Chapter 37

74.6K 1.7K 46
                                    

Chapter 37

Ilang sandali pa ay nagpa-alam na si Alex na aalis kaya naman bumalik na din ako sa loob ng kwarto namin. Wala na rin naman si Xander sa labas, kanina pa sila pumasok ni Trisha sa loob ng bahay.

Ang sarap palang kausap si Alex. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip kung nasaan na kaya ang kapatid ko? Mas matanda sya ng isang taon sa akin pero sa aming dalawa ay mas mature ako mag-isip. Nagkahiwalay lang talaga kami nuon nang bigla syang mahuli ng DSWD. Sinubukan ko naman syang hanapin, pero wala akong nahanap at na-kidnap pa ako ng wala sa oras.

At sabi ko nga ulila na kaming dalawa. Patay na ang mga magulang namin at ang Scott Mafia ang pumatay sa kanila. Kinse lang ako nang malaman ko 'yon at duon na ako nagplanong tumiwalag sa organisasyon kasama si Blade. Si Blade na kalahating bampira kaya kating kati silang bawiin mula sa akin.

Balik tayo sa kapatid ko. Victor Lopez ang pangalan nya pero hindi ko na matandaan ang itsura nya. Sana okay lang ang kapatid ko at sana magkita kami balang araw.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang kumalam ang sikmura ko. Napahawak ako dito at naalala na hindi pa pala ako kumakain mula kaninang umaga. Napailing nalang ako at nagpasyang bumaba na muna para maghanap ng pagkain.

Wala kasi ngayon si Blade dahil sinama sya ng lola nila sa lugar malayo dito para matignan kung kailan lalabas ang pagka-bampira nya. Nasabi ko na kasi lahat lahat sa kanilang tatlo, pwera nalang kay Xander na hanggang ngayon ay sarado pa rin ang tenga para pakinggan ang paliwanag ko.

Pagkadating ko sa kusina ay agad kong binuksan ang ref para maghanap ng pagkain pero napatigil ako nang may maramdaman akong presensya sa likod ko.

" anong kailangan mo?" mahinahon kong tanong saka marahang isinarado ang ref bago sya harapin.

" ikaw? Bakit ka pa nandito?" balik nyang tanong kaya naman napairap nalang ako.

" papansin" sabi ko at nagsimula nang maglakad paalis pero napatigil ako nang hawakan nya ng mahigpit ang braso ko.

" bitaw" malamig na saad ko pero hindi nya pa rin ito binitawan.

" ang kapal rin naman ng mukha mo na mag-stay dito no? para sabihin ko sa'yo hindi ka na mahal ni Xander, scratch that, hindi ka nya minahal. At hindi pa ba halata na ayaw ka nya dito? Mahiya ka naman! Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo—" napatigil sya sa pagsasalita nang marahas kong binawi ang kamay ko. Mahinahon ko syang hinarap kahit na kating kati na ang kamay ko na sampalin sya.

" narinig mo na ba yung salitang BELOVED?" tanong ko at saka ngumisi nang makitang namumutla sya.

" Ay syempre alam mo! Pasensya na nakalimutan ko na bampira ka rin pala. Pero alam mo kung ano yung alam ng lahat ng tao dito sa bahay na 'to?" mas lalo akong napangisi.

" na ako ang beloved ni Alexander. Na sa ating dalawa, ako ang mas may karapatan na tumapak sa bahay na'to. Na sa ating dalawa, ako ang mas pipiliin nila kaysa sa—"

*paaaak*

Napahawak ako sa mukha ko nang sampalin nya ako.

"I hate you! I'll kill you! Aaah!" at mabilis nya akong sinugod pero mabilis kong sinalo ang kamay nya.

" kung noon hindi kita pinapatulan dahil sa sikreto ko, ngayon wala nang dahilan para hindi kita labanan" matigas kong sabi at buong lakas syang itinulak.

Tumama ang katawan nya sa lamesa at natabig nya ang ilang mamahaling gamit kaya naglikha ito ng ingay. Nasugat ang kamay nya pero wala akong pake-alam.

"diba sinabi ko na noon na hindi mo ako kilala? Na hindi mo alam kung anong kaya kong gawin?!" sigaw ko dahil nuon pa talaga ako nagtitimpi sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at akmang sasampalin sya nang may biglang tumulak ng malakas sa akin kaya napaupo ako sa sahig.

"Ano ba Victoria?! Pinayagan kitang tumira dito kaya matuto ka namang rumespeto! WAG MONG PAIRALIN 'YANG UGALING HUNTER MO!"

Napatulala ako sa sinabi nya hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

A-Ano daw?

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon