Chapter 73

296 13 0
                                    

"Uuwi ako!"

"Walang uuwi!"

"We deserve an explanation! Kaya kailangan nating umuwi!"

"Hey newlyweds what's happening here? Nag aaway ba kayo?"

Agad akong lumapit kay Amira pagkapasok niya.

"Eh kasi si calixian ayaw akong iuwi eh. We deserve an explanation about dun sa kasal. At walang ibang makakasagot nun kundi ang pamilya lang namin pero ayaw akong iuwi!"

"Well, deserve niyo naman talagang malaman yung rason kaya wala naman sigurong masama kung uuwi muna kayo dun, Xian xian"

Di man lang binigyan ng pansin ni Calixian ang sinabi ni Amira at nagpatuloy sa pagtitipa sa Cellphone niya.

"Calixian, uy sige na naman oh wag na natin pagtalunan to. Gusto ko lang maliwanagan. I need to talk to my parents also. Di mo naman siguro ipagkakait yun sa kin di ba?"

Bumuntong hininga ito saka binalingan ako.

"Get ready, my friend is coming." Aniya na ikinalaki ng mata ko.

"Uuwi na tayo?" Tanong ko

"Magbibihis ka ba o hindi? Ayaw nang kaibigan ko na pinaghihintay siya. Baka paglakarin ka nun pauw---

Di na ko nakinig pa sa kung ano ang pinagsasabi niya at agad na kumaripas ng takbo papuntang kwarto. Dali-dali akong nagbihis. Buti nalang may mga un-used clothes and undergarments si Amira dito na sakto lang sa size ko. Pagkatapos ko magbihis ay di na ko nag abala pa na maglagay ng make up o magtali ng buhok dahil baka dumating na yung kaibigan ni Calixian.

"I'm done!" Masiglang sigaw ko.

"Nandiyan ka na pala, yung hubby mo na sa labas. He's friend arrived. Dalian mo baka iwanan ka pa nun." Ani Amira.

"Hala Sige! Salamat talaga Amira ha, sa susunod dadalawin kita dito o punta ka sa amin."

"Sure dear. Go na, update me when you get there! Have a safe trip!"

Niyakap ko si Amira for the last time at agad na lumabas sa condo.

Paglakalabas ko ay sumalubong sa akin ang isang magandang kotse. Hinanap ko si Calixian at nakita ko siyang may kausap na lalaki. Nakatalikod sa gawi ko yung lalaki pero yun na ata yung sinasabi niyang kaibigan niya.  Napagpasiyahan kong lapitan siya at agad ko siyang kinalabit pagkalapit ko para maagaw ko ang atensiyon niya.

"Nandito ka na pala, let's go" Calixian.

"F.. Felishia?"

Nagtatakang binalingan ko ng tingin ang kasama ni Calixian nang marinig ko ang Familiar na boses nito.

"KYRIX!" Gulat kong sambit pagkakita ko sa kanya.

Oh my highschool crush!

"Ikaw nga, how are you?" Nakangiting sabi nito

"Ayos lang. Kumusta ka? Wala ka palang duty ngayon?"

"Rest day ko. Bakit mo nga pala kasama si Calixian?" Tanong nito.

Sasagutin ko na sana ng magsalita bigla si Calixian

"She's my wife"

I don't know kung sa pandinig ko lang ba yun, pero nahimigan ko ang lamig ng boses ni Calixian.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon