Chapter 39 (part 3)

71.7K 1.6K 24
                                    

Chapter 39 (Part 3)

Ang kapatid ko...

" and now, why don't we start the main event?" sabi nya at pumitik.

Napapikit nalang ako ng makita kung sino ang ipinapasok nila sa seldang kinalalagyan ko.

" H-Hayop ka" nanghihinang sabi ko at napaiyak nalang nang makita ang itsura ni Alexander.

Hindi na din ako nakapalag nang lagyan nila ng busal ang bibig ko

Duguan na sya at napakadaming pasa. Unang tingin palang, alam ko ng nalason na sya kaya hindi sya gumagaling ng mabilisan.

"V-Victoria" hirap na sabi nya at akmang hahawakan ako pero mabilis syang sinipa ng kararating lang na Travis.

Kitang kita ko ang galit at pagkamuhi sa mga mata ni Travis habang nakatingin kay Alexander.

"T-Trav? B-Bakit?" tanong nya pero dinuraan lang sya ni Travis.

" kinamumuhian ko ang lahi nyo alam mo ba 'yon?! Nang dahil sa inyo, namatay ang magulang ko! Pinatay ng mga bampira ang mga magulang at kapatid ko!" napaiyak ako sa sinabi nya at mabilis na umiling iling.

Hindi ganon ang nangyari! Walang kinalaman ang mga bampira! Gusto ko itong isigaw pero matalino sila dahil binusalan nila ang bibig ko.

"at ngayon, makakaganti na ako. Papatayin ko ang prinsipe ng mga bampira" saka nya binunot ang baril nya at itinutok kay Alexander.

Napaiyak nalang ako habang sinusubukang isigaw na wag nyang ituloy.

" hahahaha! Easy son. Why don't you let that b*stard experience a painful death?" nakangisi nyang tanong at saka sumulyap sa akin.

" why don't you kill his wife first?" sabi nito na mas nagpaiyak sa akin, demonyo ka Scott!

" n-no.. please ako nalang" hanggang iling lang at pag-iyak ang kaya kong gawin. Kung nuon ay ayaw na ayaw kong umiyak sa ganitong sitwasyon dahil wala naman itong magagawa, iba na ngayon dahil alam kong talo kami, talong talo dahil walang nakaka-alam kung nasaan kami.

Bakas sa mukha ng kapatid ko ang pag-aalinlangan pero pumunta pa rin sya sa harap ko at tinutukan ako ng baril.

"That's right Travis my son. Kill her" natutuwang utos ng matanda habang ako ay umiiling sa kanya. Hanggang sa may mapansin akong nakakubli sa madilim na parte sa harap ko.
Pumikit ako at unti unting kinakalas ang lubid sa kamay ko na dalawang araw ko nang pinaghihirapang alisin.

Narinig ko ang pag-kasa nang baril kaya mas binilisan ko
ang pag-kalas sa lubid. Inalerto ko ang sarili ko at saka sumulyap sa paligid. Kahit papano ay nabigyan ako ng lakas ng loob na lumaban, nandito sila!

"what are you waiting for son!? Shoot her!" pero bago pa man nya maiputok ang baril ay mabilis na akong tumayo at nakipag-agawan sa baril.

Nagkagulo na rin ang lahat at puro putok nalang ng baril ang maririnig sa loob ng selda.

Napahiga na kaming dalawa ng kapatid ko habang nag-aagawan sa baril pero sa huli ay nakuha nya ito at itinutok sa akin.

Umagos ang luha ko at dahan dahang hinawakan ang mukha nya.

" Vic-Vic...K-Kapatid ko" usal ko at niyakap sya.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon