Chapter 28

429 13 0
                                    

Di ako mapakali. At lalong lalo na, di ako makatulog. Alam niyo kung bakit? Sinabi lang naman ni mommy kanina na bukas na bukas daw magsisimula na ako sa trabaho bilang P.A ni Calixian. Nag bago daw ang plan, kahit Wednesday, ginawang bukas!

Sinong di ma e stress? Magiging P.A ka lang naman ng isang Play boy! Tsk. Ewan ko ba kung ano ang nakain ni mommy at pinagtrabaho niya ko. Well, gusto ko naman mag trabaho talaga eh pero di para kay CALIXIAN!

"Argh! Ano ang gagawin ko? Ayaw ko talaga maging boss yung BWESIT na yun. Baka ano ano pa ang ipagawa sakin!" Ginulo ko ang buhok ko saka humiga sa kama.

I need help!

Inabot ko ang phone ko sa drawer at tinawagan si Cassie

"Hello? Anong oras na bat gising ka pa?" Bungad ni Cassie

"Eh kase ano eh"

"Ano? May problema ba?"

"Si mommy kasi"

"Oh"

"Pinagtrabaho niya ko at bukas na ang simula"

"Talaga? Mabuti naman!"

"Mabuti nga pero ano kase"

"Bakit ano ba ang trabaho mo? Bakit parang nag aalanganin ka?"

Huminga ako ng malalim.

"P. A ako............ni Calixian"

"Wait-what? Yung kapatid ba ni Calihann yung tinutukoy mo?"

"Oo. Yung nakakainis na lalaking yun! Siya pa ang pag tatrabahuan ko. Ang galing diba?"

"Omooo! Baka tadhana yan?"

Mas lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi niya

"Loka ka talaga. Di tadhana yun noh pang iinis yun! Pang iinis! Ewan ko ba kung ano ang pinakain niya kay mommy"

"HAHAHA good luck nalang sayo friend. Maging mabait at pasensyahin ka sanang empleyado"

"Di ka naman nakakatulong eh!"

"Joke lang yun hahaha. Sige na matulog ka na. Nakakahiya naman sayo kung magmukha kang panda bukas diba?"

"Oo na. Nang inis ka pa hmmp! Kaibigan ba talaga kita?"

"Hahaha bye! Paki hi nalang ako kay calihann the great"

"Wow, may endarement huh"

"Shhh hahaha"

"Uy, may something na kayo no"

"Wala noh, nga pala paalala lang. Mag ingat ka sa mga Bancroft. Mga naughty yung mga yun"

"Tss galaw pa lang ni Calixian alam kung losyang na yung patotoy niya. Sino sinong babae lang yata ang pinapatulan nun"

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Where stories live. Discover now