Chapter 57

280 13 0
                                    

Tahimik lang ako sa biyahe habang tinitignan ang daan. Kahit pa gusto kong magsalita ay di nalang ako nag atubiling kumibo pa. Wala kasing kwenta kausap tong kasama ko eh.

"Don't you want to sleep? Malayo layo pa yung bahay nila Lola. Baka mainip ka lang" malumanay na sabi ni Calixian habang nasa daan ang tingin.

"Malayo ba yun?" Mahinang tanong ko ngunit sapat na para marinig niya.

"Yep, taga Batangas sila" sagot niya.

"Ang layo nga. But, why did they want me to come?" I ask.

"I don't know either. Maybe they just want to know you." He answered.

Agad akong naalarma sa sinabi niya.

"What? Are you serious? Di pa ba sapat yung nakita nila na close naman yung parents natin. At tsaka they already saw me naman na diba? Nakausap narin nila ako. What else do they want from me? At ikaw naman, alam mo naman na it's just pure pagpapanggap diba? Bakit mo pa ako dadalhin doon?" Singhal ko kay Calixian.

"As if I have a choice. That old woman blackmailed me!" Naiinis niyang sabi at nilakasan ang takbo nang kotse.

"Whooo---uyyy--arayy!"

Nasobsob ako bigla sa harap ng sasakyan.

"Aray ko ang sakit!! Walanghiya ka talaga calixian!!" Sabi ko at hinimas ang masakit na parte ng noo ko na nasobsob.

"Tsk. Careless" mahina niyang sabi.

"Aba't ako pa talaga ang careless ha! Eh ikaw nga tong may kasalanan eh!" Reklamo ko sa kanya.

Grabe ang sakit talaga.

"It's your fault. You didn't wear your seatbelt. So don't accuse me" aniya

Kahit na gustong gusto ko siyang sagutin ay tumahimik nalang ako at pinigilan ang sarili na umiyak.

Walang hiya talaga siya! Ang sama sama nang ugali! Di mn lang tinanong kung okay lang ako. Bwesit! Talaga huhu. Bakit pa ba kasi dumating to sa buhay ko eh! Kainis!!!

-----

"Hey sleepy head. Wake up"

Naalimpungatan ako nang may marinig akong gumigising sakin.

"Hmm 5 minutes" sabi ko at binaliwala ang kung sino man yun.

"5 minutes huh...Okay" ani nito at di na ako ginambala pa.

Buti naman.

Ipinagpatuloy ko ang pagtulog ko ngunit sa kalagitnaan nito ay nagising ako dahil sa mga kagat ng lamok.

"Ano ba yan! Bakit may lamok--- Nasan ako?" Gulat kong sabi at tumingin sa labas ng kotse.

Medyo madilim na rin. Sinuri ko ang paligid at napakaraming puno dito. Wala narin sa kotse si Calixian. Siya yata yung gumising sa akin kanina.

Napagpasiyahan kong lumabas at sinuri ang paligid.

Base sa nakikita ko mukhang nasa probinsya kami.

I've never been in a province before but I know what it looks like because I've seen a lot of it from the Television. At sa nakikita ko ngayon ay nandito nga ako.

"Nasan na kaya yung lalaking yun"

Naglakad lakad ako para hanapin si Calixian.

Grabe ang hangin dito. Napaka presko!

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon