Chapter 30

78.4K 1.3K 233
                                    

"Mag-iingat ka roon, ah? Baka mamaya kung anong mangyari sa 'yo," nag-aalalang saad ni Miracle habang nakaupo sa sofa.

Trigger chuckled as he closed his suitcase. Lumapit siya sa asawa at ginulo ang buhok nito.

"I'll be fine, baby. Babalik din ako mamayang gabi. You're the one who needs to behave while I'm away," natatawa niyang sagot dito.

Miracle immediately pouted her lips. "Behave lang naman ako lagi, ah?"

He grinned. "I'm afraid you might try to do things you're not capable of. Huwag mong puwersahin ang katawan mo na gumawa ng mga mabibigat na bagay. Just follow what Shanelle has to say. She's a good friend."

Nakangiting tumango ang babae. Sumaludo pa ito sa kaniya.

"Copy, commander!"

Trigger chuckled with his wife's actions. Mabilis niyang pinulupot ang braso sa katawan nito at niyakap ito nang mahigpit.

"Be a good girl while your husband is away, hmm?" he whispered on her ear.

Naramdaman niya ang pagtango ng babae. "Opo. Ikaw rin. Mag-ingat ka."

He kissed her lips once again before picking up his suitcase. Nanatili ang braso niya sa baywang ng asawa bago niya bunutin ang cellphone sa bulsa.

He saw Shanelle's message in his screen.

I'm here.

A smile flashed on his face when the main door opened. Pumasok doon ang babae na kanina niya pa hinihintay.

Agad na napalingon ang asawa niya sa kararating lang na bisita.

Shanelle immediately smiled when she saw Miracle. Excited na naglakad ito papalapit sa direksyon nila.

Trigger stood up to greet Shanelle. Bumati naman ito pabalik sa kaniya bago lumapit sa asawa niya.

"Hi, Shanelle!" masayang bati ni Miracle rito.

"Hello! Ako muna ang kakuwentuhan mo ngayon, ha? Aalis kasi 'yang asawa mo, eh sakto namang kasama rin si Eric," sagot ng babae.

"Paano 'yung mga anak mo? Sinong mag-aalaga sa kanila?" nag-aalalang tanong ni Miracle. Shanelle immediately shook her head.

"Sila mama at papa ang mag-aalaga sa kanila. 'Saka huwag kang mag-alala, malalaki na naman 'yung mga anakis ko," natatawang sagot nito.

Trigger stared at his wife deeply who's smiling sweetly. Nang makitang lumingon ito sa kaniya ay agad niya itong nginitian.

He leaned down to kiss her cheeks. "I'll go now. I love you."

She nodded her head quickly. "Take care. Umuwi ka agad, baka masyado kitang ma-miss."

Trigger chuckled. "Uuwi talaga agad ako dahil ikaw ang uuwian ko."

Nagpaalam muna sila sa isa't isa bago tuluyang lumabas ng mansyon ang lalaki. The butlers accompany him on the way to his car.

Nang makasakay sa kotse ay agad niyang binunot ang cellphone sa bulsa at nagtipa ng numero.

Miracle on the other hand smiled sweetly at Shanelle who's sitting beside her.

"Hindi ba talaga ako nakakaistorbo sa 'yo?" she asked her.

Mabilis namang umiling ang kaibigan. "Gusto ko rin naman talagang makasama ka. Buti nga binigyan ako ng time na makausap ka ulit. Atsaka bakit mo naman iisipin na nakakaistorbo ka? Miss na miss na kaya kita," she answered.

Miracle let out a soft chuckle. "I'm so lucky to have you guys as my family and as my friends. Pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng babae sa mundo."

Shanelle combed her soft hair slowly. "You are really the luckiest woman, Miracle. You survived that accident, you woke up from a long-term comatose. Tapos ngayon, okay ka na. Masaya ako para sa 'yo."

"Thank you, Shanelle. Sobrang importante para sa akin na makasama at makausap kayo. Pakiramdam ko unti-unting bumabalik 'yung mga alaala ko."

"I want you to regain your memories, also. Para maalala mo kung anong kalokohan ang mga pinaggagagawa natin noong college."

Miracle laughed. "I'm looking forward for that memories. Sigurado akong masaya lahat ng 'yon."

Shanelle nodded her head.

"Hindi pa rin talaga nagbabago ang mukha mo. Ang ganda ganda mo pa rin. Para ka talagang anghel na bumaba sa langit at binigay sa amin para maging matino kami," pagbibiro nito na agad namang sinundan ng tawa ng babae.

"Kaya siguro may anghel din akong asawa."

Shanelle nodded her head. "Oo naman. Ang asawa mo ang isa sa mga blessings na binigay sa 'yo. He's a perfect husband, a hard-working person. Bagay na bagay kayong dalawa."

Miracle smiled. "Talaga? Almost perfect na siya? Nararamdaman ko rin 'yon. Pero gusto ko pa rin talagang maalala kung gaano namin kamahal ang isa't isa noon."

"It was good. Tulad ng ibang relasyon, may mga hindi pagkakaintindihan. But Trigger is very faithful to you. Sobrang daming nangyari sa limang taon na tulog ka. Sobrang dami niyang pinagdaanan. Kaya ngayon, sobrang natutuwa kami na masaya siya. Ngayon na lang ulit namin siya nakitang ngumiti ay tumawa nang totoo sa loob ng limang taon. You guys deserve each other."

Miracle cleared her throat before flashing an awkward smile. "Shanelle. I want to ask something, actually. One time, noong nakita ko si Trigger na nagbibihis. I noticed the deep scars on his back. What happened to him?"

Lumungkot ang ekspresyon ng kaharap.

"Before we even knew where you at, hindi ka muna namin nahanap sa loob ng dalawang buwan. Sabay kayong naaksidente ni Trigger pero hindi namin mahanap ang katawan mo." Shanelle cleared her throat to cover her lies. But half of it is true.

"Noong sinusubukan ka niyang hanapin, someone tricked him. Sinabi nito na nahanap ka niya pero ang totoo ay niloloko lang naman ng gagong 'yon ang asawa mo. Trigger was in Cebu that time when he encountered an accident. He almost died. He was traumatized with that accident. Sobrang natakot ang asawa mo na hindi ka na niya makikita kapag namatay siya. That's why he never want to go back in Cebu because of that one. That accident left many scars on his body but he recovered fast. Ang lakas kaya ng asawa mo," dagdag pa niya.

Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Miracle pero tinabunan agad nito ng ngiti ang ekspresyon na 'yon. "No wonder why he's tough. He's really the best. I wonder how scared he is."

Shanelle held her hand gently. "Let's cook some food. Aalalayan kita para hindi ka mahirapan."

Agad na napahagikhik ang babae bago tumango. "Okay!"

--

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon