Chapter 36
Apat na araw na ang nakalipas mula nang mag-usap kami ni Alexander. At apat na araw na rin nya akong iniiwasan. Palagi syang nakadikit kay Trisha na akala mo naka-glue silang dalawa at akala mo naman may nakakahawa akong sakit kung makaiwas sya sa akin.
Sa totoo lang masakit. Masakit na hindi man lang nya ako pinapansin at parang hangin lang na hindi nya makita. Alam na nilang lahat dito sa bahay kung ano talaga ako pero sa kanilang lahat, sya lang ang hindi talaga namamansin sa akin kahit ilang ulit pa akong dumaan sa harap nya. Pero pilit ko pa rin syang iniintindi dahil alam kong kailangan nyang mag-isip, at hanggang wala pa syang sinasabing umalis ako dito sa bahay na 'to ay umaasa pa rin ako na matatanggap nya ako.
" hindi pa rin ba makausap?" napalingon ako at nakita si Alex na nakasandal sa hamba ng pintuan.
Nasanay na din ako sa pasulpot sulpot nalang nila sa kwarto ko katulad nalang ngayon.
Umiling lang ako sa kanyang tanong na may tipid na ngiti bago bumaling ulit sa harapan ko. Nandito kasi ako ngayon sa veranda ng kwarto namin ni Blade at pinagmamasdan ko ng palihim si Xander na kasama si Trisha sa may garden.
" hindi ba masakit? Kanina mo pa sila pinagmamasdan" puna nya habang nakikitingin na din sa pinagmamasdan ko.
" masakit" sagot ko at napangiti ng mapakla.
" pero kasi kahit masakit na, gusto ko pa rin syang makita. Gusto kong makita syang nakangiti kahit na hindi pa ako ang dahilan non" nakangiti kong saad kahit na nananakit ang lalamunan ko pati na rin ang puso ko.
" you know, nung una ayaw ka talaga namin para sa kapatid ko. Pero nang makita naming tatlo nila lola yung emosyon ng mata nyo everytime na tititigan nyo ang isa't isa, alam na namin na ikaw ang beloved nya." sabi nya kaya naman napatingin ako sa kanya.
" beloved?" tanong ko, nalingon na din sya sa akin pero ngumiti lang sya at ibinalik ulit ang tingin sa kapatid.
" Beloved ang tawag sa soulmates naming mga bampira. Yung tipong itinakda para lang talaga sa amin. Mates naman ang tawag sa mga Werewolf. Pero dahil nga prinsipe si Xander at sya ang susunod na Hari ay kailangan nya talaga ng reyna sa madaling panahon, at doun pumasok si Trisha sa eksena. Ikaw ang beloved ni kuya Val. Rare case na human ang magiging beloved ng isang bampira pero hindi impossible. Kaya sana... sana wag mong susukuan ang kuya ko. Sana hintayin mo na matauhan sya, kasi alam kong naguguluhan lang sya ngayon." Mahabang saad nya habang nakatingin na ngayon sa akin.
" Beloved lang ang tinanong ko, nobela na agad ang sagot mo?" pagbibiro ko at sabay naman kaming natawa.
" Pero salamat at wag kang mag-alala kasi hinding hindi ko susukuan ang kuya mo. Baka nga pag hindi pa ako pinansin mamaya gagahasain ko nalang sya " sabi ko na ikinatawa naman nya.
Pero seryoso ako dun! -.-
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Vampire's Wife [COMPLETED]
VampireAng tao ay para sa tao. Syempre alangan namang para sa hayop diba? Isipin mo nalang kung anong pwedeng mangyari kapag ganun. Pero ibig din bang sabihin nito na hindi pwede ang tao at bampira? Tao pa rin naman sila diba? May dalawang paa, dalawang ka...