Chapter 60

315 13 1
                                    

Sa wakas pagkatapos nung mga nangyari sakin kanina nakakain rin. Gutom na gutom na talaga ako nang dumating kami sa bahay nila Lola kaya todo lamon ako ngayon.

"How was the food hija?" Tanong ni Lola sa akin.

At dahil puno pa ang bibig ko ay ngumiti lang ako sa kanya tsaka nag thumbs up. Tumawa naman sila sa inakto ko.

"Mabuti naman at nagustuhan mo hija. Marami pa diyan, kain lang ng kain ha" Ani Lola.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Di naman pala masama ang tumira sa province. Well, di mo naman talaga ma fe-feel na nasa province ka dahil maganda ang bahay nila. Elegante tignan at sobrang ganda din ng view pero pag lumabas ka na ng bahay ay doon mo na ma fe-feel yung probinsya. Excited na nga akong magpahangin sa labas kaya dali dali kong tinapos ang pagkain ko.

"Kurly baby come here" tawag ko kay kurly pagkatapos kong kumain. Tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid. Naninibago pa yata to.

Kinarga ko siya at naglakad lakad muna. Di naman na ako nahihiya dahil walang masyadong tao dito. Yung mga maids kasi nasa kusina kumakain. Sila Lola at Lolo naman may inaasikaso daw tungkol sa business nila.

"What should we do now Kurly? Gusto mo ba maglaro? Huh"

Patuloy lang ako sa paglalakad habang kinakausap ang pusa. Hanggang sa nakita ko si Calixian.

"Puntahan natin ang amo mo?"

"Meow"

Dahan dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan ni Calixian. Tahimik lang akong nakikinig dahil may kausap siya phone.

"Yes po, we arrived safely. Po? Yes we already ate dinner." Rinig kong sagot ni Calixian sa kausap sa telepono

"Sino kaya ang kausap nito?" Bulong ko.

"Don't worry tita I'll take care of her. We'll stay there for three days I guess?"

Wait-what? Tita daw? Si mommy ang kausap niya?

"Yeah. Grandma want to spend time with her--

"MOMMYYYY IS THAT YOUU?" Sigaw ko at inagaw kay Calixian ang phone. Nagtataka niya naman akong tinignan at kinuha mula sakin si Kurly.

"Hi baby. How are you?" Mommy.

"Mom! Ba't kayo pumayag na sumama ako sa lalaking to? Malay niyo kidnap pala to at di na ako ibalik sa inyo?" Pagdadrama ko.

"Silly. Of course ibabalik ka ni Calixian sa amin. We trust him anak. And it's good for you to go there because you need a new environment. Di naman pwede na lagi ka nalang dito sa bahay. You need to explore other places too" Ani mommy.

"Yes I know but, really? You trust him that much mom? Eh paano nga kung topakin to at awayin ako tapos di na ako ibalik diyan aber?"

Tumawa si mommy "Baby, kung darating man ang panahon na hindi ka man niya ibalik sa amin yun ay kung kasal na kayo."

Napangiwi ako sa bigla "Duhh pano napunta sa kasal ang topic mom? And yuck! Ako magpapakasal dito?" Sabi ko at tinignan si Calixian mula ulo hanggang paa. "there's no freaking way mom. Mas gugustuhin ko pang maging matandang dalaga" nakangiwi kong sabi.

"Okay, sabi mo eh." Mom

"Huh! Talaga" Sabi ko habang nakaharap kay Calixian na blangko ang tingin sa akin.

"Okay, have a rest now baby. Alam kong napagod ka sa biyahe. Enjoy you're stay at Batangas okay. We love you!" Mommy.

"I love you too mommy! Take care po!" Sabi ko.

"You too dear" mom said and hang up the call.

"Ayan na phone mo" Sabi ko at binigay kay Calixian ang phone niya.

"Ay-wait. I'm planning to take a bath mamaya bago matulog at wala akong dalang damit. May damit ba dito na pwede ko munang hiramin?" Tanong ko kay Calixian.

"Go upstairs and rest. Everything you need there is complete" Aniya.

Salamat naman.

"Okay. Goodnight" sabi ko at iniwan siya dun.

Masaya akong nagbabad sa bathtub habang ninanamnam ang malamig na tubig. Habang nagbababad ay iniisip ko ang childhood ko until I grown up. Pansin ko talaga na masyado akong na spoild nila mommy at daddy. Hanggang ngayon ay parang bata parin ang turing nila sakin. Ayaw nila ako pagtrabaho-in. Pero kung si Calixian ang dali nilang bumigay tss. Isang request lang bibigay agad.

"Eh paano nga kung di na ako ibalik nang loko lokong yun? Or paano kung mag away kami in the middle of the road tapos pababain ako bigla? Hayst si mommy talaga minsan di nag iisip eh" bulong ko at saka umahon mula sa bathtub para magbihis.

"I'VE heard what happen between Felishia and Valerie. Bakit mo naman hinayaan mag isa si Felishia apo? Di pa naman niya kabisado tong lugar. Paano kung di mo narinig yung sigaw niya kanina? Ano nalang mangyayari sa kanya?"

Napasimangot ako dahil yun agad ang bungad sa akin ni Lolo pagkapasok ko sa room niya.

"Tss. At least she's okay now." Sagot ko.

"Yeah² pero mali parin na hinayaan mo siyang maglakad mag isa. Paano kung maulit yun? We know Valerie. She's a spoiled brat. Talagang magwawala yun page di niya nakukuha ang gusto niya." Lolo

"Lo, can we please stop talking about what happened? It's her fault. She walk away by herself. Malay ko ba namang isa siyang tanga---

He cut me off

"I really don't understand why Felishia agreed to marry you. Kung tratohin mo siya parang hindi siya ang mapapangasawa mo ah. Tell me the truth, you're just using her to act like your fiancee am I right?"

Napalunok ako sa sinabi ni Lolo. No it can't be. Di niya pwedeng malaman yun.

"What the heck are you saying Lolo? Am I really that bad to you huh?"

"I can say that. But I don't know. That's why I'm asking you if you're just using her. Because the way you treated her is not the way I treated your grandmother before"

"Enough with that cheesy lovestory of yours lolo. Di ako yung tipo nang lalaki na patay na patay sa fiancee niya. So stop comparing me to you because we are different"

"Okay fine. But one more thing, do you love her?"

"What the fu---

"Stop cussing. I want to know it from you're mouth. Kung di ka nagsisinungaling sasabihin mo sa akin kung gaano mo siya ka mahal." Lolo

Damn this old man. Pinapahirapan talaga ako. Kung di lang talaga-- tsk.

"I'm not cheesy as you but I love her. I may have so many woman but I love her and I want her to be my wife! Is that enough Lolo?"

Ngumisi naman siya ng nakakaloko.

"What's with that smile? You're getting weirdo, do you know that?"

"HAHAHA mahal mo pala ah. Patunayan mo" Sabi ni Lolo saka natatawang naglakad papuntang comfort room.

What the heck. Is he planning something?










Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon