Chapter 22

85.8K 2K 27
                                    

Chapter 22

Pagkalabas nya mula sa banyo ay nakasimangot pa rin sya kaya todo lambing ako.

"sorry na kasi Blade. Baby? Sorry na." sabi ko, lihim naman akong napangiti nang bumuntong hininga sya.

" fine" sabi lang nito at saka nahiga na. Agad naman akong tumabi sa kanya at niyakap sya hanggang sa makatulog kami.
Naalimpungatan ako nang may marinig akong kaunting ingay, napatingin ako sa paanan ko at nagulat nang makita si boy putla. Napaayos ako ng upo at saka sya muling tinignan pero tanging pader nalang ang nandon at walang boy putla.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong bukas ang pintuan nung veranda kaya naman tumayo ako at lumabas. Sobrang dilim sa labas at malamig yung simoy ng hangin. Pero hindi 'yon ang nakakuha ng pansin ko kundi yung anino ng isang tao na papalayo sa bahay. Masama ang kutob ko sa nakita pero hindi ko na sya maaabutan kahit pa anong gawin ko. Siguro ipagpapabukas ko nalang, may kutob din kasi akong may kinalaman ang taong yun sa nangayaring sunog sa apartment.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil nga gusto kong makita mismo yung apartment na nasunog. Kailangan kong tignan ng mabuti at makahanap ng kahit ano na magtuturo sa akin sa kung sino ang may pakana ng sunog na 'yon.

Wala pang gising nang lumabas ako sa kwarto kaya agad akong lumabas at kinuha yung motor ni Jess, nakita 'ko to kanina nung papunta kaming garden para sa kasal at mabuti nalang ay naiwan yung susi sa keyhole.

Inilabas ko muna ito sa gate hanggang sa makalayo ako ng ilang metro mula sa bahay at saka ako nag-drive papunta sa apartment.

Pagkadating ko ay wala nang katao-tao dahil halos lahat ng apartment ay sunog. Naglakad ako papasok sa dati naming apartment at saka inilibot ang paningin.

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng kalabog na nanggaling mula sa kusina. Tinalasan ko ang pakiramdam ko at dahan dahang naglakad papunta duon. Nang malapit na ako ay agad akong nagpakita at napatiim bangang nalang ng makita kung sino ito.

Halatang nagulat ito ng makita ako pero kalaunay ngumisi kaya kumpirmadong sya ang may pakana ng sunog.

" sinong boss mo, Mario?" oo si Mario, yung lalaking nung nakaraan.

Pero imbis na sumagot ay tumawa lang ito ng tumawa at biglang akong sinugod kaya naman napatumba ako.

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa sobrang kirot at alam kong nagdudugo na ito. Inis kong binalingan ang nakangising demonyo at ako naman ang sumugod.

Sinuntok ko sya sa panga pero nakaiwas sya kaya mabilis kong itinaas ang paa ko para sipain sya sa ari. Napaluhod sya sa sakit kaya ginamit ko ang pagkakataon na yon at mabilis syang pinatulog.

Itinali ko ang paa at kamay nya para siguradong hindi sya makakatakas at saka ko tinawagan si Jess. Ngayon ko kailangan ng tulong nya.

[ oh Val! Himala—]

" pumunta ka kung nasaan ako. I-track mo nalang 'tong cellphone ko. Hihintayin kita" saka ko pinutol ang tawag.

Malakas kong sinapak tong si Mario kaya mabilis syang nagising.
Kailangan ko ng sagot.

" sinong boss mo?" seyoso kong tanong.

" hahahaha!" tawa nya kaya sinapak ko na naman sya.

Mukhang wala akong makukuhang sagot dito kaya pinatulog ko nalang ulit. Nang makatulog na sya ay inalis ko ang jacket nya at saka naghanap ng pamilyar na tattoo. Baka isa sa mga nakabangga ko dati ang amo nito.

Hanap lang ako nang hanap, maski ang kilikili nya ay tinignan ko na rin pero napatigil ako ng mapansin ang palasingsingan nya. Maliit at Malabo pero nababasa ko pa rin. At napaupo nalang ako sa nabasa ko.

'Scott'

Binalot ng takot ang buong pagkatao ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit? Bakit ngayon pa?

"Val!" napalingon ako at nakita ko si Jess na nagaalalang nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at dahan dahang tumayo.

" pakantahin mo yan. Pigain mo hanggang sa makuha mo lahat. Pagkatapos ipasa mo sa parak. Hihintayin ko ang tawag mo" walang emosyong pahayag ko at nagsimula nang maglakad palabas. Kailangan kong mag-isip.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon