Chapter 74

341 11 0
                                    

"Mabuti naman at bumalik na kayo, bigla nalang kayong umalis pagkatapos nung kasal. Saan ba kayo nagpunta? Di ka man lang nagpaalam sa akin" nagtatampong sabi ni mommy.

"Mom, can I ask why did you let me marry Calixian without asking me kung handa na ba ako? Kasi gulong gulo ako eh."

Bumuntong hininga si mommy saka sinuklay ang buhok ko.

"We have a big reason kaya namin napagpasiyahan yun" Ani mommy

"Pwede ko po bang malaman--cut that, I deserve to know the reason mom" tinignan ko siya ng seryoso mula sa salamin.

"It's about that Valerie girl" naguguluhan ko siyang tinignan.

"And what about her?" I ask.

"She hired a person to stole money from Bancroft's Company. And it costs billions."

"What! Then anong connect nun sa pagpapakasal niyo sa kin kay Calixian?" Tanong ko. Pinagpatuloy nito ang pagsuklay sa buhok ko.

"Bago pa man mangyari ang pinaplano niya, natunugan na yon ni Zehann dahil siya ang nagpapatakbo ng kompanya nila, may lalaki daw kasing namamasukan dun at parang may kakaiba sa ikinikilos kaya pinabantayan niya. And he caught him talking Valerie over the phone so napigilan niya ang mangyayari sanang nakawan. And for your question, konektado yun sa kasal niyo dahil ang plano ni Valerie ay kunin ang pera at ipasunog ang kompanya para ipanakot sa pamilya Bancroft, at ipakasal si Calixian sa kaniya. At kahit alam nila na hindi yun natuloy, nanigurado na sila agad na ipakasal ang apo nila para hindi na manggulo pa si Valerie. Since okay naman kayong dalawa ay pinagkasundo namin kayo. At least kilala ko ang pamilya ng mapapangasawa mo at boto kami ng daddy mo kay Calixian kaya pumayag na kami na ipakasal kayo agad agad." Kwento ni mommy at umupo sa tabi ko.

"I know it's hard for you to adjust on your situation but, try to accept it. Try to make your marriage work with him anak, mabait naman ang asawa mo at alam ko na aalagaan ka niya kaya panatag na ang loob ko na siya ang makakasama mo habang buhay."

___

"Kain ng marami hija ha." Tumango lang ako kay Lola at kukuha na sana ng pagkain nang may biglang pumigil sa akin.

"Don't" Sabi ni Calixian.

"Anong don't? Di ba ako pwede kumain?" Tanong ko rito.

"You will only eat these" aniya at binigay sakin ang isang lunchbox.

"Ano to? May pagkain naman dito ah" reklamo ko

"Nah. Hindi ka kakain ng mga luto dito." Sambit niya at binuksan ang lunchbox.

"Eat up sister in law, pinaluto yan sakin ng asawa mo kani-kanina lang" Ani Sarchzani

Binalingan ko ng tingin si Calixian at bumulong.

"Bakit ka pa nagpaluto, pinapagod mo tuloy yung kapatid mo. At talagang naka lunchbox huh, pwede naman ilagay sa plato eh" bulong ko rito.

"You know I don't trust them right? Baka ano pang pinaglalagay nila diyan eh. Eat up. And finish that" aniya.

"Teka yung sayo pinaluto mo rin?" Tanong ko

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Where stories live. Discover now