Chapter 17

511 14 0
                                    

"Buti di ka nahulog habang umaakyat ka papunta dito?" Sambit ko sa kanya.

Nakahiga kami ngayon sa kama. Don't get me wrong ha, may unan kaya sa pangitan namin.

Alangan namang siya lang ang marunong humiga diba?

"Malakas ako kaya paano ako mahuhulog?" Aniya.

"Buti di ka tinangay ng hangin" Sabi ko.

"Psh ikaw na nga nagsabi na kalahi ko ang bagyo diba? Kaya paano ako itatangay ng hangin?" Paghihinambog niya.

"Tsk"

Tumingin nalang ako sa kisame at di pinansin ang panghahambog ng lalaking yun.

Hay, bakit sa lahat ng tao siya pa ang makakasama ko ngayon?

Kanina pa umalis sina mommy. Hinayaan ko nalang na nandito si Calixian para naman di ako ma bored dito sa bahay.

"Nagugutom ako" biglang sabi ni Calixian.

Agad ko siyang nilingon.

"Edi humanap ka ng pagkain" Sabi ko kanya.

Tumahimik siya sandali saka bumangon at umupo sa kama.

"Tara order tayo" aniya.

Tumaas ang kilay ko.

"Order tapos ano? Dito ka sa bahay kakain?" Tanong ko.

"Oo. Makaka kain ka din naman eh. Di naman ako kuripot sa pagkain. Sige na, order tayo" sabi niya.

"Di ka ba kumain sa inyo?" Tanong ko.

Ang aga aga kain agad eh.

"Kumain. What do you want? Pizza? I'll order pizza" aniya at kinuha ang phone niya.

"Seryoso talaga yan? Gutom ka?" Natatawa kong sabi.

"Ang daldal mong babae" Sabi niya at nagtipa sa phone niya.

"Gusto ko ng ice cream." Sabi ko.

Di siya nagsalita at patuloy lang sa pagtipa sa phone niya

As if oorder yan ng ice cream? Di kayo close noh

"We'll just wait for the food" Sabi niya.

Tumagilid nalang ako ng higa.

"Felishia" tawag niya.

"Hmm?" Sagot ko

"Nagka boyfriend ka na ba?" Tanong niya.

"Ba't mo tinatanong?"

"Nothing I just want to ask bakit bawal na ba magtanong ngayon? I'm not informed" Aniya.

"Psh. Wala pa akong jowa" Sabi ko.

"Anong klaseng wala, di ka pa nagkaroon or, wala ka pang jowa sa ngayon dahil kakagaling mo lang sa break up?" He ask

"Di pa ako nagkaka boyfriend as in" Sabi ko.

"Weee?"

Humarap ako sa kanya.

"Tignan mo na, tatanong tanong tapos di naman pala maniniwala. Baliw talaga" Sabi ko sa kanya at inirapan siya.

"Ikaw? Di nag kaka boyfriend? Seriously? Halos lahat yata ng babae naka experience nang magka jowa eh. Even a 10 years old girl" sabi ni Calixian.

"Pwes, ibahin mo ko. My parents are strict to me back then." Sabi ko.

"Ohh really? I met them when I'm 9 years old I think? Di naman sila halatang strict." Sabi niya.

"Na met mo sila? Asan ako nun? Wala ba silang kasamang bata?" Tanong ko.

"Wala silang dalang bata. Di naman sila masyadong nagtagal sa house nun. Konting kamustahan lang ang nangyari. Akala ko nga wala silang anak eh" Sabi niya.

"Talaga? Asan kaya ako nun?" Bulong ko.

"How old are you?" Tanong niya.

"24" sagot ko.

"Oh I'm 26" Sabi niya.

"I don't ask" pambabara ko sa kanya.

"Tsk. Wala ka talagang silbing kausap." Aniya at biglang umalis sa kama.

"Luh. Hoy, anong drama yan?" Tanong ko.

Pero di siya nagsalita. Patuloy lang siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa pintuan.

"Where are you going?" Tanong ko

"Downstairs" aniya at lumabas

Okay?

Bumangon na rin ako at inayos ang kama..

Ang baliw na lalaki na yun. Wala talagang modo, matapos humiga at magkalat ng mga unan dito sa kama bigla nalang aalis tsk.

Nag maayos ko na ang kama ay agad akong nagsuklay ng buhok saka napagpasyahang lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko ay agad hinanap ng mga mata ko si Calixian.

"Asan na yun?" Bulong ko habang igina gala ang paningin sa paligid.

Napatingin ako sa pinto ng bigla yung bumukas. At bumungad sakin si Calixian na may dala dalang tatlong box ng pizza at

"ICE CREAM!" sigaw ko ng makita ang Ice cream na dala niya.

Tumakbo ako papunta sa direksyon niya at kinuha ang ice cream mula sa kamay niya.

"Really? You scream just because of this ice cream?" Di makapaniwalang sabi niya.

Napanguso ako.

"I love ice cream" Sabi ko at naunang maglakad papuntang kusina.

"Hmm ice cream. Ice cream" kumakanta kanta ako papunta sa kusina. Saka kumuha ng dalawang bowl para sa min.

Dadalhin ko na sana yun ng biglang dumating si Calixian at kinuha ang mga yun.

"Kumuha ka nalang ng kutsara" Sabi niya at umalis.

Hmmp! Yung lalaking yun talaga

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon