Chapter 34

71.5K 1.7K 27
                                    

Chapter 34

Pang apat na araw ko na ngayon sa bahay ni Jess at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala kung kaninong boses ang kausap ni Mario sa recorder. Kahit anong halukay ko sa utak ko ay wala talaga.

Isa pa yang si Boy putla.

Magmula nung umalis ako sa bahay nya ay hindi na sya nawala sa isipan ko. Lagi kong iniisip kung kumain na ba sya, kung anong ginagawa nya, at bawat araw na lumilipas ay parang gusto kong bumalik nalang ulit don at yakapin sya.

" hoy Val! Ang sabi mo tatlong araw lang! umuwi ka na nga dun sa asawa mo!" sigaw ni Jess. Yang bugok na yan kahapon pa ako binubuyo na umuwi na. Perwisyo daw ako kasi hindi sya makapag chicks, tsk!

Hindi ko nalang sya pinansin at dumiretso nalang sa kwartong tinutuluyan ko.

Gusto ko nang umuwi at makita yung mag-ama ko. Pero sa tuwing maaalala ko kung paano ako nakita ni Alex na labanan ang kuya nya ay naduduwag ako.

Paanong hindi kung ang napangasawa ng kuya nya ay isang dating Vampire Hunter?

Oo tama kayo nang basa. Isa akong hunter, pumapatay ng mga bampira nuon. Tumigil lang ako nang makahanap ako ng tyempo para tumakas kasama si Blade. Pero hanggang ngayon ay talagang nahanap pa rin kami ng organisasyon na 'yon.

Edad nuebe (9 y/o) ako nuong makidnap ako. Wala namang magaalala sa akin dahil bata palang ako ay patay na ang magulang ko samantalang ang nag-iisang kapatid ko ay inampon ng mga kano kaya naman naging madali ang pagkikidnap nila sa akin. At duon na nagsimula ang kalbaryo ko. Hinasa nila ang kakayahan ko hanggang sa lumaki akong pumatay lang ng bampira ang tanging alam.

" hoy!" napatigil ako sa pag-alala ng nakaraan nang biglang sumulpot si Jess.

" ano?" tamad na tugon ko.

"umuwi ka na kasi Val" pangungulit nya kaya napairap nalang ako.

" oo na!" sigaw ko at tumayo, kahapon pa kasi yan na puro ganyan ang sinasabi, tsk!

" yes!" rinig ko pang sigaw nya bago ako maka-alis.

Bahala na, sana matanggap mo ako Xander.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon