Chapter 38

55.6K 1.1K 200
                                    

"Let's go! I'm really excited," punong-puno ng excitement ang boses ni Miracle nang sabihin niya 'yon sa asawa. Katatapos lang nilang kumain at balak naman nilang maglibot sa isla ngayon.

Trigger just flashed a sweet smile before holding her waist. Walang ibang sinabi ang lalaki, marahan lang siya nitong hinila papalabas ng bahay. Nagpadala na lang siya rito dahil nakapulupot ang braso nito sa baywang niya.

As soon as they stepped outside the villa, Miracle immediately closed her eyes when she felt the cold breeze against her skin.

"I want to swim later, Trigger. Samahan mo ako, ha? Gusto kong kasama ka lagi," she said as they start to walk around the island.

Tumango naman sa kaniya ang lalaki bago marahang tumikhim. "Let's do that later."

Miracle stared at her husband quietly. Bahagyang namumutla ang mukha nito at pinagpapawisan din. She wanted to smirk but she kept it to herself. For now, she's patiently waiting for Trigger to initiate the conversation.

She's sure that her husband will excuse himself later. Hindi naman siguro nito palalalain ang nararamdaman para lang sumama sa kaniya. He is a selfish man, ever since, ang inaalala lang nito ay ang sarili niya at wala nang iba. Even if five years have passed, she's certain that nothing has changed.

Makasarili pa rin ang asawa niya.

Hindi naman siguro ito pinangalanan bilang isa sa mga walang pusong businessman kung nagbago na 'to.

Naramdaman ng babae ang higpit nang pagkakakapit ng asawa niya sa baywang niya. Alam niyang umeepekto na ang allergy nito pero hindi pa rin ito nagsasalita.

"I saw a small store a while ago. There are some jewelries there that were made from shells, wanna go there?" Napalingon siya sa lalaki nang magsalita ito.

She stared at her husband unbelievably. His face is pale and he's sweating too much. Bakit hindi man lang nito sabihin sa kaniya na masama ang pakiramdam nito?

"I'm f-fine, dito na lang tayo malapit sa dagat," she answered while stuttering. Trigger just smiled before kissing her forehead. His grip tightens and she can feel it.

Nagpatuloy sila sa paglalakad, pero wala na ang atensyon ni Miracle sa paligid nila. Nakatuon ang utak niya sa asawa na nasa tabi, hindi pa rin ito nagsasalita at nagrereklamo tungkol sa nararamdaman.

She immediately stopped walking when she noticed Trigger at her side, massaging his neck, like he's having a hard time breathing. Mabilis niyang hinawakan ang balikat nito. "Trigger, namumutla ka. A-Anong nangyayari sa 'yo?" she asked.

He quickly shook his head. "I'm fine, b-baby. Let's continue to roam around. Mainit lang dito."

Mas lumakas ang kabog ng dibdib ni Miracle nang makita ang bahagyang pagdaing nito. She pulled his arm before caressing his face. "Trigger, sobrang putla ng mukha mo at pinagpapawisan ka na rin. Ano bang nangyayari sa 'yo?"

She's expecting him to say that he's not feeling well, pero nagulat siya nang pilit pa ring ngumiti ang lalaki sa kaniya.

"I'm all good, Miracle. I just can't breathe properly because of the heat but I'm okay," sabi nito na para bang pinapanatag pa ang loob niya.

"But we can go back for a while--"

"It's okay. Ayos lang ako, baby. Let's--"

"Trigger!" taranta niyang tawag sa pangalan nito nang tuluyan na itong mapaluhod sa buhanginan. Mabilsi na dinaluhan ng babae ang asawa at hinaplos ang mga pisngi nito. But he's still holding his chest while gasping for air.

"Trigger, please. Look at me. Anong nararamdaman mo?"

Sa hindi malamang dahilan ay naramdaman na lang ni Miracle ang pagtulo ng mga luha niya. This is not what she's exactly planning.

She called for help but no one is around. Malayo rin ang pwesto ng ibang mga katiwala kaya hindi siya maririnig ng mga 'to. She's panicking already when Trigger completely passed out. Sinalo niya ang katawan ng asawa at pinatong ang ulo nito sa hita niya.

"Please, sumagot ka, Trigger. Wake up," she pleaded.

Sinubukan niyang luminga sa paligid para humingi ng tulong. And she wanted to cry in happiness when she saw Dagger and Saellyn running towards their direction.

Dagger kneeled beside his brother to check his face. Tinapik-tapik nito nang marahan ang mukha ng kapatid. "Trigger, hey, wake up. Can you hear me?"

Miracle wanted to say something but she closed her mouth when she saw how Dagger threw death glares over her. "What the hell happened to my brother?!" galit nitong tanong sa kaniya.

Mas lumala pa ang pag-iyak niya.

She didn't want this also.

"Hon, 'wag mo namang sigawan si Miracle. Can't you see that she's also clueless about this? Natataranta na rin siya," saway ni Saellyn sa asawa na agad namang umiwas ng tingin.

"Answer me, Miracle. Just fucking answer me. Anong nangyari sa kapatid ko?" mahinahon pero bakas pa rin ang galit sa boses na tanong ng lalaki.

She swallowed hard before answering. "Hindi k-ko alam, Dagger. He passed out while we're walking. Hindi ko talaga alam kung anong n-nangyari sa kaniya," humahagulhol na paliwanag niya.

Ilang segundo pa ang dumaan at may emergency na rin na dumating sa direksyon nila. Miracle just cried silently as Trigger was placed on the stretcher.

"I think he's having an allergy attack," Dagger said out of nowhere.

"What will happen to him?" kinakabahang tanong ni Miracle. Muling tumalim ang tingin sa kaniya ng lalaki.

"He almost died when he passed out back then. Especially that he's here in Cebu also. Hindi ko alam kung bakit nandito ang kapatid ko kahit na may trauma siya rito. And he had allergy attack also, is this some sort of coincidence?" sarkastiskong tanong nito.

She swallowed multiple times. Gusto niya pa sanang magsalita pero agad na siyang hinila ni Saellyn para makasakay sa ambulansya.

Miracle just stared at her husband who's unconscious. Palihim niyang hinawakan ang kamay nito habang tahimik pa rin na umiiyak.

She's fucking guilty and it pains her. Hindi dapat siya nakakaramdam ng awa rito dahil ito naman ang plano niya. Pero hindi niya inaasahan na hahayaan lang ng lalaki na umatake ang allergy nito para lang masamahan siya.

She thought he'll excuse himself to withdraw their plans. She thought he'll leave her. But he did the opposite. He endured the pain just to be with her even if he's already having a hard time while breathing.

Mariing pinikit ni Miracle ang mga mata bago bitawan ang kamay ng asawa. She shouldn't feel guilty about what happened because this is what she exactly planned. Pero hindi niya maintindihan ang puso niya, it seems like everything was ruined because of her heart.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon