Chapter 19
" congratulations" napatingin ako sa tabi ko nang may magsalita, si tandang Trabis.
" salamat" sabi ko nalang.
" I'm glad na ikaw ang napangasawa ni Xander. Masungit man yan, alam ko namang mabuting tao sya, hindi nya kayo papabayaan ng anak mo" pagdra-drama nya.
" naks! Diretso pananalita mo ngayon ng tagalog ah" pang-aasar ko kaya naman natawa kaming pareho.
" I'm serious Val. Mabait na tao ang kaibigan ko, kaya sana... sana wag mo syang iiwan kung may malaman ka tungkol sa kanya. Hindi lang halata pero alam kong gusto ka nya." Napangiti naman ako sa sinabi nya, alam ko naman kasing mabait talaga si boy putla eh, kasi kung hindi, edi patay na sana si Blade ngayon.
Kaya din ako nagdesisyon na magpakasal sa kanya kasi alam kong hindi naman masama ang intensyon nya at talagang kailangan nya lang. At dun sa gusto nya daw ako, ehem, haba ng buhok ko grabe hahahaha.
'wag hopia, mamon nalang'
Hindi ko na pinansin yung pagpapaepal ng konsensya ko, dahil isiping gusto ako ni boy putla ay kiniki— nevermind.
"ehem" sabay kaming napalingon ni Trabis at nakita namin si boy putla na masama ang tingin sa aming dalawa. Luh, problema nya? tss.
" what are you two doing here?" inis na tanong nya.
" nothing bro" sagot nitong katabi ko at saka bumaling sa akin.
" alis na ako Val. Yung sinabi ko secret lang natin ha?" sabi nya kaya naman tumango nalang ako at tipid syang nginitian.
Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad paalis ng tawagin sya ni boy putla.
" yes?" tanong nya.
"stay away from my wife" pagmumura ni boy putla na tinawanan lang ni Tandang Trabis bago umalis.
Ano naman kayang drama ng boy putla na' to?
Tsk! -.-
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Vampire's Wife [COMPLETED]
VampireAng tao ay para sa tao. Syempre alangan namang para sa hayop diba? Isipin mo nalang kung anong pwedeng mangyari kapag ganun. Pero ibig din bang sabihin nito na hindi pwede ang tao at bampira? Tao pa rin naman sila diba? May dalawang paa, dalawang ka...