Chapter 55

339 16 0
                                    

"WHAT THE----

"Hinaan mo nga ang boses mo elliana, ang daming tao oh" putol ni Cassie kay Elliana.

Pano ba naman kasi, kinwento ko lang naman sa kanila yung nangyari kahapon. At heto, grabe maka react ang mga bruha.

"Pero seryoso? Ikakasal ka kay Calixian? Di ba enemy mo yun? Nahihibang ka na ba?" Laurine.

"Naku, yan na nga ba ang sinasabi ko sayo noon Felishia. Makakatuluyan mo rin yung mga ganung klaseng lalaki. At si Calixian pa huh." Cassie

"Tumigil nga kayo! Di ako papakasal dun noh" Sabi ko

"HINDI? PAANONG HINDI? EH IPINAGKASUNDO NGA KAYO DI BA?"

Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Elliana.

"Nakakain ka ba ng megaphone? Hinaan mo nga ang boses mo, sakit sa tenga eh" Sabi ko.

"Sorry naman, eh sa nakakagulat naman kasi yung nangyari sayo eh. Ni hindi ka nga nagka boyfriend jan tapos malalaman namin na ikakasal ka sa enemy mo. Hello, sinong hindi MAGUGULAT?"

Napapikit nalang ako. Langyang babae to pinagtitinginan na kami nang mga tao.

"Ano nang plano mo ngayon?" Laurine.

"Ano pa ba edi sabayan yung trip ni Calixian. Nakikita ko naman na sencere siya eh. At ayaw niyang ma disappoint yung Grandparents niya."

"Ganun ba talaga yun? Porket hindi lang nag take ng business ang apo niya ay ipapakasal niya agad ito? Pano naman kung nag take ng business yang si Calixian?" Elliana

"Hahayaan niya si Calixian sa kung anong gusto niya. Simple as that. Basta business pero wala namang interest si Calixian sa business"

"Alam mo, habang tumatagal, parang nagiging close kayo, alam mo yun noon kasi halos araw araw nalang kayong nag aasaran diba? Pero ngayon di ka na nagsusumbong sa amin na inaway ka niya. Tell me anong nangyari? Friends na ba kayo?" Laurine.

"Duhh! Kami friends? Di kaya, I'm just doing him a favor. Kapalit nang hindi niya ako iinisin" Sabi ko.

"Ganda naman nang favor na yan. Kasal agad?" Elliana.

"Ano ba, di naman kasal agad eh. At gagawa kami nang paraan para makalusot sa problemang to"

"Pero teka, yung mommy at daddy mo anong sabi? Alam ba nila to?" Cassie.

Naalala ko naman yung nangyari kagabi.

Hinatid ako pauwi ni Calixian. Nasa car niya ako sumakay dahil pinag usapan namin kung anong mangyayari at kung ano ang plano. At kasama sa plano na sabihin namin ang totoo sa parents ko.

"Are you ready to tell them?" Aniya.

Tumango ako at naunang pumasok sa loob ng bahay.

Nadatnan namin sila mom at dad na patungo na sana sa taas kaya tinawag ko sila.

"Mom, Dad. We have something to tell you" diretsahan kong sabi.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon