Chapter 16

544 16 0
                                    

"I love you"

Napangiti ako ng marinig ang sinabi niya. Kay tagal ko rin hinintay na mangyari to.

"T-totoo? Di mo ko binibiro?" Panigurado ko.

"Nah. I really love you" namula ang pisngi ko ng sabihin niya ulit ang katagang yun. Ang sarap sa pakiramdam na sabihan ka ng I love you sa taong crush na crush mo!

Nagpahula pa ako nito eh. Pero ito na, nangyari na!

"Do you love me too?" Tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya saka tumango. Wala nang pakipot to.

"I love you too" Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin at dahan dahang inilapit ang mukha niya.

'oh my god, is he going to kiss me?'

Napalunok ako ng isang inch nalang ang distansiya namin.

'alam ko na kung ano ang patutungohan nito' Sabi ko sa isip.

Kaya pumikit ako at ilalapit na sana ang mukha ko para magdikit ang mga labi namin ng biglang----

"I'll do everything for you
Just stay by my side"

"I can't live my life without you in my arms"

Nagising ako ng bigla akong nakarinig ng pagkanta.

Sino yun?

Inimulat ko ang mga mata ko at nang makita ko kung sino yung kumakanta ay mas mabilis pa sa alarm na kumilos ako.

Dali dali akong umatras hanggang sa

*Boogshh!*

Napapikit ako ng mariin ng mahulog ako sa kama.

"Ang sakit" bulalas ko at ginalaw ang mga braso ko upang himasin ang likod ko.

"Pfft HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Napasimangot ako ng marinig ang malakas na pagtawa ng baliw na taong yun.

"CALIXIAN!!!!" Sigaw ko sa kanya.

Di parin ako nakabangon dahil sa sobrang sakit ng likod ko.

"Ahahaha, oh shit, ang sakit ng tiyan ko HAHAHA"

Di parin tumitigil sa kakatawa ng bruho! Oo bruho siya. B.R.U.H.O

"HOY BRUHO TULUNGAN MO KO DITO!" bulyaw ko sa kanya. Ang sakit huhu.

"Hahaha. Wait wait" aniya.

Ramdam ko ang paglalakad niya papunta sa direksyon ko.

Litseng lalaking to!

Sinamaan ko siya ng tingin ng nagsimula na naman siyang tumawa ng makita ang itsura ko.

"Hoy lalaki! Dalian mo na! Wag kang tawa ng tawa!!" Sigaw ko sa kanya.

"Ahahahaha.. wait" natatawa niyang sabi saka lumapit sa akin at nilahad ang kamay niya.

Psh kung wala lang ako sa sitwasyon na ito eh

Inabot ko ang nakalahad niyang kamay. Saka nagsimula nang bumangon.

"Ang bigat mo naman!" Sabi niya habang hinihila ako.

"Wag ka ngang magsalita!" Sabi ko.

Nang makatayo na ako ay agad kong binitawan ang kamay niya at dumiretso sa kama.

"Huhuhu ang sakit" Sabi ko saka ibinaon ang mukha ko sa unan.

"Ganun na ba ako ka gwapo para mahulog ka diyan sa kama pagka kita mo sa akin?" Tanong niya.

Agad ko siyang hinarap.

"Huh! Ang feeling mo naman! Ano bang nalaklak mo at ganyan ka kahangin?"

Lumapit siya sa kama.

"Well, wala naman akong kailangan laklakin. Sadyang gwapo lang talaga ako mula nang ipinanganak ako dito sa mundo. " Sabi niya at biglang humiga sa tabi ko.

"HOY! LUMAYO KA NGA!" sambit ko at pinagtutulakan siya palayo.

"As if makakaya mo ko" nakangising sabi ng bruho.

Binigay ko ang buong lakas ko at tinulak siya pero

"Baka ma tae ka na diyan ha, sabihin mo lang bubuhatin kita papuntang Cr"

Nang gigil ako sa sinabi niya at bumangon saka siya pinag hahampas ng unan.

"Loko ka talaga!!! Lumayas ka nga dito sa kwarto ko----

Napatigil ako ng may maalala.

Paanong?

"Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kanya.

"Buti naalala mo. Akala ko pa naman.  Di mo itatanong" aniya.

"Pano ka nga naka pasok?" Tanong ko ulit

"Edi umakyat" Sabi niya.

"Umakyat? Saan? Sa hagdan? Eh sarado pinto ko eh pano ka nakapasok?" Nagtataka kong tanong.

"Doon" Sabi niya

"Saan?" Tanong ko.

"Doon nga" aniya.

"Saan nga sabi!" Napipikon kong sabi. Puro doon doon, di naman sinasabi kung anong doon ang tinutukoy.

"On the balcony" he said.

Nanlaki ang mata ko

"S-sa balcony? Eh ang taas kaya nito" sabi ko. Halos 3rd floor natong room ko eh pano niya na akyat yun?

Nagkibit balikat lang siya. Saka ibinaon ang mukha sa unan.

"Hoy, teka teka nga. Humarap ka nga sakin. Sinong nagsabi sayo na pwede kang pumasok sa kwarto ko ha? Binigyan ba kita ng permiso?"

"Nah you don't. But because I'm Gwapo, I don't need you're permission or anybody's permission" Sabi niya.

Napahalakhak ako sa sinabi niya.

"HA.HA.HA. grabe ang tatag. Kahit siguro bagyohin di parin mababawasan yang kahanginan mo eh noh? Sobra naman yata ang self confidence mo" nakangiwi kong sabi sa kanya.

"Wag ka ngang harsh sakin babe"

Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?"

"Babe"

"Aba't inulit pa, hmmp!"

"Tinanong mo eh alangan namang di kita sagutin"

"Tsh. Ang pilosopo mo" bulyaw ko sa kanya.

"Gwapo naman"

Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

Sakit sa ulo ang mahangin na ito.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon