Chapter 5

111K 2.8K 35
                                    

Chapter 5
Si Dagul at Lando ay kasapi dun sa gang na nakabangga ko dati. Hindi kasi sila nakakaintindi nuon lalo na yung lider daw nila na hindi ako naghahanap ng away kaya ayun, nilumpo ko na, nataon ba naman kasi na may dalaw ako. Kaya ngayon ayan, hindi ako tinigilan ng dalawang yan kasi gusto daw nila ng revenge. Tsk, revenge nila mukha nila, dami nilang alam.

Nang masiguro kong wala na yung dalawang ugok ay agad akong lumabas. Napatingin ako sa relo ko at napakamot nalang sa ulo nang makitang limang minuto na akong late para sa isang Job interview.

" bwisit kasing dalawang ugok eh!" usal ko nalang at saka mabilis na naglakad papunta dun sa company  kung saan ako magja-job interview. Okay lang naman siguro na ma-late ng konti diba?

Nakarating ako sa address nung company at napatingala nalang dahil sa taas nya, tingin ko nga ay nasa 50 floors o higit pa ito.
Naglakad ako papasok pero napatigil ako ng humarang sa pinto yung guard.

"sorry po maám pero hindi po kayo pwedeng pumasok" magalang sa sabi nito kaya naman kumunot ang noo ko sa pagtataka.

" bakit?" tanong ko, napakamot nalang sya ng ulo at mukhang nagaalangan na magsalita.

" e-eh kasi p-po maám, hindi po pwede ang ganyang suot dito" napatingin naman ako sa suot kong maputik na pantalon, lumang rubber shoes at simpleng t-shirt.

"ano ba dapat ang damit ko para makapasok jan?" mahinahon kong tanong.

"at least decent clothes po maam" magalang na sabi nito kaya pilit akong nagpapaka-hinahon. Hindi ko naman sya pwedeng sisihin kasi ginagawa lang naman nya ang trabaho nya. Humugot muna ako ng malalim na hininga at saka ito tipid na nginitian.

" salamat manong" sabi ko at tumalikod na paalis pero napatigil ako nang may makita akong lalake na naglalakad papunta sa direksyon ko. Pinagmasdan ko ang mukha nito at napakunot noo, pamilyar sya eh, hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita.

" why are you here?" napatigil naman ako sa pag-iisip nang may magsalita sa harapan ko. Nakalapit na pala yong lalaki sa akin at mukhang ako ang kinakausap.

" ako?" muntangang sagot ko habang nakaturo sa sarili ko.

"tss, yes. Anong ginagawa mo dito?" tanong nya, feeling close si kuya pero hayaan na. Nagtatanong lang naman eh.

" job interview" maikli kong sagot at sisibat na sana ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hinila papunta sa loob nung gusali.

"come with me" sabi pa nito at hindi pinansin yung mga matang nakatingin sa amin.

Tsk! Ano na naman ba to? Ugh!

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon