Chapter 56

298 12 0
                                    

Kasalukuyan akong nagmumukmok sa kwarto ko ngayon. Wala kasi akong magawa. Si Sarchzani kasi busy kaya di niya ako nadadalaw. Yung mga kaibigan ko rin ayun, balik na naman sa trabaho. Naalala ko tuloy ang nangyari noong nagtatrabaho pa ako kay Calixian. Ang gusto ko lang naman kasi talaga nung mga panahong yun ay ang mag trabaho eh. Pero di ko naman akalain na ganung trabaho lang ang ipapagawa sa akin. Isang malaking kalokohan talaga ang magtrabaho para sa lalaking yun. Sana naman nagbago na siya. O baka naman lumala pa?

"Ano bang gagawin ko ngayon?" Bulong ko habang paligid ligid sa kama.

"Ang boring din namang lumabas mag isa. Tsk kainis naman oh!" Bulong ko at saka sinabunutan ang sariling buhok sa inis.

"Meow"

Napahinto ako ng marinig ko ang pag 'meow' ni Kurly.

Wala naman yun dito ah? Ba't ko ba narinig ang boses niya?

"Tsk. Tsk. Sinong matinong babae ang sasabunutan ang sarili niyang buhok?"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses nang lalaking kina iinisan ko.

Lumingon ako sa pintoan ng kwarto ko at nakitang naka awang ito. Nandun si Calixian kasama si Kurly na akay akay niya

"At sinong nagsabi sayong pwede mo kong bulabugin dito?" Sabi ko at saka bumangon.

"You're mom" tipid niyang sagot at saka lumapit sa may sofa saka nilagay si Kurly doon.

"Ano naman ang ginagawa mo dito? Di ka welcome dito umalis ka nga shoo!" Pagtataboy ko sa kanya.

Baka tuluyan pang masira ang araw ko dito eh

"Di welcome huh? Kaya pala nakapasok ako" nakangising aniya.

Napa irap nalang ako.

"By the way, pinapasundo ka ni Lola." Sambit nito na ikina gulat ko.

"Ano?"

"Tsk. Kagandang babae bingi naman" bulong niya sa mahinang boses pero dinig ko naman.

"Aba, salamat sa papuri ha. Pero DI AKO BINGI NOH!" Singhal ko sa kanya.

"Papuri? Kailan kita pinuri?" Pagmamaang maangan niya.

Ngumiti ako nang matamis sa kanya "Wag kang mag alala. Di mo naman kailangan sabihin ulit eh. Dinig na dinig at alam na alam kong maganda ako. Kaya tumahimik ka diyan dahil nagpapahinga ako" Sabi ko.

"Nagpapahinga pero sinabunutan ang sarili. Baliw ka na nga tsk" nakangiwing aniya

"Pwede ba! Kung mang iinis ka lang rin man pwede ka nang umalis. Bukas ang pinto" naiinis kong sambit.

"Nah. You need to change first. I'm not gonna bring a losyang woman sa bahay nang Lola ko"

"Anong sabi mo? Losyang? Sino ako? Hmmp! Losyang pala huh. Tignan lang natin ngayon" Sabi ko saka pumunta sa dresser at kinuha ang pinaka revealing kong damit.

Losyang huh. Tignan natin kung hindi ka maglaway ngayong bwesit na tukmol ka!

"Alis! Magbibihis ako!" Pagtataboy ko sa kanya

"Ang gwapong katulad ko hindi dapat pinapaalis" aniya

"At saan mo ako pagbibihisin, sa banyo? Aba baka nakakalimutan mo, kwarto ko to at outsider ka lang!"

"Ouch! Sakit naman nun babe. Ako outsider? Is that your way to treat you're future husband?"

Nasasaktan kunwaring sabi ni Calixian at may pa hawak hawak pa sa dibdib niya.

"Bwesit ka talaga!" Sabi ko at labag sa loob na pumasok sa banyo dahil alam ko na matigas ang ulo nang isang yun.

Inayos ko muna ang outfit na susuotin ko. Napangiti ako dahil masusuot ko na rin to.

Binili to ni mommy sa canada last last year, di ko lang naisuot dahil ayoko sa style. Masyado kasing na e-expose ang skin. Actually perfect to pang Instagram picture eh pero di ko talaga masuot suot dahil di ako sanay. Mukha naman kase akong bayarang babae nito eh.

Inalis ko na ang damit na suot ko saka isinuot ang revealing na damit.

Nang maisuot ko na ito ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Napangiwi ako nang makita ang sarili.

"Seryoso ba to? Magsusuot ako ng ganito sa harap nang lokong yun?" Kinakabahan kong sabi habang tinitignan ang ibabang parte nang katawan ko.

Baka mamaya mapagkamalan pa ako ng lalaking yun na inaakit siya.

"Huh! No way!" Tinampal ko ang sarili ko sa naisip.

"Felishia Ellison. Always remember that you're wearing this outfit para isampal sa lalaking yun kung gaano ka kaganda at ka sexy." Pagkukumbinsi ko sa sarili.

Huminga ako ng malalim saka tinignan ulit ang suot ko ngayon.

"Pero di talaga ako komportable eh. Makapagbihis na nga---

*Tok* *Tok* *Tok*

"Hoy babae ano ng nangyari sayo? Nahiya ka na ba sa kalosyangan mo? Tsk. Aminin mo nalang kasi na mukha kang manang at nang maka alis na tayo. Pinag aantay mo pa ang gwapong katulad ko eh"

Napasimangot ako sa sinabi nang mokong.

Okay, ito na talaga. Inhale, exhale.

Tinignan ko ang itsura ko for the last time saka binuksan ang pintoan ng banyo.

Bumungad sa akin ang iritadong mukha ni Calixian na halatang naiinip na kakahintay sa akin. Ngunit agad naman itong napalitan nang makita niya ang suot ko.

Nanlaki ang mata niya na parang nakakita nang isang maganda at sexyng diyosa. Napa awang rin ang labi nito na ikina ngisi ko.

"Tulala ka diyan? Ang ganda ko noh? HAHA losyang pala huh." Sabi ko at ngumi ngiti ngiti pa sa kanya.

Pero di parin siya naka imik.

Mmm. Nagandahan lang to sa kin eh.

"Tss. Natuluyan ka na ata diyan eh. Tara na may pupuntahan tayo di ba? Let's go! Aray----

Napahinto ako sa paglalakad nang bigla niyang hinatak ang braso ko.

"Ano ba! Nanghahatak ka nalang bigla. Masakit yun ah! Tara na nga aalis na tayo---

"You'll not gonna go to my grandparents house in that kind of dress." Mahina ngunit madiin niyang sabi.

"Aba, at bakit naman aber? Kanina nga pinag palit mo ko dahil losyang daw ako tapos ngayon na maayos na ang suot ko pagbibihisin mo na naman ako?" Singhal ko sa kanya

"Maayos na pananamit pa ba ang tawag diyan? Kita na nga kaluluwa mo. Get changed!" Sigaw niya

Napa irap ako

"Heh! Wag mo kong sigawan! Para namang first time nakakita nang ganitong klase ng damit eh mas malala pa nga siguro ang sinusuot nang mga babae mo noon!" Sigaw ko rin pabalik.

"Bumagay naman sa kanila. Eh Ikaw payatot ka! Kaya magbihis ka na or else" pagbabanta niya.

"Payatot your face! Ang sexy ko Kay---

"Magbibihis ka o ako ang magbibihis sayo?" Seryoso niyang sabi.

"ARRRGHHH BWESIT KA TALAGANG LALAKI KA! ANG GULO MO!"

Reklamo ko at nagpapadyak na pumasok sa banyo.









Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon