Chapter 18

85.7K 2.1K 116
                                    

Chapter 18

" nagaaburido Trabis hindi aribudo. At anong kasal? Sinong ikakasal?"

" hindi mo ba alam? Kasal nyo ni Xander ngayon." Sabi nya kaya gulat akong napatingin sa kanya.

" hindi ko alam! Wala syang sinasabi" nakasimangot kong sabi, langya ano 'to, shotgun wedding? Tsk!

"haha. Baka hindi mo lang narinig, anyway, tara na" at hindi na ako naka angal nang hilain nya ako sa kung saan.

Nakadating kami sa parang garden at napakunot noo ako nang makita ang ayos nito. May mga upuan pero wala pa sa sampu ang nakaupo, kasama na dun si Trabis at Blade. Tapos sa harap ay nanduon si boy putla na para hinihintay ako kasama ang isang matanda.

Pumailanlang ang isang romantikong kanta pero hindi ko na ito pinansin dahil mabilis akong naglakad papunta sa harap.

Napatigil yung pag-play nung kanta at pag tingin ko kay Boy putla ay napakasama ng tingin nito sa akin.

" sama mo makatingin ah!" maangas kong sabi pero sumimangot lang sya at tumingin sa matanda sa harap namin.

Napalingon naman ako sa bandang kanan dahil tawa ng tawa si Trabis, pero napatigil din ng pumeke ng ubo yung matanda sa harapan namin.

Hindi ko na pinansin yung ibang sinasabi nung nasa harapan namin dahil sumagi na naman sa isip ko yung nangyaring sunog kagabi. Malakas ang kutob ko na sadya yon at hindi aksidente. Pero kung ganun nga, sino naman kaya ang may kagagawan nun? Ugh!

Napatigil ako sa pag-iisip  nang may sumiko sa akin, tinignan ko si boy putla at sinamaan ng tingin pero ininguso nya sa harap kaya napatingin ako sa duon at nakitang inis na yung nagkakasal sa amin.

"ehem. I'll repeat. Do you, Victoria Agnes Lopez, take Alexander Grey Colter as your lawfully wedded husband—"napatigil sa pagsasalita si father ng bigla akong sumingit.

" minumu—"

" she do jugde" napatingin ako kay boy putla ng putulin nya din yung sasabihin ko sana, bastos na bata!

Rinig ko rin ang impit na pagtawa nila Blade at Trabis pero hindi ko nalang pinansin at sinamaan ng tingin si Boy Putla. Pero sinamaan nya din ako tingin at parang sinasabing sabihin ko yung sinabi nya.

"ehem. She do—este I do judge" sabi ko ng kurutin nya yung braso ko, sadista!

Pagkatapos nun ay si boy putla naman ang minura ni judge at nag 'I do' din sya. So kapag pala minura ka ng judge sasabihin mo lang 'I do'? tsk, kalokohan.

Nagpatuloy yung mga kaekekan na sinasabi ni judge na hindi ko naman naintindihan kaya hindi na ako nakinig hanggang sa biglang humarap sa akin si boy putla kaya napaharap na din ako sa kanya.

"baki—" napatigil ako nang bigla nyang ilapat ang labi nya sa labi ko.

Ang sarap—este yung first kiss ko!

T_T

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon