Chapter 31 (part 1)

68.1K 1.5K 43
                                    

Chapter 31 (Part 1)

Limang araw na ang nakalipas mula nang dumating ang lola at dalawang kapatid ni Alexander dito sa mansion at masasabi kong naging masaya ang mga araw na 'yon. Lalo na dahil palagi nang tumatawa ang anak ko at parang close na close na talaga sya sa tatlo.

Katulad nalang ngayon dahil magkakasama silang tatlo na nanonood ng palabas kung saan yung bidang babae ay may kakayahang gamitin ng 100% ang utak nya nang dahil lang sa isang droga na CPH4 yata ang tawag.

Naputol ang pag-mamasid ko sa kanilang apat nang may kamay na pumalibot sa bewang ko. Napangiti nalang ako dahil amoy palang kilalang kilala ko na kung sino.

" anong iniisip mo?" malambing nyang bulong.

" kung paano kita lalayasan" pagbibiro ko at napatawa nalang nang samaan nya ako ng tingin.

" ah ganon? Sige lumayas ka na" inis na sabi nito at naglakad paakyat kaya naman sumunod ako.

" huy, galit ka?" tanong ko habang sumasabay ng paglalakad sa kanya, ang bilis kasing maglakad eh.

" huy" sabi ko ulit pero hindi pa rin sya sumasagot. Salubong pa rin ang kilay nya na naglalakad papunta sa hindi ko alam.

" joke lang yun" sabi ko ulit pero wala talaga.

Sa inis ko ay agad akong humarang sa kanya at pinigilan sya sa paglalakad. Iniwas naman nya ang tingin nya kaya pilit ko itong hinuhuli.

" I-I love you" nahihiyag bulong ko at ako naman ngayon ang nag-iwas ng tingin nang balingan nya ako.

" ano?" tanong nya. Palihim ko syang sinulyapan at mas lalong nahiya nang makita ko syang ngiting ngiti.

" w-wala." Sabi ko.

" may sinabi ka eh. Ulitin mo na para hindi na ako magalit, please?" malambing na sabi nya at iniangat ang mukha ko para magkatitigan kami.

"m-ma... m-mahal kita" pag-amin ko habang nakatingin pa rin sa kanyang mata.

" I love you too Victoria.. more than you imagine" at saka nya ako masuyong hinalikan.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon