Chapter 49

375 15 0
                                    

"Ano ba! Lumayo ka nga, sobrang lapit mo eh" reklamo ko.

"Years had past ang arte mo parin" sagot naman ni Calixian.

"Aba, ako pa talaga ang maarte ngayon? Eh sa ang lapit lapit mo nga sa akin eh!" Singhal ko sa kanya.

"I'm not that close to you. Nag iimagine ka lang" aniya.

"Ako pa talaga yung nag iimagine noh? Ramdam na ramdam ko na nga yung hininga mo sa batok ko eh" Sabi ko.

Tumahimik naman siya sandali pero kalaunan ay biglang tumawa.

"Baliw na ata to eh, anong nakakatawa huh!"

Pinigil niya ang tawa niya saka pumilit magsalita pero lumalabas parin yung tawa sa bibig niya. Pinagtitinginan na tuloy kami.

"Sarchzani, alis na tayo. Nakakahiya na tong kapatid mo eh" Sabi ko at hinila si Sarchzani palabas.

Ngunit di pa ako naka hakbang nang may humila sa braso ko.

"I said sabay tayo uuwi diba?" Seryosong sabi ni Calixian. Nawala na yung mga tawa niya kanina at napalitan ng blangko at malamig na expression.

"Edi uuwi" Sabi ko at naunang naglakad palabas ng restaurant.

Nakakainis talaga ang lalaking yun, makita ko lang ang mukha niya sira na agad ang araw ko eh. Kainis!

"Hey wait!" Napa irap nalang ako ng marinig ko ang boses ni Calixian.

"WAIT-WAIT-TIN MO MUKHA MO!" Singhal ko sa kanya at mas binilisan ang lakad ko.

"Why are you like that? You never changed! Look it's 6 years? Pero ganyan ka parin makitungo sa akin, what is you're problem?" Tanong nito.

Napatigil naman ako sa pag hakbang at inisip ang sinabi niya.

"So why, why are you acting like that to me? Sa iba hindi naman ganyan ang trato mo sa kanila. I just knew na sa akin ka lang ganyan makitungo. May problema ka ba sa akin?"

Palapit ng palapit ang boses nito. Pero kahit na humakbang ulit ay di ko na nagawa. Inisip ko kung ano talaga ang rason kung bakit nag iinit ang ulo ko pag nandiyan siya. Eh nagsimula lang naman to dahil sa---

"Hambog ka kasi" mahinang sambit ko.

"Are you saying something? I didn't hear it clearly, can you say it agai----

"HAMBOG KA KAYA AYAW KO SAYO!" Sigaw ko.

Napakagat nalang ako sa labi ko ng makitang nasa harapan ko na pala siya at naisigaw ko yun mismo sa mukha niya.

"Yun lang?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Ano? 'yun lang?'

"Yun lang ang dahilan kung bakit ganyan ka makitungo sa akin? Ang babaw mo namang babae" umiiling pa niyang sabi.

"ABA! AKALA MO YUN LANG? PWES HINDI LANG YUN ANG PROBLEMA KO SAYO! PLAYBOY KA! MAHANGIN! SOBRA SA CONFIDENCE, AT SA SOBRANG CONFIDENCE MO, KAHIT SINONG BABAE NALANG PINAPA IYAK MO! AT NAIINIS AKO SA MGA GANYANG LALAKI! AT MERON PA PALANG PAHABOL, LOKO LOKO KA RIN. NA SAYO NA YATA LAHAT EH TSS" 

Nang mailabas ko na lahat ay tumahimik na ako. Di na rin umimik si Calixian. At blangko na naman ang tingin.

Hinintay ko na magsalita siya pero wala ni isang letrang lumabas sa bibig niya. Tahimik lang itong kinuha ang susi mula sa bulsa niya at saka binuksan ang pinto ng kotse niya.

"Are you two, okay?" Napalingon ako kay Sarchzani ng marinig ko siya.

Pero di nalang ako kumibo. Halata naman na hindi kami okay nang Calixian na yun eh. At alam kong nakita ni Sarchzani yung nangyari.

"Get in" nang sabihin ni Calixian yun ay agad na kaming pumasok sa kotse niya.

Tahimik lang kaming tatlo hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagkarating palang ay agad na akong lumabas ng kotse niya at tinungo ang kwarto ko.

"Meow" bungad ni Kurly saakin pagka pasok ko sa kwarto.

"Hello baby, how are you?"

"Meow"

"May kwento ako sayo" Sabi ko saka humiga sa kama.

"Meow"

"Alam mo, yang amo mo talaga? Nakuu! Di na nagbago, hambog parin hanggang ngayon. Ewan ko ba, di naman niya ako inaaway pero sadyang maiinis lang ako bigla pag nakikita o nakakasama ko yang amo mo na yan" kwento ko habang hinihimas si Kurly.

"Buti nga di ka niya kinuha sa akin noh? Palagi ko rin yung inaaway eh pero NAKAKAINIS NGA SIYA EH!! Grrr kagigil!" Pagmamaktol ko habang pinag babato kung saan ang mga unan.

Nakaka inis talaga ang lalaking yun!

"WHAT happened? Bigla nalang kayong nag away ni Felishia? Inaway mo na naman ba siya?"

I quietly sip my wine as Sarchzani keeps asking me what the heck is happening earlier.

"At pinatulan mo naman? Alam mo naman na mainitin ang ulo nun pagdating sayo di ba?"

"Yes I know! And that's the reason why I don't understand her! Napaka bait niya sayo pero sa akin kung maka asta siya parang ang laki ng kasalanan ko sa mundo"

"Ngayon ka pa nagtaka? Eh di ba dati palang magka away na kayo? So what's the problem now?"

"That's the problem! Pati kagwapohan ko dinadamay niya sa galit niya! Tell me? Di ko naman kasalanan na gwapo ako di ba? At sadyang habulin lang talaga ako ng mga babae?"

"Tss now I understand kung bakit na iinis siya sayo" umiiling nitong saad.

"What's the reason? Sabihin mo!"

"Itanong mo sa sarili mo. Matalino ka di ba kuya? Napaka rami mo ngang babaeng napa iyak eh, pero sorry ka nalang di mo madadali ang katulad ni Felishia." Aniya at umakyat sa taas

"What? Hey! Di pa tayo tapos, anong di madadali huh! Anong akala niya ma iinlove ako sa kanya? Feeling niya naman!! Sinusumpa ko di ako ma iinlove sa kanya, mawala muna lahat ng mga sexy na babae sa mundo bago mangyari yan!"

"Really huh, sige tignan lang natin"

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon