Chapter 47

375 13 0
                                    

*Kringg*

Naalimpungatan ako ng tumunog ang phone ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko kahit gustong gusto ko pa talaga matulog.

Wala lang yatang oras ang tulog ko

"Good morning!"

Rinig ko ang boses ni Sarchzani mula sa kabilang linya na ikinamulat ng Sistema ko.

"Good morning, ang aga mo naman nagising, wait natulog ka ba? O hindi?" Tanong ko at bumangon.

"I slept. For an hour maybe?" Sagot niya

"Nasa guest room pa kayo?"

"Yeah. Kakagising ko lang, tulog pa sila"

"Oh bakit ang aga mo nagising. Matulog ka nalang kaya ulit"

"We're going out right?"

"Oo"

"Pwede bang ngayon nalang? I treat you for breakfast? Ayos lang ba, o inaantok ka pa?"

"Ngayon na?"

"Yes. May gagawin kasi ako mamayang hapon. So if you won't mind, can we go out for breakfast?"

Tinignan ko muna ang orasan saka siya sinagot

"Okay, give me an hour para mag ready. Medyo inaantok pa ako eh"

"Yeah sure" aniya.

Pagkatapos nun ay pinatay ko na ang tawag saka humikap sandali.

"6 am na pala ako nakatulog, magse-seven palang. Tss malaki eyebags ko neto" bulong ko saka napagpasyahan na maligo.

AFTER an hour ay natapos rin ako. Gusto ko pa sana talaga matulog kahit sandali pero nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa si Sarchzani.

"Good morning Felishia" bati ni Zehan

"Hi good morning" bati ko sakanya at nilampasan siya para kumuha ng tubig

"Kanina pa kayo gising?" Tanong ko

"Ngayon lang rin" aniya.

Tumango ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Pero napahinto ako ng madatnan ko doon si Calixian na pinapakain si kurly.

"Good morning" bati niya pero ang atensyon ay nasa pusa.

"Good morning" bati ko pabalik saka nagtungo sa ref

"How's you're sleep? Nakatulog ka ba?" He ask

"Nakatulog naman kahit papano" mababa kong sabi saka uminom

"Meow"

"Yes baby? Are you finished?"

"Meow"

"Very good"

Kausap niya sa pusa. Nilagay ko ang ininuman kong baso ss gilid at hinarap siya

"Kumusta naman yung pusa? Di ba pasaway?" Tanong ko.

"No, he's been a good cat. Good job" aniya at tumingin sa akin.

Iniwas ko ang tingin sa kanya.

"Kukunin mo na ba siya? Dito ka naman na titira diba?" Tanong ko.

"Why? You want me to stay?" Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong nakangiti ang damuho

"Nagtanong lang naman para naman di na mawalay sayo yang alaga mo" Sabi ko

"Hmm yeah kukunin ko siya. Pero....."

"Pero ano?"

"Dito sya tuwing may work ako" aniya na ikinalingon ko.

"Talaga?" Excited kong tanong

"Yes"

Napangiti ako sa sagot niya. Napamahal narin sa akin ang pusa na yan kaya talagang mami-miss ko siya pag wala na siya dito.
"Why you woke up so early? At bakit bihis na bihis ka? May lakad ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Yeah. Kakain kami sa labas ni Sar---

Naputol ang sasabihin ko nang mag iba na naman ang awra niya.

"Having a date with my brother?" Tanong nito.

"It's not a date, kakain lang kami." Paliwanag ko.

"Madalas niyo ginagawa iyan?" Tanong niya pa.

"Yes, madalas kami lumalabas" sagot ko.

"Hmm, okay" Sabi nito at binaling ang tingin kay Kurly.

I guess it's the end of the conversation?

Aalis na sana ako ng dumating si Sarchzani.

"You're here! And you're ready." Nakangiting aniya.

Tumango lang ako.

"Aalis na ba tayo?" Tanong ko.

"Magpaalam ka muna sa mommy mo, baka hanapin ka" aniya.

"Tulog pa yata si mommy, I just text her nalang, and alam naman ni Calixian na aalis tayo, so pwede naman sigurong siya nalang ang magsabi kay mommy kung bakit ako lumabas di ba?" Pagpaparinig ko kay Calixian.

Tumango naman si Sarchzani

"Yeah, Hey! Pakisabi nalang kay Tita na lumabas kami ah" Sabi ni Sarchzani kay Calixian.

Humarap si Calixian sa gawi namin.

"Oh I forgot, may lakad rin pala ako ngayon. Kung gusto niyo, sabay- sabay na tayong tatlo?" Pag aaya nito at tumayo ng tuwid.

"Where you going?" Tanong ni Sarchzani sa kapatid.

"About to meet my secretary" sagot nito.

"Secretary?" Taka kong tanong.

"Yes, I hire a secretary. Ayoko magpa pagod kakasulat. And today is my schedule with my secretary. So, if you won't mind, sabay- sabay nalang tayo since pupunta lang rin naman ako sa restaurant para doon kami mag usap" anito.

Di ako umimik at tinignan siya ng matalim.

Mukhang may binabalak ang lokong to ah.

"Are you sure na secretary ang kikitain mo? Baka babae no na naman yan" sarkastiko kong sabi.

He laugh out loud after what I said

"Am I that bad to you? Kahit anong galaw ko kailangan may babae?" Sabi nito.

"Ganun ka naman diba? Kaya di mo ako masisisi" taas kilay kong sabi.

"Really huh, okay then. Sumabay kayo sa akin nang makita niyo kung babae nga ba ang pupuntahan ko" panghahamon niya at kinuha sa bulsa ang susi

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon