi kay Eric na problemado nga si Trigger ngayon."

"Ano ba kasing nangyari sa kompanya? Hindi kasi sinabi ni Trigger sa akin bago siya umalis," she uttered.

"Sa investment lang yata, hindi ko rin masyadong narinig at naintindihan. Pero kaya namang solusyunan ni Trigger 'yan. Ang asawa mo pa ba?" They both chuckled with that.

She's not worried about the company's problem because she knew that Trigger is a very clever man, kayang solusyunan ng asawa niya ang lahat ng bagay.

Isa pa, she's supposed to be happy because of this. Nahihirapan ang asawa niya, at 'yon ang bagay na mas dapat niyang pagtuonan ng pansin.

Binalewala niya muna saglit ang mga isipin nang simulan ni Shanelle ang pagtuturo sa kaniya. She just focused her attention to her friend because she misses her so much.

"GOODAFTERNOON, ma'am Miracle," sabay sabay na bati ng mga guards sa harapan ng kompanya nang makita siya.

She smiled sweetly while carrying the plastic bag on her hand. Yumuko rin siya pabalik sa mga ito.

"Nandiyan ba si Trigger? Hindi ba siya umalis?" she asked politely.

Nakangiting umiling ang isang guwardiya.

"Nasa loob po si sir. Pero medyo mainit-init daw po ang eksena sa loob kasi masama ang lagay ni sir. Mainit po yata ang ulo," paliwanag nito.

Miracle nodded slowly. Gano'n ba kalaki ang kinakaharap ng kompanya para magalit ang asawa niya?

Hindi basta-basta umiinit ang ulo ni Trigger sa maliliit na problema.

"Sige po, salamat po." She bowed her head before heading inside the company.

As soon as she stepped inside the big company, the people's attention were focused on her.

Pagkamangha ang bakas sa mga mata ng lahat ng tao roon habang pinapanood siyang maglakad.

No one would even deny that her beauty is incredible. She's just wearing a simple dress but she caught everyone's attention.

She stopped in front the elevator, agad namang bumaling sa kaniya ang ibang mga tauhan ng asawa niya.

"Good afternoon po ma'am Miracle," bati ng mga ito sa kaniya.

Mabilis naman siyang yumuko pabalik. "Hello, good afternoon. Nakapag-lunch na ba kayo?"

Nakangiting tumango ang mga ito. "Katatapos lang po ng lunch time. Pero medyo mahigpit po schedule namin ngayon kasi mainit po ulo ni sir," kinakabahang sabi ng isang lalaki.

She chuckled. "Takot ba kayo sa lalaking 'yon?"

Alanganing tumawa ang mga ito bago kinakabahang tumango. Mas lalo siyang natawa.

"Sige, ako na bahala sa asawa ko. Kulang lang 'yon sa lambing kaya kayo ang pinag-iinitan." She raised her eyebrow mischievously that made the people laugh.

"Ma'am Miracle?"

Bumaling siya sa kaliwa nang marinig ang pangalan niya mula sa isang lalaki. It's Trigger's secretary. Hindi pa rin pala ito napapalitan?

Nagkunwari siyang nagtataka. "Ahm, hi. Who are you?"

"I'm the Chief Executive Officer's secretary. I am Rev Quintos. We actually know each other back then before you lost your memories. I'm glad you're back," natutuwang saad nito bago ilahad ang kamay.

Nakangiting tinanggap niya ito bago makipagkamay. "I'm happy to hear that."

"Hindi po alam ni sir na darating kayo. Galit din sa akin, lahat yata ng makikita niya kaaway niya," natatawa nitong saad.

"Puwede bang samahan mo ako papunta sa lalaking 'yon? Makakaltukan ko talaga siya."

Naiiling na tumawa si Rev. "Sure, ma'am. Let's ride the private elevator. Sir Trigger decided to have his own elevator, but you can always ride that elevator also, ma'am."

Kumaway muna ang babae sa mga taong nakausap niya kanina bago sumama sa sekretarya ng asawa. Sabay silang pumasok sa elevator sa pinakagitna.

Rev pressed the highest floor. Maybe the last floor is Trigger's office.

Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay agad na bumungad sa kanila ang hindi magkaundagagang mga tauhan na pabalik-balik sa kinauupuan.

It's the admins' center and they all looked scared. Rinig na rinig din ni Miracle ang katakot-takot na sigaw ng asawa mula sa loob ng opisina nito.

"Oh fuck, this is disaster. Are you sure you still want to talk to sir Trigger?" kinakabahang tanong ni Rev sa kaniya.

Mabilis naman siyang tumango bago dire-diretsyong pumasok sa opisina ng asawa. Nabungaran niya agad ang lalaki na abala sa pagsigaw sa mga tauhan sa harapan nito.

"This is fucking useless! I told you to fix this report before evening but look at this fucking mess. Repeat it!"

Maging si Miracle ay hindi maiwasang kabahan. Trigger is really mad right now and it seems like the memories from the past where Trigger kept on hurting her come back.

Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng asawa. Handa na sana siya nitong bulyawan nang makitang siya ang kumuha sa atensyon nito.

Mula sa galit na ekspresyon ay biglang naging maamong tuta ang lalaki.

"Baby?" hindi makapaniwalang tanong nito.

She smiled sweetly. "I brought you lunch."

"Baby," pag-uulit nito bago maglakad papalapit sa kaniya.

Miracle can't help but to giggle when Trigger hugged her tight. "I'm sorry if you have to see that. Baby, huwag kang magalit sa akin, ha? I'm sorry. I miss you so much."

For unknown reason, her heart melted when she heard that.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon