Chapter 7

106K 2.6K 78
                                    

Chapter 7
"tinitingin tingin mo?" maangas kong tanong kay Trabis habang ngumunguya, nilibre kasi nya ako sa kainan na katabi lang nung building na pinasukan namin kanina.

"not—I mean, wala. Ang cute mo lang kasing mukain, para kang bata" sabi nya habang titig na titig sa akin.

" kumain hindi mukain. At hindi kain ang tawag dito Trabis, dahil ang tawag dito LAMON, gets mo? Kasi hindi pa ako kumakain mula kaninang umaga at gutom na gutom na ako" sabi ko, ewan ko ba kung bakit ako nagdadaldal sa harap ng lalaking to, siguro kasi mukhang harmless naman sya at medyo magaan ang loob ko sa kanya, medyo lang naman.

" oh? So if I didn't eat breakfast and I'm famished, that means I'm not mukakain, instead I'm lamon?" dire-diretsong sabi nya kaya mabilis ko syang sinamaan ng tingin.

" minumura mo na naman ba ako?!" pigil inis na sabi ko, kahit hindi naman sya mukhang nagmumura, nakakainis pa rin, malay ko ba kung ganyan lang talaga itsura nya pag nagmumura.

" w-wait. Anong mimumura?" muntik na akong mapatawa sa sinabi nya pero pinigilan ko ang sarili ko, naalala kong inis pa rin ako sa pagmumura nya sa akin.

" minumura hindi mimumura, sa ingles crush ay hinde kers ay mali basta! Masama ang ibig sabihin nun" inis kong sabi.

" you mean Curse?" tanong nya kaya naturo ko agad sya.

"tumpak! Kaya ano, minumura mo na ba ako kanina?" tanong ko
" no. hindi kita mimumura, I'm just—I mean nagsasalita lang ako gamit ang ingles. At nitatanong ko lang kanina kung lamon din ang tawag pag hindi ako nag breakfast tapos gutom na gutom ako" mahabang paliwanag nya.

" ah, yun naman pala, sa susunod kasi magtagalog ka kahit nabubulol o napagbabaliktad mo yung mga letters okay? At tinatanong yung kanina, hindi nitatanong" sabi ko, tumango naman sya kaya naman nagpatuloy na ako sa pagkain.

Napatigil ako sa pagsubo ng biglang tumunog yung cellphone ni Trabis. Sinagot nya ito at nakipagmurahan—este nakipag-usap sa kabilang linya, sabi nya kanina nakikipag usap lang sya, maniniwala nalang ako tutal maayos ayos naman yung ekspresyon nya pag nagsasalita ng ingles.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain, wala naman akong pake-alam eh tsk -.-

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon