Chapter 43

355 12 0
                                    

Masaya kong pinagmamasdan mula sa balcony ang mga nakukulay na bahay sa labas. Iba talaga basta pasko nagiging makulay ang gabi.

"Ma'am Felishia. Bumaba na daw po kayo sabi nang mommy mo"

Hinarap ko ito at sinagot.

"Sige po, mag aayus lang ako" Sabi ko.

Tumango lang ito at lumabas.

Nagtungo ako sa salamin at naglagay  ng lipstick. Pagkatapos nun ay kinuha ko na si Kurly.

"Kurly, punta tayo sa baba, maraming pagkain dun"

"Meow"

Kinarga ko na si Kurly at bumaba.

"1, 2, 3"

*Click*

"Woyyy sinong nang stolen sakin?"

Tanong ko nang maramdaman kong may biglang nag flash na light sa gawi ko.

"Merry Christmas ma'am"

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kristen. Anak siya g mayordoma namin. She's a photographer.

"Kristen!" Tili ko at agad na lumapit sa kanya.

"Dahan- dahan lang iha" paalala ni dad.

Nang maka baba na ako sa hagdan ay ibinaba ko muna si kurly saka yumakap sa kanya.

"Kumusta na!" Tanong ko sa kanya sabay yakap.

Tumawa ito at yumakap pabalik.

"Mabuti naman, heto medyo busy, kaya nang nagkaroon ako ng time dahil pasko naman. Napagpasyahan ko na dito nalang magpasko kasama ni mama at para kamustahin din kayo ng mommy at daddy mo" Sabi nito.

Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at tinignan ang kuha niya kanina sa akin.

"Grabe ang ganda mo kumuha! Para tuloy akong model dito HAHAHA" Sabi ko at tinititigan ang kuha niya.

"Syempre mas gaganda ang kuha, maganda ang kinuhaan eh" aniya.

"Hahaha palabiro ka talaga"

"Totoo kaya. Mas gumanda at naging blooming ka kaya ngayon. Ano? May prince charming ka na?"

"Prince charming ka dyan, wala noh. Wala akong plano. Sakit lang sa ulo yan eh" Sabi ko.

Humalakhak si Kristen bigla. "Hanggang ngayon? Ilang years na simula nung huling kita natin ah, tapos hanggang ngayon wala parin?" Aniya.

"Kristen hija, mahirap makahanap ng mabuting lalaki ngayon, so it's okay na wala munang Boyfriend si Felishia. Baka kasi lokohin rin" Sabi ni mommy.

"Tama, kaya ikaw wag ka basta basta magpapaligaw ha, baka kasi mabait lang yan dahil nanliligaw palang pero pagka sinagot mo na lolokohin ka rin" payo ko sa kanya.

"Opo ate hahaha"

Nag usap pa kami nang mga 20 minutes saka naghanda na dahil malapit na mag 12.

"Excited na ako! Kukuhanan ko nang picture ang magagandang view na makikita ko ngayong pasko." Rinig kong sabi ni Kristen habang yakap yakap ang mama niya.

"Sige kumuha ka tapos ipapa develop natin yan at nang malagay natin doon sa bahay natin" sabi ng mama niya.

Napangiti ako sa kanila. Minsan lang yan sila magkita dahil busy si Kristen sa trabaho niya. Nung unang punta ni Kristen dito college siya nun. 4th year ako siya naman 1st year pa. Naging close kami dahil dito siya pinatuloy namin nung mga panahon na yun dahil malapit lang naman ang school niya dito.

"Get ready, they're coming"

Napalingon ako kay mommy.

"May bisita ka pa bukod kay Kristen mommy?" Tanong ko.

"Yes my dear so get ready na at dadating na sila any moment from now" bilin ni mom.

Tinignan ko ulit yung Christmas gifts.

"Madami nga. Sino pa kaya ang bisita ni mom?" Bulong ko at nilapitan ang mga gifts.

"Hey, what are you doing there baby?"

"Ah, dad. Ano bibilangin ko sana yunge gifts. Madami kasi eh. Sino-sino pa po ba ang mga bisita?" Tanong ko kay dad.

Hinintay ko lang na sagutin niya ang tanong ko. Akmang magsasalita na sana siya nang nay mag doorbell.

*Ding dong*

"Nandiyan na pala sila. Ikaw na ang nagbukas Felishia" Sabi ni dad.

I look at my wrist watch.

"Oh my gosh 1 minute nalang bago mag pasko!" Tarantang sabi ko pagkakita ko sa orasan saka dali daling tumakbo papuntang pintoan.

Muntikan pa ako ma slide pagkarating ko sa pintoan pero buti nalang na balance ko ang sarili ko.

"Dahan- dahan lang hija"

"Opo!" Sagot ko at dali daling binuksan ang pinto.

O_O

"MERRY CHRISTMAS!"

Kasabay nang pag putok ng mga fireworks, ay kasabay ng pag ingay ng paligid.

Pero di nyun nahigitan ang malakas na tibok nang puso ko. Sa sobrang lakas ay halos nabibingi ako sa sariling pagtibok ng puso ko. Halos nanginig ang buong katawan ko nang muli kong masilayan ang mukhang iyon.

"Merry Christmas, Felishia"

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon