Chapter 20

485 21 0
                                    

"Kain lang ng kain iha. Kumuha ka pa wag kang mahihiya ah" ngumiti ako sa kay tita Amanda at kumain ulit.

Nang dumating kami dito sa bahay nila Calixian halos ubos na nga ang pagkain. Di ko alam na matatakaw pala kumain ang mga kapatid niya. Naabutan ko pa ngang nagbabangayan dahil sa isang pirasong manok kanina eh.

Buti nalang at nandito si tita. Ipinagluto niya kami.

"Buti naman at maayos ang relasyon ninyo"

Nabilaukan ako sa sinabi ni tita. Jusko ang dami pa naman nung sinubo ko

"Hey, here, drink it" Ani Calixian at binigay ang isang basong tubig sa kin.

Di nako nag inarte at kinuha yun saka ininom.

"Ayiiee ang sweet naman ng anak ko mana sa daddy" Ani tita na ikina ngiwi ko.

"Tss dahan dahan lang kase sa pagkain." Reklamo niya.

Napanguso ako at kumain ulit. Pero this time hinay hinay na talaga. Baka mamaya kung ano na naman ang sabihin ni tita.

"Oh really? Yeah yeah. I'm coming bye" napatingin kaming tatlo ni tita kay Sarchzani ng maglakad siya papunta sa gawi namin at nagsalita sa phone.

"Son who's that?" Tanong ni Tita.

"Ah nothing ma. May ano lang emergency" seryosong sabi niya at kumuha ng isang basong tubig saka ininom ito.

"Hi Felishia" bati niya sa kin.

"Hi" bati ko rin.

"Mom, I need to go. May kailangan akong gawin okay. Bye." Aniya at humalik kay tita.

"Ingat" tipid na sabi ni tita.

"Enjoy kayo" aniya habang nakatingin sa amin ni Calixian matapos hagkan ang ina niya.

Enjoy? Paano naman ako mag eenjoy kung kasama ko to? Bulong ng isip ko.

"After this may lakad kayo?" Tita ask.

"Uhm" lumingon si Calixian sakin.

Tinignan ko lang siya ng 'ano' look

"Walang tao sa house nila because nasa work sila Tito at tita. So, pwede namang dumito na muna si Felishia"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Calixian.

"Huh?" Sabi ko at tinignan siya.

Ngumiti naman siya sakin.

"Don't worry love, welcome ka naman dito eh" aniya at nag wink.

Humigpit ang hawak ko sa tinidor.

Ayaw na ayaw ko talaga ang pag papanggap na ginagawa niya!

Ngumiti ako ng pilit at hinarap si tita.

"Ah tita, kase I think I need to rest uuwi nalang po ako." Sabi ko. Sana naman makalusot ako.

"Uuwi ka na? Wag muna, may pineapple ako dito!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Zehann at may dalang dalawang basket ng pineapple.

"Oh god" napalingon ako kay Calixian ng bigla siyang bumulong nun.

"Manang give me knife." Sabi niya pagkalapag ng pineapples sa table

"Di ka nagsasawa?" Sabi ni Calixian

"Huh? Pano naman ako magsasawa dito? Ang sarap kaya" Sabi ni Zehann at kumuha ng isang pineapple.

"Son, doon ka sa kusina magbalat niyan wag dito sa mesa" Sabi ni tita

"Okay Mom" Ani Zehann at pumuntang kusina dala dala ang basket.

Tumingin sa akin si Tita

"Pasensyahan mo na yun. Talagang gusto na niya ang pineapple since birth" Sabi ni tita habang nakangiwi.

"Ewan ko ba kung saan niyo pinaglihi si Zehann at calihann mom" umiiling na sabi ni Calixian

Napangiti ako ng konti. Kung maka react siya parang napakalaking problem na fruit monster ang mga kapatid niya. Eh maganda kaya yun. Healthy pa nga eh

"Tapos ka na?" Tanong niya sakin. Tumango lang ako at pinunasan ang bibig ko.

"Where do you want to go now? May lakad ka? Kung wala pwede namang dito ka nalang sa bahay. I to tour kita" aniya

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Wow bat parang ang bait ng pagkakasabi niya nun?

"Mabuti pa yun anak sige at pupunta muna ako sa--

"Here's the pineapple" Sabi ni Zehann at dala ang binalatan at sliced na pineapple.

"Himala yata at bumait ka?" Calixian

"Mabait naman ako ah" zehann

"What I mean is himala yata na nagbigay ka niyan?" Ani Calixian at ituniro ang pineapple "noon ayaw na ayaw mong may kahati. Anong nangyari?" Tanong ni Calixian

"Kasi nandito si Felishia. Diba baby girl" natawa ako sa tinuran ni Zehann.

"Tss. Let's go" walang ano ano ay hinila ni Calixian ang braso ko.

"Oh saan tayo?" Tanong ko.

"Sa kwarto"

Nanlamig ang mga kamay ko sa sinabi niya.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon