Chapter 28

72.7K 1.8K 23
                                    

Chapter 28

" mom! Not like that!"

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang agawin sa akin ni Blade yung kutsilyo at sya na ang nagbalat nung patatas.

" Blade, nakakahiya, hindi man lang ako marunong kahit pagbabalat ng patatas" maktol ko at saka padabog na naupo sa high stool.

" Tsk! Hindi naman kasi yun ang nagustuhan sa'yo ni Dad eh. And I know na wala syang pake kung hindi ka man marunong magluto" napatayo ako mabilis na hinipo ang noo nya.

" wala ka namang sakit ah? Diretsong tagalog yun Blade!" manghang sabi ko pero sinamaan nya lang ako ng tingin at tinapik ang kamay ko.

" mom, I'm serious" sabi nya kaya napanguso ako.

" KJ" bulong ko.

" I'm not mom." Napangiwi nalang ako sa sinabi nya, narinig pala nya yung binulong ko.

At dahil wala akong magawa ay kinuha ko nalang yung harina na nasa may bowl at hinalo halo yon. Busy pa rin si Blade sa pagbabalat ng patatas kaya naman napangisi ako nang may maisip na kalokohan.

Kumuha ako ng isang kutsara sa harina na hinahalo ko at mabilis na ipinahid sa mukha ni Blade.

" Mom!" angal nya pero tumawa lang ako at napatakbo nang habulin nya ako.

Naka-abot kaming dalawa sa salas hanggang sa maabutan nya ako. Agad nya akong itinulak kaya napasubsob ako sa sofa.

" hah! I won!" masayang sabi nya at ibinuhos sa akin yung isang bowl ng harina.

" what happened here?" napatigil kami ni Blade at dali daling tumayo nang marinig namin si Alexander.

At napalunok nalang ako nang makita yung lola kuno nya at dalawang kapatid na matamang nakatingin sa aming dalawa ng anak ko.

" w-wala" nahihiya kong sabi at napaiwas nalang ng tingin.

" They're cute" gulat akong napatingin sa lola nila nang magsalita ito at nakangiti na pinagmamasdan kami ni Blade.

Naguguluhan akong sumulyap kay Xander pero kumindat lang ito sa akin.

" iha.." mahinahon na sabi ng lola kuno nila kaya naman napatingin ulit ako sa kanya.

" pasensya na sa reaksyon ko kanina. I hope you understand, nagulat lang kasi talaga kami na nag-asawa na ang prinsipe namin" sabi nya.

" o-okay lang ho" nahihiya kong saad.

"lola" agaw pansin nung dalawang kapatid ni Xander at nang tumango ang lola nila ay nagulat nalang ako nang bigla nila akong yakapin at pinanggigilan si Blade.

" hey, what's that smell? Parang may nasusunog" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Xander at sabay kaming nagkatinginan ni Blade.

" yung pagkain!" hiyaw ko at tumakbo papuntang kusina. Mabilis namang nakasunod sa akin si Blade at sya na ang pumatay nung kalan at inayos ito.

Nanlulumo syang humarap sa akin.

" s-sorry" sabi ko. Kung hindi lang sana ako nang-asar sa kanya hindi masusunog yung pagkain.

" hey its okay. We already ate" napatingin kami kay lola nila nang sabihin nya yun.

" p-pasensya na ho" sabi ko nalang at pilit na ngumiti.

To be continued....

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon