Chapter 71

310 12 0
                                    

Sobrang sama ng tingin ko kay Calixian dahil ang sabi niya pakakainin niya ako pero ang walanghiya bigla nalang akong hinatak sa kung saan.

"Can you walk a little bit faster?" Aniya.

"Faster your face! Ang sabi mo pakakainin mo ko tapos ngayon, kung saan saan mo na ako hinahatak! Andun lang yung pagkain oh! Di mo ba naamoy?" Reklamo ko sa kanya.

Tumigil naman ito sa paglalakad at nakakunot noong tinignan ako.

"Naamoy mo yun? Eh ang layo na natin---

"WALANG GUTOM NA HINDI NAKAKA AMOY NG PAGKAIN ALAM MO BA YUN? KAYA PLEASE PAKAININ MO NA KO!!" pagmamaktol ko.

"Do you really trust the food and the drinks here?" Aniya.

Natigilan ako sa sinabi niya. At naguguluhan siyang tinignan.

"W..what do you mean?"

"I know my family, kung kaya nila tayong ipakasal agad agad. Kaya rin nilang magka apo agad"

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi niya.

"You mean--

He cut me off

"Yes. They put some kind of stuff on the drinks that we may drink. So don't bother go there. Titiisin mo ang gutom mo o titiisin mong di magkaregla ng nine months, choose"

Nangilabot ako bigla sa pinagsasabi niya. Grabeng lalaking to napaka vocal!

"Saan na tayo pupunta ngayon? Sigurado hinahanap na nila tayo mula ngayon" tanong ko dito.

"Don't worry, someone will help us---

"SOMEONE? OH MY DEAREST NEPHEW SOMEONE LANG AKO SAYO? SA SOBRANG GANDA KO! SOMEONE?"

Naagaw ang atensiyon ko sa kakarating lang na babae. Napanganga ako sa ganda nito. At napaka ganda din ng hugis ng katawan niya. Nakaka starstruck!

"Oh my! Is this your wife?! Oh so beautiful like me!" Natutuwang sambit ng babae at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Inferness, malaki ang boobs niya" nanlaki ang mata ko at tinakpan ang harapan ko.

"Damn, I shouldn't called you" bulong ni Calixian.

"Narinig ko yun! Ikaw talagang bata ka! Porket alam niyong busy ako di mo na ako inimbita sa kasal mo. Nakakatampo ka Xian Xian. Dearest nephew pa naman kita hmmp!"

Sinamaan siya ng tingin ng babae at bumaling sa akin at hinawakan ako bigla.

"Ang ganda ganda mo! Mana sakin hehe"

Napatawa nalang ako sa tita ni Calixian. Halatang makulit eh. Buti nalang hindi maldita. Makakahinga ako ng maluwag dito.

"Stop pestering my wife, just get me out here! Bago pa kami maabutan ng mga tao ni lolo" nababagot na sabi ni Calixian.

Did he said tauhan? Yun ba yung mga lalaki kanina na kumuha sa amin?

"Oo na! Wala ka talagang pinagbago. Napakasungit mong bata! Hindi naman ganyan ka sungit yung daddy mo nung kabataan niya. Pasalamat ka pinatulan ka nitong asawa mo" Sabi ng tita ni Calixian at naunang maglakad.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon