Chapter 54

315 16 0
                                    

Tahimik lang akong nakaupo habang umiinom nang juice. I still can't believe it, di ko alam na hahantong sa ganun ang sitwasyon, akala ko pa naman ipapakilala lang, eh parang mas gusto yata sila na maikasal agad ang apo nila eh.

Habang nag uusap sila, di ko mapigilan na kagat kagatin ang labi ko sa nerbyos. Yung mga tingin kasi nila mommy at daddy sa akin parang iba na eh.

I really need to explain to them later.

"Anyway, what's your work hija? Are you interested in business?"

Binalingan ko nang tingin ang Lola ni Calixian nang tanungin niya ako.

"I was Calixian's personal assistant nung hindi pa siya nag aral sa ibang bansa. It was my first time to work for. But after that, when he left for his study, nawalan ako ng trabaho at di narin nakapagtrabaho ulit." Sagot ko.

"Hmm, personal assistant huh, kaya naman pala nahumaling sayo ang apo ko magaling ka pala mag alaga" nakangiting sambit nang Lola.

Spell awkward?

Ngumiti nalang ako sa lola niya at binaling sa iba ang tingin.

Magaling mag alaga huh? Kung alam niyo lang po kung gaano ako bini-bwesit nang apo ninyo noon.

"Since Calixian is opening he's clinic anytime soon, what's your plan? You wanna be his assistant again?" Tanong nito.

"Whether she like it or not, she'll gonna be my personal assistant. I need her to be with me when I'm at work" sabat ni Calixian.

"I don't think I can assist you perfectly Calixian, I don't stud----

"I'm not saying na mag assist ka sakin sa mga operations or to cure the endured animals, what I'm saying is I need you there to be my inspiration." Putol niya sa sinabi ko.

Tinaasan ko siya nang kilay. With 'What are you saying look?'

Tumawa naman nang malakas ang Lolo at Lola ni Calixian na sinabayan nang tawa ng parents ni Calixian at nina mommy at daddy.

"Manang-mana ka talaga sa Lolo mo apo" natatawang sambit ng lola ni Calixian. Namumula na nga ito sa kakatawa.

"Ganyan din po ba ang style ni dad noon mom nung pinupormahan ka niya?" Natatawang sabi ni tita Amanda.

"Yeah, I still remember what he did. Nag apply ba namang body guard ko?" Sabi nang Lola ni Calixian.

"Buti na hire niyo siya Lola?" Tatawa tawang tanong ni Sarchzani.

"That time kasi, uso pa yung, pagka may di kayo pagkakaintindihan nang mga ka business mo ay dadaanin talaga sa dahas that's why naghanap ako nang body guard. Nagpa paskil talaga ako nun sa labas ng building." Kwento ng lola niya.

"But, di po ba galing din sa mayamang pamilya si Lolo? Di niyo ba nahalata yun? Or di niyo man lang ba namukhaan?" Tanong ni Zehann sa lola niya.

"Di ako mahilig lumabas noon , tanging sa bahay at opisina lamang ako pumupunta noon pagkatapos kong mag aral. May alam rin naman ako tungkol sa mga mayayamang angkan pero di na ako nag abala pang suriin ang kanilang itsura kaya't hindi ko nakilala yang Lolo ninyo. Nagulat nalang ako, anak mayaman pala siya. Kaya naman pala puro kapalpakan lang ginagawa sa trabaho" naiiling na sabi nang Lola nila.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon