Chapter 15

71.5K 1.6K 256
                                    

Mahigpit na niyakap ng babae ang unan habang matiyagang hinihintay na umuwi ang asawa.

She saw Trigger leaving the house a while ago. Hindi niya alam kung paano ito tatanungin dahil baka mamaya ay masaktan pa siya nito.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya kung bakit nagalit ang asawa niya. Matagal nang gustong makalaya ng lalaki mula sa kasal nila, kaya pagbibigyan niya ito. Pero bakit parang krimen ang ginawa niyang pagpirma?

She suddenly remembered what he said a while ago. He's blaming her for being a bitch and an attention seeker.

Tingin siguro nito ay malandi siya dahil pumayag siyang ikasal na naman sa ibang lalaki. He doesn't know how hard it is for her to sign that annulment paper when the man she loves is Trigger.

Pinikit niya nang mariin ang mga mata bago haplusin ang tiyan na may umbok na. "I'm sorry about this situation right now, baby. It'll be better soon."

Bahagya siyang kumibot nang marinig ang tunog ng sasakyan mula sa labas. Mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan para pagbuksan ang asawa.

Bumungad agad sa kaniya ang lalaki na halos matumba na sa sobrang kalasingan. She quickly held his body to prevent him from falling.

"Trigger, s-sandali, umayos ka muna," saway niya rito habang inaalalayan ito paupo sa sofa.

Nang makarating sa sala ay maingat niya itong iniupo sa sofa. Napaatras pa siya nang galit na hawiin ng lalaki ang braso niya.

"Get off me, you filthy witch. I hate how your skin touches mine so get off!" She flinched when he angrily shouted at her.

Lasing ang asawa niya.

'Yan ang paulit-ulit niyang tinatak sa isipan niya. Kung masaktan man ulit siya nito, dahil lang 'yon sa kalasingan.

"Trigger, mahiga ka na sa kama para makapagpahinga ka," mahinahon niyang utos rito habang sinusubukan pa ring alalayan ang asawa.

"I said get off!"

Muli na naman nitong hinawi ang braso niya kaya agad siyang napabitaw rito.

Sinapo ni Trigger ang mukha gamit ang magkabilang kamay habang bahagya pang hinihingal. Miracle just stared at her husband who's so helpless right now.

"B-Bakit ka ba naglasing? Ano bang nangyayari sa 'yo, Trigger?"

Dahan dahan siyang tiningala ng asawa. He let out a dangerous laugh. "You're asking me what's happening to me? You're the very reason why my life's a mess ever since, so how dare you asked me, Miracle? How dare you make me feel this way!"

She flinched when he stood up from his seat to grab her arm. Mariin niyang pinikit ang mga mata nang matumba siya sa sofa dahil sa malakas na tulak nito.

"You ruined my life, Miracle. You ruined my sanity," he added.

Muli siyang hinablot nito patayo at marahang hinawakan sa panga. "You fooled me."

"Hindi kita n-niloko kahit kailan, Trigger. Alam mo 'yan," garalgal ang boses na sagot niya.

His face darkened even more.

"We were just fine a while ago, enjoying each other's company. But you ruined that when you fucking signed that goddamn paper! Ano ba talagang gusto mo, Miracle?" nanggigigil na tanong nito. "If you want my money, I can fucking give it to you. If you want a big mansion bigger than this house, I can fucking give it to you also! Stop fooling me like I'm your fucking toy!"

Umiiyak na nagpumiglas ang dalaga mula rito, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya ng lalaki.

"Trigger, m-makinig ka naman muna sa akin. Parang awa mo na, huwag na nating palalain 'tong sitwasyo--"

"Why did you signed that paper, Miracle? Tell me." Naging malumanay ang boses ng lalaki, kitang kita rin niya kung paano manubig ang mga mata nito na para bang ano mang oras ay iiyak.

"Para magpakasal sa ibang lalaki? What?! Para iba naman ang lokohin at landiin mo?! Ano bang--"

"I want you to have the freedom that you want, Trigger. Gustong gusto kitang maging masaya kaya ko pinirmahan 'yon."

Lumuwag ang pagkakahawak sa kaniya ng lalaki. Yumuko ito ng ilang segundo bago muling mag-angat ng tingin. Nagulat pa ang dalaga nang makita itong lumuluha.

"But what if I don't want you to give that freedom to me? What if I wanted you to be selfish?" he asked with tears in his eyes.

Napahikbi ang dalaga. "So you could hurt me even more?" She let go from his grip. "You said you wanted to see me suffering in your arms, Trigger. And I don't want that. I won't let the man I love hurt me even more. Kasi kapag ikaw 'yung paulit ulit na nanakit sa akin. Pakiramdam ko..." Sunod sunod siyang napahikbi. "Pakiramdam ko paulit ulit lang din kitang patatawarin."

"At sobrang sakit para sa akin no'n, Trigger. Sobrang sakit para sa akin na maging tanga pagdating sa 'yo. I used to be a perfectionist and wise student, I used to be a perfect woman pero pagdating sa 'yo nagiging tanga at sunud-sunuran ako. Hindi ko kayang lumaban sa 'yo, sa mga magulang ko, kasi mahal ko kayong lahat. Kaya kung magpapakasal ako sa ibang lalaki at kung sakali mang saktan niya ako, wala na akong pakealam. Wala na akong pakealam basta't alam ko na hindi kayo 'yung nananakit sa akin. Mas matatanggap k-ko na ibang tao ang makakapatay sa akin, kaysa sa i-inyong mga taong tinitingala ko. Mas t-tanggap kong mamatay sa kamay ng ibang tao, Trigger," she added.

Napayuko ang lalaki matapos niyang sabihin 'yon. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa.

Until Trigger took a step forward before hugging her body. Sinuksok ng lalaki ang mukha nito sa leeg niya at doon umiyak.

"Binabaliw mo ako, Miracle. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Pakiramdam ko lahat kayo hindi nagsasabi ng totoo. I don't know who to believe anymore. I'm fucking messed up. Binabaliw ninyo akong lahat sa mga kasinungalingan ninyo," puno ng bahid ng hinanakit ang boses nito.

He let go from that hug before throwing death glares over her.

"Whatever lies you tell me. I still want to see you suffering, in my arms, Miracle. Hindi ka makakalaya sa relasyon na 'to."

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon