Chapter 13

67.1K 1.5K 174
                                    

"Here, look. Mas maganda nga ritong ganapin 'yung event kung gusto mong makapag-enjoy 'yung iba mong employees." Miracle showed the venue she saw.

Agad namang lumapit ang asawa sa kaniya bago dumungaw sa cellphone niya. "Looks good."

"Dito na lang, 'saka masaya kaya rito. Bukod sa mababait 'yung mga staffs, ang ganda pa ng ambiance ng lugar," she added.

Kumunot ang noo ng asawa niya. "It seems like you know this place for a long time. Have you ever visited that place?"

She smiled before nodding her head.

"Sumama ako kila Shanelle noong nagbakasyon silang pamilya rito. You're busy with your business trip that time so I didn't tell you."

Nilapag ng lalaki ang hawak hawak na kutsara. "Shanelle? With her husband?"

"Yes."

Mas sumama pa ang mukha nito. "I really don't like that guy."

Kumunot ang noo ni Miracle sa sinabi nito. "Why? Eric's a good a guy and a responsible husband. I really like him for Shanelle. 'Saka mabait at masipag si Eric. Bakit naman ayaw mo sa kaniya?"

Pabalang nitong tinusok ang kutsara sa strawberry cake na nasa harapan nila. "Basta ayoko sa kaniya. Tanong ka nang tanong. Kumain ka na nga lang."

Galit na sinubuan siya nito ng cake bago umirap.

Miracle on the other hand pouted her lips with his actions. Nginuya niya ang cake na nasa loob ng bibig niya at muling nilingon ang cellphone. Napaka-weirdo talaga ng asawa niya sa mga nagdaang araw.

"Ano? Nakapag-decide ka na ba? Dito na lang kayo, siguradong mag-e-enjoy ka rin," she convinced Trigger.

Walang pakealam na humilig ang lalaki sa lamesa at pinagpatuloy ang pagkain ng cake. Maya-maya pa ay bigla na lang itong tumango. "Whatever you want."

"Yes!" Napapalakpak si Miracle sa tuwa nang marinig ang sagot nito.

She automatically dialed the owner's number. Nakilala niya ang may-ari ng resort na 'yon noong minsan niya itong nakitang nagpipinta ng mga larawan. She became closs with that owner because they share the same talent.

Pipinduting pa lang sana ng babae ang 'call' button nang bigla na lamang lumabas sa screen niya ang pangalan ng ama.

She gulped with that. Bakit naman siya tatawagan ng tatay niya? Sa pagkakaalam niya ay dalawang beses pa lang siya nitong tinawagan.

Mabilis niyang hinawakan ang dibdib para pakalmahin ang sarili.

Trigger on the other hand noticed how Miracle's face turned pale. His eyes lowered down to the screen of her phone.

His face darkened when he saw Benedict's name. Mabilis niyang hinablot ang cellphone mula sa kamay ng asawa bago sagutin ang tawag. Miracle gasped with what he did but he just focused on the call.

"What do you need?" he coldly asked.

"Trigger?"

He rolled his eyes in a manly way. "Why are you calling my wife?"

Tumikhim ang nasa kabilang linya. "Oh, nothing. I was about to tell her that I'm on my way there with her mom. We just need to talk to you and to Miracle about important matters."

Trigger's face darkened even more. "About what?"

"I'll tell it to you once we're there."

Galit na pinatay ni Trigger ang tawag bago ito mahinahong ibigay sa asawa na nagtatakang nakatingin sa kaniya.

"Are you okay? Bakit parang galit ang ekspresyon mo? Ano bang sinabi ni daddy?" she asked him.

He massaged his nape. He's trying his best not to burst out. Baka masigawan niya pa ang asawa na wala namang kinalaman sa galit niya.

"Your parents will be here."

He lifted his head to see Miracle's expression. And just like what he expected, namutla ang magandang mukha nito.

"Bakit daw?" utal nitong tanong.

"I don't know. About business stuffs I guess," sagot niya bago muling kutsyarahin ang dessert. Inangat niya ito kapantay ng mga labi ng asawa. "Eat first, you look so tensed."

Miracle just shook her head. Inagaw nito ang kutsara sa kamay niya bago ito itapat sa bibig niya. "Ubusin mo na. Allergic si mommy sa amoy ng strawberry."

Wala nang nagawa ang lalaki kung hindi isubo ang pagkain. Kumunot pa ang noo niya nang sandukin ni Miracle ang natitirang piraso ng cake at muling tinapat sa bibig niya.

He stepped back when he saw the big piece. "What do you think of me? A fucking pig?" gulat niyang tanong rito.

"Sige na, kainin mo na. Ang daldal mo," reklamo ng babae.

Galit niyang sinunod ito. Punong puno ang bibig niya ng pagkain kaya masama niya itong tinapunan ng tingin. She just shrugged her shoulders before throwing the container.

Trigger quickly grabbed a glass of juice when he finished eating that damn cake.

"G-Gusto mo bang sa taas muna ako? They'll just talk about some business stuffs kaya wala rin namang saysay kung sasalubungin ko sila. A-Ayos lang ba sa 'yo if ikaw na lang ang humarap kila daddy?"

His anger automatically vanished when he saw fear and pain in Miracle's eyes while saying those words.

Binaba niya ang basong hawak bago ito pakatitigan. "You look so scared. What's wrong?"

Umiling naman agad ang asawa niya. "W-Wala. Hindi k-ko naman alam ang mga pag-uusapan ninyo kaya mabuti nang sa kwarto na lang ako 'diba?"

He clenched his jaw while observing her actions.

He grabbed her wrist gently. "You'll not go anywhere. Let's face your parents together. I'll drag them out of our house once they talk shits about you."

Miracle's face automatically softened. "They're n-not like that, Trigger."

"I don't care. Let's go. Mamaya ka na maglinis dito sa kusina. I'll help you with that."

Hinila niya ang babae papunta sa sala nang marinig ang tunog ng doorbell mula sa labas. Nakapamulsang binuksan ni Trigger ang pintuan, unang sumalubong sa kaniya ang pagmumukha ng mga magulang ng asawa niya, nasa likuran nito ang isang pamilyar na lalaki.

Trigger's face paled when he recognized that man. It's a famous lawyer... assigned for annulment cases.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon