Chapter 5

988 27 0
                                    

"uy, ano yang iniistalk stalk mo?" Napatigil ako sa pagtipa sa phone ko ng may magsalita sa likod ko.

"Nandito pala kayo" sambit ko nang makita sila Elliana.

"Yes. At di mo man lang kami napansin."

"Ano ba kasi yang pinagkaka abalahan mo at mukhang serious na serious ka diyan?" Laurine

"Wala, nakita ko lang sa Google tong mga model na lalaki-----

" TALAGA? ASAN!"

"PATINGIN"

"HOT BA?"

Napahilot ako sa sintido ko ng mag react sila. Basta model talaga tsk tsk. Kinuha nila and phone ko at pinag pyestahan yung litrato ng mga model

"Yung abs bes!"

"Ang hot naman nitong isa"

"Mukhang daks to" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Elliana.

"Daks din to oh" Cassie

"Akin lang to" Laurine.

Napailing nalang ako sa kanila.

"Bat di kayo maghanap ng hottie boyfriend kung yan naman pala ang hanap niyo?" Sabi ko sa kanila

"Alam mo, mahirap makahanap ng ganitong lalaki. Kailangan mo pa pumunta sa ibang bansa para makakita ng ganitong lalaki" Cassie

"Bakit pa hahanap ng taga ibang bansa kung meron namang lalaki dito sa pilipinas?" Sabi ko

"Felishia, mas maganda kung doon tayo maghanap sa ibang bansa dahil daks ang mga yun" napangiwi ako kay Laurine

"Ano bang meron sa daks na yan at gustong gusto ninyo?"

"Mesherep HAHAHA" sabay nilang sabi. Mga baliw talaga.

----
Nakangiwi ako habang tinitignan si Calihann na kumakain ng watermelon. Kanina pa siya kain ng kain. Halos maubos niya na ang isang buong watermelon nayun. Ano ba ang pinaglihi ni mommy dito?

"Ano yang mukhang yan? Bakit parang ang laki ng problema mo?" Tanong ni Zehann sakin.

"Eh ayan kasi, walang tigil sa pagkain ng pakwan, halos maubos na niya ang isang buong pakwan na yan at di pa siya tumitigil."

"Ahh ganun ba. Di mo naman siya masisisi. Masarap ang prutas, lalo na ang Pinya" sinamaan ko siya ng tingin. Isa pa to eh.

"Bro, I have something to tell you" Zehann said

"Ano naman yan? About na naman yan sa pinya?"

"Hindi. Hindi yun tungkol sa pinya"

"Eh ano?"

"I have a girlfriend" nakangising sabi niya.

"Huh? Seryoso? Kailan lang yan? Wait kilala ko ba yan?" I ask

"Bago pa lang naman kami. And she's my online girlfriend" Zehann said.

"You love her?"

"No, just for fun haha"

"What the f*ck bro, haha. Buti pinatulan ka?"

"Syempre malakas kaya ako"

"Tss. Malakas kumain ng pinya"

"HAHAHAHA" Tawa ni Calihann.

-----
"Ano ba naman tong pilipinas sobrang traffic! Wala naba talagang pag asa na maluwagan ang traffic dito?" Reklamo ko. Papunta ako ng mall ngayon eh. Mag shoshopping ako pero halos mag 30 minutes nakong nasa DAAN jusko naman.

*Peeeep* *peeeep*

"Hoy dalian niyo pagod nako!" Para akong tangang sigaw ng sigaw dito.

"Kung kelan nagmamadali eh! Naku naman.....

"Sa susunod doon na talaga ako titira sa ibang bansa hmmp!"

Tumingin nalang ako sa bintana at tinignan ang mga nakakasabayan kong kotse. Inopen ko muna yung window para naman makalanghap ako ng sariwang hangin.

Pinikit ko ang mata ko at inihiga ng konti ang ulo ko. Ang sarap sa pakiramdam.

"Psst"

Huh? Ano yun? Dinilat ko ang mata ko at tumingin sa harapan. Wala namang tao ah. Baka guni guni ko lang yun.

"Psst"

"Arrghhhh sino ba yan!!?' sigaw ko ng may nanitsit ulit.

"Look on your left baby" napalingon ako sa kaliwa ng marinig ang boses na yun. Nanlaki ang mata ko.

"Kung minamalas ka nga Felishia"

"Hi babe" bati ni Calixian. Did you hear that? Oo so Calixian lang naman ang sitsit ng sitsit sakin.

"Wag mo kong matawag tawag na babe di kita kilala" Sabi ko. Akalain mo nga namang magkatabi pa kami ng kotse.

"Grabe ka naman babe. Kinakahiya mo na ba ako?" Aniya.

Grrrr! If I know bumabawi lang yan sa nangyari kahapon. Kalma Felishia, kalma.

"Kung sabihin kong oo aangal ka?" Pahambog kong sabi.

"Ang sakit mo naman magsalita babe. Ayaw mo na sakin?" Napangiwi ako sa sinabi niya.

"OO!" Sigaw ko sa kanya. At tinignan ang paligid. May iba palang taong tumitingin sa amin.

"Ang sakit mo magsalita! Para namang wala tayong pinagsamahan. 3 years na tayo mahal, 3 fucking years! Tapos ngayon gaganyan ganyan ka?" Napanganga ako. Three years? Ano daw? Litse talaga tong lalaking to.

"HOY LALAKI! TUMIGIL KA NGA SA PINAGSASABI MO! DI KITA KILALA AT ANONG THREE YEARS THREE YEARS HA? NAPAKA AMBISYOSO MO NAMAN! WAG KA NA MANGARAP!!!" Nang gigigil kong saad at sinarado ang bintana. Arrghhhh nakaka inis nakaka inis!!! 

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon