Chapter 33

73.1K 1.7K 30
                                    

Chapter 33

Pagdating ko sa bahay ni Jess ay dire-diretso lang ako sa pagpasok hanggang sa maabutan ko sya sa kanyang sala.

" anong sabi?" bungad ko kaya gulat syang napatingin sa akin.

" ano bay an Val?! Tinakot mo ako, bakit ka duguan?!" yung kaninang gulat nya ay napalitan ng pagaalala.

" okay lang ako" sabi ko at naupo sa sofa nya.

Hindi naman nya ako pinakinggan at kinuha ang first aid kit nya.

" saan mo 'to nakuha Val?" seryosong tanong nya habang ginagamot ang braso ko.

" wala, resulta lang yan ng katangahan" sabi ko. Wala syang kaalam-alam sa mga bampira at mas maayos kung wala syang malalaman.

" tsk, fine hindi na ako magtatanong" sabi nya nalang at saka naman binalingan yung mukha ko.

" asan na yung mga ikinanta?" tanong ko.

"mamaya tapusin kong lang 'to" tumango nalang ako sa sinabi nya at pinabayaan syang gamutin ang sugat ko.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin sya sa pang-gagamot sa akin kaya naman nag-paalam muna ako na magbabanyo.
Paglabas ko ay nakita ko sya na nandoon pa rin sa sala at seryosong hinihintay ako.

" ano na?" agarang sabi ko at naupo sa tapat nya.

May ibinato sya sa akin na papel kaya agad ko iyong kinuha at binasa ang nakasulat.

' I see you VAL—Scott'

Yan lang ang nakasulat pero nagdulot ito nang takot sa buong pagkatao ko.

" nakita ko yan sa apartment na nasunog nung araw na pinaubaya mo sa akin yung nahuli mo. Sinubukan kong paaminin pa pero ang tangi lang nitong sinasabi ay nasa paligid lang daw sila at nagmamasid" mahabang paliwanag nya.

" ano pa?" tanong ko.

" eto" at inilapag nya ang isang voice recorder na naka-play.

'dalawang milyon, sunugin mo ang apartment'

' makaka-asa ka boss'

Napapikit ako dahil pamilyar sa akin ang boses na kausap ni Mario. Hindi ko lang matandaan pero alam kong nakausap ko na ito. Ibig sabihin ay malapit lang talaga sila.

" Tama ang kutob mo na hindi aksidente ang sunog. Nakuha ko naman ang recorder na yan sa bulsa ni Mario. At bukod sa boses nay an, wala na akong ibang pagkaka-kilanlan" paliwanag ni Jess kaya napakuyom ako ng kamao.

" salamat" sabi ko at tumayo.

" pagamit muna ng isang kwarto, mga tatlong araw lang" pagpapa-alam ko at dumiretso na sa taas.

Kailangan kong malaman kung kaninong boses yon!

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon