Epilogue

87.1K 1.7K 80
                                    

Epilogue

*tok tok tok*

" VAL!"

*tok tok tok*

Napakunot noo ako at napakamot nalang sa ulo bago bumango para buksan ang pinto.

" Ano ba?! Natutulog ang tao!" inis kong bulyaw habang nakapikit pa rin.

" VICTORIA AGNES LOPEZ!" napadilat ako ng marinig ang boses non.

" he-he, b-bakit?" nagtataka kong tanong kay Jade. Sya kasi yung kumakatok, nakakatakot pa naman sya magalit.

" anong oras na?! Late ka na sa kasal!!" nanlaki ang mata ko at napatingin sa orasan. 11:11 pm

" hala late na ako sa kasal!" bulalas ko kaya sinamaan nya ako ng tingin bago pinapasok sa banyo para maligo.

" Bilisan mo! Ako na ang mag-aayos sa'yo!" sigaw nya kaya binilisan ko naman.

Ilang bwan na rin ang nakalipas mula nung mangyari yung engkwentro namin ng Scott mafia. Nakakulong na sila ngayon at nabuwag na rin ang mafia. Si kuya Vic naman ay nakakulong rin pero mas mababa ang sintensya nya.

At ako? Eto maganda pa rin at BAMPIRA na.

Oo, tama kayo ng nabasa, bampira na ako. Sabi kasi nila pag-gising ko, yun nalang daw ang nagiisang choice nila kaya naman ginawa na nila kesa naman daw mamatay ako.

Hindi ako nagalit. Thankful pa nga ako kasi gumanda ako haha, at kasapi na ako sa pamilya putla, ay hindi pa pala. Mamaya pa haha.

" done! Ang ganda mo!" puri ni Jade kaya napangiti ako at napatingin din sa salamin.

" Tara na, kanina pa nag-aaburido yung groom. Isang oras mo ba namang paghintayin!" at saka nya ako hinila palabas.

Madilim pero may ilaw pa rin galing sa mga Christmas lights na nakasabit sa paligid. Nandito kami ngayon sa America. Sa mansion nila at dito naming napagpasyahan na magpakasal.

Maraming tao este bampira ang nandito. Garden wedding ang theme ng kasal at black ang white ang kulay na napili namin.
Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang nakasimangot na mukha ni Alexander na kala mo naman inagawan ng kendi.

"Dito ka lang. Sasabihin kong nandito ka na para makapag-umpisa na tayo" Tumango naman ako sa sinabi nya at huminga ng malalim, this is it pancit!

Biglang tumugtog ang pamilyar na kanta kaya naman nag-simula na akong maglakad ng dahan dahan.

Tonight a candle lights the room,
Tonight it's only me and you,
Your skin like gravity
Is pulling every part of me,
I fall, you and I collide.

Naalala ko yung unang kasal namin, mabilis akong naglakad papunta sa kanya nun kaya naman natigil agad ang kanta, napatawa nalang ako.

What if I stay forever?
What if there's no goodbye?
Frozen for a moment here in time,
Yeah,
If you tell me the sky is falling,
Or say that the stars collide,
The only thing that matters in my life,
Is you and I tonight.

Nagkatinginan kaming dalawa at mukhang naaalala nya din yun kasi natatawa sya habang naluluhang nakatingin sa akin.

Our eyes close the candle burns away,
But I know the fire still remains
This love is all we need
We fit together perfectly,
I fall, you and I collide.

Habang palapit ako sa kanya ay hindi ko maiwasan na mapaluha dahil sa saya na nararamdaman ko. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naging ganito kasaya.

Nakakatawa na nuon ay nababaduyan pa ako sa mga kasal at parang effects lang yung pag-iyak nila. Pero habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko maiwasan na mapaiyak. Ganito pala yung pakiramdam ng ikakasal.

What if I stay forever?
What if there's no goodbye?
Frozen for a moment here in time,
Yeah,
If you tell me the sky is falling,
Or say that the stars collide,
The only thing that matters in my life,
Is you and I tonight.

Nang makalapit ako sa kanya ay agad nya akong niyakap.
" I love you Victoria Agnes Lopez- Colter. Forever" bulong nya kaya napangiti ako.

" I love you too Alexander Grey Colter. Forever" bulong ko din.
Sino bang nagsabing walang forever? Iharap nyo sa akin nang maipamukha ko sa kanya na may forever sa aming dalawa ng asawa ko.

I wanna see this through,
I'm gonna give it all to you.

I'm Victoria Agnes Lopez- Colter. The VAMPIRE's WIFE.

THE END

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon