Chapter 20

99.8K 2.2K 614
                                    

Miracle stepped outside the car after parking it in front of the mansion. Mabilis siyang pumasok sa loob ng gate at walang pakealam na binuksan ang pintuan.


She immediately saw her parents on the sofa, and her husband on the other side.

Naiiyak na lumapit siya sa direksyon ng mga ito. Her parents automatically stood up from their seat when they saw her.

"What are you doing here? You should be in the Hospital!" Benedict shouted.

Nakayukom ang mga kamao na pinakawalan ni Miracle ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. She felt the anger invading her whole system while facing the three people who killed her baby.

"Why did you do it?" she asked with tears in her eyes.

"Anong--"

"P-Pinalaglag ninyo ang anak ko? Habang tulog ako?" hindi makapaniwalang sambit ni Miracle habang nakatingin sa pamilya niya.

She saw how her mom shut her eyes closed. "Miracle, hindi mo ba kami naiintindihan?"

Naiiyak na umiling ang babae sa ina. "B-Bakit? Bakit ninyo g-ginawa 'yon?"

Tumawa nang sarkastiko ang tatay niya kaya napalingon siya rito. "Hindi namin apo ang batang 'yan, kung sino man ang tatay niyan, malaking kahihiyan 'yan sa pamilya dahil may asawa ka na, Miracle! Pero nakuha mo pa ring lumandi?"

Napanganga siya sa sinigaw ng tatay niya. She bit her lower lip and cried even more. Hindi siya makapaniwala.

Mas masakit pala na marinig sa mismong bibig ng mga ito.

Tumaas ang tingin niya sa asawa na malamig lang na nakatitig sa kanila.

"A-Ang gagaling ninyo. Ang gagaling ninyong magdesisyon na para bang kayo ang nagdadala sa batang 'yon," she uttered while crying.

"Anak 'yon ng bastardo--"

"Mga tarantado kayo!" galit na sigaw niya na ikinagulat ng lahat ng nandoon.

"Anong karapatan ninyo... Anong karapatan ninyo?" nanghihinang tanong niya habang hawak ang sariling tiyan.

Hindi niya man lang naramdaman ang sariling anak, pero kinuha na agad ito sa kaniya.

"Pinatay ninyo ang anak ko, dahil sa putanginang dahilan na 'yon?! Ang kakapal ng mukha ninyo para pangunahan ako!" she shouted angrily.

Hindi makapaniwala ang mga tao sa harapan niya. They never expected that she'll burst out like this, ang kauna-unahang beses na nakita nilang nagalit ang babae.

Napasabunot sa sariling buhok si Miracle. "Anak ko 'to. Anak ko 'to, e. Bakit ninyo pinatay? Sinong nagbigay sa inyo ng katiting na karapatan para pakialaman ang buhay ko?!"

"Miracle!"

"Don't you dare shout at me kung ayaw mong mapatay kita!" sagot niya sa sariling tatay.

Napatakip sa bibig ang nanay ni Miracle dahil sa nakikita. Parang hindi niya na makilala ang anak na nasa harapan.

"All of you... How dare you do this to me?" Dinuro ni Miracle ang mga kaharap. "You never heard anything from me, kahit anong iniuutos ninyo ay sinusunod ko. Pero may narinig ba kayong reklamo mula sa akin? Wala 'di ba?! Sumagot kayo!"

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon