Chapter 30

76.8K 1.7K 22
                                    

Song: You and I Tonight by Faber Drive

Chapter 30
Pagbalik naming dalawa sa salas ay nagkakasayahan na silang apat duon. Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya ang anak ko at halatang close na close na sya sa dalawang kapatid ni Xander.

" hey" mabilis na tumayo si Xander nang makita kaming pababa ng hagdan at nilapitan ako.

" are you okay?" nag-aalalang tanong nya kaya natawa ako kasabay ng pag ismid ng lola nya.

" kinausap ko lang sya Alexander hindi kinagat. Wag kang OA" sabi pa nito at nakigulo na dun sa tatlo.

" sure ka na okay ka lang?" tanong pa rin nya.
" oo naman" napapailing na sabi ko.

Hinila nya ako sa bewang kaya naman napakapit ako sa balikat nya.

" tara sa taas, may nagbabantay naman kay Blade" bulong nya sa akin at marahang iginagaya ang katawan namin na parang nagsasayaw.

" maharot ka talaga. Ayoko" natatawang sabi ko samantalang sumimangot naman sya.

Iniyakap ko ang braso ko sa leeg nya at saka ako payapang sumandal sa dibdib nya. Wala akong naririnig na tibok pero hindi ko nalang ito pinansin kahit na parang nanghihina ako dahil mas lalong lumakas ang kutob ko.

Tonight a candle lights the room,
Tonight it's only me and you,
Your skin like gravity
Is pulling every part of me,
I fall, you and I collide.

Napapikit ako ng kumanta sya habang dahan dahan kaming sumasayaw. Gusto kong maiyak sa dalawang dahilan.

What if I stay forever?
What if there's no goodbye?
Frozen for a moment here in time,
Yeah,
If you tell me the sky is falling,
Or say that the stars collide,
The only thing that matters in my life,
Is you and I tonight.

Una dahil napakasarap sa pakiramdam na kayakap ang taong mahal mo habang kinakantahan ka nya. Oo mahal, mahal ko na sya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, ang alam ko lang ay sya ang sinisigaw ng puso ko.

Our eyes close the candle burns away,
But I know the fire still remains
This love is all we need
We fit together perfectly,
I fall, you and I collide.

At pangalawa, gusto kong umiyak dahil sa bawat segundong lumilipas, nararamdaman ko sya. Nararamdaman ko ang malamig nyang temperatura, na syang nagsasabing tama ang hinala ko kung ano sya.

What if I stay forever?
What if there's no goodbye?
Frozen for a moment here in time,
Yeah,
If you tell me the sky is falling,
Or say that the stars collide,
The only thing that matters in my life,
Is you and I tonight.

Sana lang... sana lang mahalin pa rin nya ako pag nalaman nya kung sino at ano ako.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon