Chapter 23 (part 1)

76.7K 1.8K 18
                                    

Chapter 23 (Part 1)

"Where have you been?" napatingin ako sa may salas at nandoon si Boy putla at halatang kanina pa ako hinihintay.

"Diyan lang" sagot ko at nagsimula nang maglakad patungo sa kwarto ni Blade.

" Saang diyan lang? may lugar bang ganon ang pangalan?" sunod sunod na tanong nito kaya napapikit ako.

" paulit-ulit ka! Wag ka ngang makulit!" inis na sabi ko at basta nalang pumasok sa kwartong hindi ko alam kung kanino, nakalimutan ko na naman kasi yung daan papuntang kwarto ni Blade.

" Victoria!" malakas nyang kinatok ang pinto kaya naman napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis.

" ano?!" bulyaw ko, katahimikan ang kailangan ko ngayon pero mukhang hindi ko makukuha 'yon sa bahay na'to.

" that's my room" padabog akong tumayo at binuksan ang pinto.

Lumabas ako at bago pa man maka-alis ay mabilisan ko syang tinuhod sa sikmura.

"oh ayan! Isaksak mo sa baga mo yang kwarto mo tss!" at saka ako padabog na umalis.

Nasa may hagdan na ako ng makahabol sya sa akin at hinarangan ang daan.

" Saan ka pupunta?!" tanong nito pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy na pagbaba.

" hey, saan nga?" tanong na naman nito.

Hindi ko ito sinagot at mas binilisan ko pa ang lakad ko.

Pagkatapos ay agad akong sumakay sa motor ni Jess at aalis na sana ng may biglang umangkas sa likod ko. Kunot noo ko syang binalingan ng tingin.

"baba" saad ko.

" no" matigas na sabi nya, parang bata, ang tigas ng ulo!

" ano bang nangyayari sa'yo?!" inis kong tanong, nung magkita kami nuon sa building, hindi pa ganito ang pakikitungo nya, napakasungit nya at halatang hindi ako gusto.

" ikaw ano bang nangyayari sa'yo?! Kagabi we almost—" napatigil sya sa pagsasalita nang sumabat ako.

" kung yung nangyari kagabi ang pinaglalaban mo kalimutan mo na! walang kaso sa akin yun kaya sana ikaw din!" bulyaw ko.

Napatahimik sya at halatang nasaktan sa sinabi ko pero hindi ko ito binawi. Ginamit ko ang pagkakataon na'yon para umalis.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon