Chapter 35

73.3K 1.7K 22
                                    

Chapter 35

Kinakabahan ako pagkadating ko sa bahay ni Xander.

" kaya mo yan Val" pampalakas ko sa loob ko at pinindot ang doorbell.

Pero agad ding nawala na parang bula ang kaba ko nang isang higad ang magbukas ng pinto.

" anong ginagawa mo dito?" tiim bagang kong tanong.

Napakuyom narin ang kamao ko dahil sa labis na panggigigil.

" oh? Ako dapat ang nagtatanong nyan? Diba ikaw ang umalis? Kasi natakot ka kay Xander? Hahahahaha" tawa nya, mukhang wala syang alam sa totoong pagkatao ko.

" Sayang hindi ko yun napanood. May importante kasing lakad nun eh." Nanghihinayang pa na dugtong nya.

" walang nagtatanong" pambabara ko sa kanya at tinabig sya para makapasok.

Mabilis na humarang sa daraanan ko ang higad kaya naman napahinto ako.

" Tumabi ka" nagtitimpi kong saad. Hindi ko sya pinapatulan nuon pero ngayong balak ko naman nang umamin kay Xander, hindi ko alam kung kaya ko pang mag-pigil.

Imbis na tumabi ay ngumisi lang sya kaya sa inis ko ay agad kong hinablot ang braso nya at hinila ang buhok nito.

"Tigilan mo ako. Wala akong pake kung bampira ka. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin" madiin kong pagbabanta at pabalya syang binitawan.

Pagkatapos ay dire diretsong naglakad papunta sa kwarto ni Alexander.

Pabalya kong binuksan yung pintuan ng kwarto nya kaya gulat syang napatingin sa akin. Bagong ligo pa sya pero hindi ko na muna 'yon pinansin kahit na nakakatukso.

"V-Victoria?" hindi makapaniwalang saad nya at yayakapin sana ako nang bigla akong umiwas.

" magbihis ka" baka hindi kita matiis gahasain nalang kita! Pero syempre sa utak ko lang 'yon idinugtong.

" s-sorry" at mabilis syang pumasok sa isang pinto para siguro magpalit.

Paglabas nya ay maayos na ang itsura nya kaya itinuro ko ang sofa nya at pinaupo sya.

" kailangan nating mag-usap" sabi ko at tumango naman sya.

" bampira ka" panimula ko at itinaas ko agad ang palad ko paharap sa kanya para manahimik muna sya.

" patapusin mo muna ako, saka ka mag-react pag nasabi ko na sa'yo lahat" sabi ko na ikinatango naman nya.

" Una pa lang alam ko nang may kakaiba sa'yo. Kulay mo pa nga lang nakakaduda na talaga eh. Isa din yun sa mga dahilan kung bakit ako umayaw sa alok mo noon na kasal kahit pa attracted ako sayo. Pero niligtas mo ang anak ko kaya napagtanto kong mabuti ka naman pala. Kaya nagdesisyon akong magpakasal sa'yo. At sa bawat araw na magkasama tayo bilang mag-asawa, natutunan kitang mahalin kaya hindi ko na binigyang pansin ang mga bagay na kakaiba sa'yo. Dumating si Trisha na fiancée mo, at nakita ko ang lakas mo pero hindi ko ulit to binigyang pansin, ang sabi ko sa sarili ko baka imahinasyon ko lang 'yon kasi nasakal ako. Pero nuon gabing isinayaw mo ako, nuong gabing kinantahan mo ako, alam na ng puso ko kung ano ka, at alam na ng puso ko na tanggap kita"

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa mga mata ko at nagpatuloy.

" Pero kasabay nun ay ang takot. Takot hindi dahil bampira ka pero dahil sa kung ano ako nuon. Kasi alam ko na kakamuhian mo ako, dahil mas masahol pa ako sa i-inyo" gumaralgal na ang boses ko pero alam kong kailangan nyang malaman.

Lalapit sana sya sa akin pero umiling ako at pinigilan sya.

" W-Wag kang lalapit. P-Pakinggan m-mo ako ng mabuti.
Alexander dati akong hunter. D-Dating pumapaslang ng mga uri nyo"

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa at tanging ang pag-iyak ko lang ang naririnig sa silid. Natatakot akong makita ang reaksyon nya, natatakot ako na baka hindi nya ako matanggap.

' Yakapin mo ako, halikan mo ako, Alexander please... Sabihin mong tanggap mo ako'

Pero ni isa sa idinasal ko ay wala syang ginawa.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon