Chapter 76

299 14 5
                                    

"HOY BABAE ANO NA NAMAN TO? BAKIT MAY ISANG SAKO NA NAMAN NG BIGAS DOON SA LABAS NG GATE NIYO?" sigaw ni Laurine pagka pasok sa bahay.

"Meron na naman?" Tanong ko at tumayo mula sa pagkaka upo.

"Oo! Ano bang nangyayari? Bakit pag pupunta ako dito may maiiwang bigas diyan sa gate niyo?" Nakapamewang niyang sambit.

"Hay nako, wag mong pansinin yan. Nagiging OA na naman yung baliw na lalaking yun" Sabi ko at bumalik sa pagkaka upo.

"Uy! Uupo ka nalang diyan? Ipakuha mo yung bigas dun! Sayang naman!" Laurine.

"Tsk hayaan mo yan diyan!"

"Aba't---

"What's happening here?"

"Mommy!!" Sinalubong ko siya ng yakap.

"How's your trip mom?" I ask

"It's good. May pasalubong ako sayo." Aniya.

"Okay po, where's daddy?"

"Nandun sa labas kinuha yung bigas dun sa gate."

I rolled my eyes.

"Mom! Saan na po natin ilalagay yun? Punong puno na yung isang room na pinaglalagyan natin ng mga bigas eh! Hayaan niyo na yan"

"Anong hahayaan?"

"Daddy!" I ran towards him and give him a hug.

"How's my princess? Tumaba na ba?"

"Dad!"

"Hulaan, ko puno na yung room na lagayan ng bigas no?" Aniya

"Yes dad." Tumawa naman ito

"Kakaiba talaga yung asawa mo HAHAHA"

"Dad!"

"What? Anong masama dun? Pasalamat ka nga pinapadalhan ka nun ng bigas"

"Dad naman! Sa dinami rami ng bigas na pinapadala niya dito pwedeng pwede na ako mag business!"

Nag open na kasi yung Clinic na pinapagawa ni Calixian at halos isang buwan na siyang nagtatrabaho. At sa halos isang buwan na yun. Kung ano ano nalang ang pinapadala niya dito sa bahay. Nung una mga ulam at snacks which is okay lang naman. Pero ewan ko kung anong nakain nun at bigla nalang akong pinadalhan ng maraming sako ng bigas. Araw araw! Nakakainis na talaga minsan eh!

*Kringg* *Kringg*

"You're phone is ringing anak. Sagutin mo muna at magbibihis na muna kami ha" Ani mommy.

Dinampot ko ang phone ko at tinignan ang caller. .

"Hubby mo?" Tanong ni Laurine. Tumango ako bago sinagot ang tawag

"Oh?" Bungad ko pagkasagot ko sa tawag.

"How's my wife?" Sabi ng gago.

"Balak mo ba akong gawing baboy? Alam mo bang puno na yung isang room dito ng mga sako ng bigas ha!" Singhal ko dito. Humalakhak naman ito saka sumagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon