Chapter 53

356 18 0
                                    

We're on our way na papunta sa table kung saan nandun ang family ni Calixian kasama ang family ko at ang grandparents niya. I still can't believe na gagawin ko tong pag papanggap nato pero dahil kita ko naman kung gaano ka sincere si Calixian kanina at dahil narin sa sinabi niya na hindi niya na ako aawayin at iinisin pa ay pumayag ako. I know magugulat sila mom at dad neto pero di ko na problema yun, si Calixian daw ang mag e-explain eh. Kaya go with the flow nalang.

"Ready?"

Huminga ako ng malalim bago tumango.

Nakangiti kaming humarap sa kanila nang makarating na kami sa table.

"They're here! "

Nabaling ang atensyon nilang lahat sa amin nang sabihin yun ni Zehann.

Sinalubong nila kami nang nakangiti.

Una kong tinignan sina mommy at daddy na nakangiti pero halatang naguguluhan sa nangyari.

Ngumiti lang ako sa kanila at kumindat.

Sana naman makuha nila ang ibig sabihin nun.

Sinalubong kami nang isang matandang babae na hinuha ko ay ito ang Lola ni Calixian. Seryoso ang itsura nito na parang sinusuri kaming dalawa ng apo niya.

"Grandma" bati ni calixian dito at tumayo ng tuwid.

Naramdaman ko ang tensyon sa paligid nang mawala ang mga ngiti sa labi ng pamilya ni Calixian. At seryosong nakikinig at pinapanood ang mag Lola.

Para akong natuod sa kinatatayuan ko ng balingan ako ng tingin nang Lola niya.

"A pleasure to meet you ma'am" bati ko rito.

Pinigilan ko ang sarili na magpakita ng kaba at takot kahit pa halos gusto ko na talaga umalis sa lugar na to dahil sa nerbyos.

Tinignan ako ng Lola ni Calixian mula ulo hanggang paa. Tumataas taas din ang kilay niya minsan saka tinignan kaming dalawa ng apo niya.

"Good choice hijo, nakuha mo ang timplang gusto ko sa mga babae."

Para akong nabunutan ng tinik nang sambitin nang Lola ni Calixian yun.

Buti naman, akala ko mapapasubo na naman ako ngayon.

"I'm glad you like her grandma" nakangiting sabi ni Calixian dito.

"Why don't you have a sit first, let's have a little talk about you're relationship" sabi nang Lola niya.

"Yes, of course" sagot ni Calixian at inalalayan ako paupo.

Naupo ako sa tabi ni Zehann na kasalukuyang kumakain ng pineapple. Tila wala itong pakialam sa paligid at nasa prutas lamang ang atensiyon.

Kasalungat naman nun ang reaksyon ni Sarchzani na halatang may malalim na iniisip.

"I heard from my kumare that this woman is your girlfriend? Felishia is her name, is it true?" Tanong ng lola ni Calixian.

"Yes she's my girlfriend, grandma" sagot ni Calixian.

"I'm sorry hijo, masyado kasi akong natuwa sa inyong dalawa ni Felishia kanina kaya hindi ko napigilan ang sarili ko, nasabi ko pa tuloy sa Lola mo" natatawang sabi nang guest kanina.

Okay, hindi pala talaga siya nagsinungaling kanina.

"It's okay, plano ko rin naman po talaga na ipaalam yun sa kanila ngayon" seryosong sabi ni Calixian.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Where stories live. Discover now