Chapter 7

717 20 0
                                    

"Psst online ka, vc tayo" text ni Laurine sa akin. Ano namang pag uusapan namin?

"Bakit pa mag vc pwede namang mag text nalang" reply ko.

"Basta mag online ka nalang" message niya. Hay nako tong babaeng to di talaga papigil.

"Ano na naman kaya ang ganap nito at kailangan pang mag vc?" Bulong ko habang inopen ang Facebook ko. Dumiretso ako sa messages at minessage siya.

"Online nako" chat ko sa kanya.

"Kita ko nga" reply niya.

"Tawagan mo na ko" chat ko

Biglang nag ring ang phone ko. Tumatawag na siya.

"Yow!" Sabi ko at ngumiti sa camera.

"Sandali lang I aarange ko lang tong mga to" Sabi niya. Tinignan kong mabuti kung ano ang inaarange niya.

"Wait make up table mo yan ah" sabi ko

"Yes dear" aniya at tumingin sa cam.

"Anong ganap? Mag me make up ka? Gabing gabi na ah" Sabi ko. Ngumiti siya at nagsalita.

"Mag pa practice akong mag vlog. Kaya diyan ka lang----

"What? Oh my god sa dami ng pwedeng pag praktisan mo ako pa? Eh alam mo naman na ma bobored ako manood ng mga puro salita lang eh." Sabi ko.

"Eh sino pag papraktisan ko ngayon?"

"Tawagan mo si Cassie baka gising pa yun" Sabi ko

"Eh madali lang yun makatulog eh" aniya

"Si Elliana nalang.. ayoko talaga sa ganyan ma bobored ako" Sabi ko at pinatay ang tawag.... Ganito na talaga kami. Pag may gimik ang  Isa na hindi gusto ang isa, maiintindihan na ng isa yun at di ka pipilitin na gawin ang ayaw mo. Nag scroll lang ako sa facebook at tumingin tungin sa mga post. Marami rami na pala akong friend dito. Di kasi ako always nag o open ng fb eh. Nireact ko ang isang post at nag scroll ulit. Sa kalagitnaan ng pag scroll ko ay nakita ko ang post ni tita Amanda.

Making another memories with you

Yun ang nakalagay sa caption. Tinignan ko ang picture nila. Silang dalawa yun ni Tito Eric.

"Nasa ibang bansa na naman sila?" Tinignan ko ang comments para makasigurado. Grabe kakagaling lang nilang ibang bansa noon ah. Binasa ko ang comments

Zehann Bancroft: Don't forget my Pineapple.

Hala si zehann nato? Tinignan ko ang profile niya.

"Siya nga. Grabe ang laki laki na niya." Siya lang ang kilala ko sa mga anak ni tita Amanda at Tito Eric. Nung pumunta kasi kami sa kanila noong 7 years old ako siya lang ang nadatnan ko doon sa kanila. Yung iba daw kasi niyang kapatid nasa bahay ng Lola at Lolo niya.

"Grabe manang mana siya kay tito." Sabi ko. Foreigner kasi si tito Eric. At sa nakikita ko ngayon manang mana talaga siya kay tito. Sana all may lahi. Iniscroll ko na ulit yun. Grabe wala talaga akong magawa ngayon.

*Ting*
Calixian Bancroft sent you a friend request.

"Arayy!" Nabitawan ko ang phone ko at kamalas malasan. Nahulog yun sa ilong ko. Napapikit ako sa sakit.

"Aray jusko" Sabi ko at bumangon. Hinawakan ko ang ilong ko para tignan kung may sugat ba.

"Oh my gosh" nagpanick ako ng makita ang dugo. Bakit naman kasi eh!! Nagsisi tuloy ako na bumili ng mabibigat na phone.

"Mommy!!! Huhu" sigaw ko habang hawak hawak ang ilong ko.

"Mom!" Sigaw ko ulit. Ang sakit ng ilong ko huhuhu.

"FELISHIA! Why are you shouting? Are you okay?" Rinig kong sabi mom.

"Come here mom" mahinang sabi ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Oh my---Felishia oh my god what happened?" Tumingin ako kay mom.

"I-i need a help mom. My nose is bleeding" Sabi ko. Nilapitan niya ako.

"Jesus! What happened Felishia? Pano nangyari yan? I need to call you a doctor." Sabi niya at kinuha ang phone niya. Oh shit! Ang sakit talaga. Bakit naman kasi inadd pako ng lalaking yun eh? Nakaka inis!!!

"Okay thank you" rinig kong sabi ni mom. Umupo ako sa sofa at hinawakan parin ang ilong ko saka itinaas ang ulo ko. Sana naman maagapan to.

"The doctor is coming. Hold on okay" Sabi ni mommy at umupo sa tabi ko.

"Ano ba kase ang pinaggagawa mo ha?" Sermon ni mommy. Oh god sermon na naman.

"Mom, I can't answer you now. My nose hurts" Sabi ko.

"Babe? Where's Felishia?" Lumingan ako bahagya sa pinto ng marinig ko si daddy. Agad niya kong nilapitan.

"Are you okay baby? The doctor is coming."

Pinikit ko nalang ang mata ko. Lagot ka talaga saking Calixian ka!

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon