Chapter 58

71.5K 1.5K 212
                                    

Miracle sat quietly on her bed while trying to stop herself from crying. Kanina niya pa pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya, ayaw niyang ipakita kay Shanelle ang pagiging mahina niya.

She's always weak when it comes to Trigger, hearing his name makes her vulnerable. 

Lalo na ngayon na narinig niya mismo sa bibig ng kaibigan kung ano ang katotohanan. Parang bombang sumabog sa harapan niya ang lahat lahat ng nalaman niya. She kept on blaming herself for everything, for what happened, for being stupid to believe that everything was Trigger's fault.

Gustong-gusto niya itong makitang nahihirapan at nasasaktan kaya gumawa siya ng paraan, naghiganti siya rito. Pero ang kapal ng mukha niyang gawin 'yon dahil wala naman pala siyang dahilan para saktan ang asawa niya.

Their baby is alive, and Doctora Haley also said that Trigger never agreed upon aborting her baby. Her last reason to hate him was being physically abused in his hands, but it turns out that he never did such thing. 

It was her, all along...

Nakumpirma niya lahat ng sinasabi ni Shanelle nang ipanood nito sa kaniya ang isang CCTV footage kung saan kitang-kita niya kung paano niya saktan ang sarili. And here she is, for five years, thinking that it was Trigger who made her suffer.

Miracle gazed at her cellphone when a number flashed on the screen. Dahil wala sa katinuan ay walang pakealam niyang sinagot ang tawag kahit hindi pamilyar sa kaniya ang numero na 'yon.

"Hello? Who's this?" she asked using her calm voice.

"You want to make him happy, right?"

Parang nanlamig ang buong katawan ng babae nang marinig ang napakalamig at napakalalim na boses na 'yon mula sa kabilang linya. Napaupo siya nang tuwid habang nangangatal ang kamay.

"I'm sorry, but w-who's this?" she asked again.

"I'm talking about Trigger. I know how much you want to talk to him about this matter."

Napalunok siya. "Bakit mo alam ang tungkol sa amin? Who the hell are you?! Are you trying to scare me or prank me with--"

"Introduce Alistair to him, tell my brother the truth about your son, that's all that matters for me right now, Miracle." Mas lalo pa siyang nagimbal sa sinabi nito.

Hindi siya pamilyar sa boses ng kausap kaya hindi siya sigurado kung sino sa magkakapatid ang nasa kabilang linya.

"But I d-don't know how to talk to him, hindi ko r-rin alam kung nasaan siya," naiiyak niyang sagot dito.

"He's currently in Cavite right now. Bring Alistair with you and come back to Philippines. I'll handle everything you need for your flight."

"Wait," utal niyang sabi rito nang akma na nitong ibababa ang tawag. "Who are you? Are you his younger brother? You said that Trigger is your brother."

The man from the other line chuckled a bit. "Avenight."

Nang hindi siya makasagot agad ay nagsalita muli ang lalaki. "Don't tell him that I helped you about this matter."

"Tang ina." Hindi napigilan ni Miracle ang mapamura pagkatapos maputol ang tawag. HIndi naman siya bingi para hindi marinig ang binanggit nitong pangalan.

Namula ang mga pisngi niya nang maalala ang ginawa niya rito bago magpakilala. Ang kapal ng mukha niyang pagtaasan ito ng boses kanina!

Takot niyang hinagis ang cellphone sa kama dahil pakiramdam niya ay naririnig niya pa rin ang nakakatakot nitong boses, hanggang ngayon ay nanlalamig pa rin siya.

Does Avenight have some super powers using his voice and his presence? Bulong niya sa sarili.

'Saka lamang siya natauhan nang makabalik sa katinuan. She can clearly recall her conversation with Avenight and he was right. Gusto niyang makabawi sa asawa at ang tanging paraan lang para gawin 'yon ay ang paghingi ng tawad sa lahat ng ginawa niya. And letting him know that their baby is still alive will make him feel good.

For five years, he kept on blaming himself for what happened to her and to their son, pero siguro kapag nalaman nitong buhay ang anak nila ay mapapanatag na ang loob nito.

Agad na lumabas ng kwarto ang babae para puntahan ang anak. When she saw Alistair inside his room, she quickly knocked to catch his attention.

"Mommy, come inside," Alistair said while fixing his bed.

Tahimik na umupo si Miracle sa tabi ng anak bago haplusin ang pisngi nito. "How's your school today?"

"Good, as always," tipid na sagot ng anak at ngumiti sa kaniya. "Your face makes me feel that you wanted to say something, mommy. What is it?"

HIndi na nagulat pa ang babae nang sabihin 'yon ng anak. She expected that already, knowing how observant Alistair is. "Mommy just wanted to ask you something. Ayokong mag-decide ng sarili ko kaya gusto ko ring tanungin ka. Tell me your honest answer, okay?"

He nodded his head. "I will."

"Do you want to meet your father?"

Alistair became silent for few seconds. "Mom."

"Hmm? I'm asking for your decision, Alistair. You can say anything you want."

"Of course, I want to meet him. Hindi naman siya masamang tao 'di ba? You said that he'll surely love me once he meet me. That's why I want to meet him, mommy, I want to be with my dad if that's okay with you," mahaba nitong paliwanag.

She can't help but to smile with his answer. Alistair always asks for her permission whenever he's doing something that she might or might not like.

"I want you to pack your clothes and important things, let your yaya help you with that, okay?" saad niya rito.

"For what? Are we going to leave the house?" nag-aalala nitong tanong.

Natatawang umiling naman siya rito. "We're going to Philippines tomorrow."

"Bakit po?"

"I'm going to introduce you to your father, Alistair."

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Where stories live. Discover now