Chapter 24

75.6K 1.7K 16
                                    

Chapter 24

Tahimik ang bahay pagkauwi ko. Wala naman akong mapagtanungan kasi wala namang katulong sa bahay na'to.

Nagpasya akong pumunta sa taas at baka sakaling makita ko sya kahit na may posibilidad na mawala na naman ako. Ang laki naman kasi ng bahay na'to kahit sabihin mong 2 storey house lang. Ang dami kasing pasikot sikot tapos ang dami ding kwarto kaya nakakahilo talaga.

After ilang minutes ng paglalakad ay bumalik na agad ako sa baba para duon maghintay. Sana lang magpakita agad sya dahil baka matunaw yung ice cream.

Hindi naman ako nabigo kasi nakita ko agad si putla na naglalakad pababa ng hagdan. Halatang bagong ligo pero gwa—ehem.

Napatingin sya sa akin pero agad din nyang iniwas ang paningin nya. Nakaramdamn ako ng kaunting kirot sa puso ko kaya naman napahawak ako dito. May sakit ba ako sa puso?

Nang mapadaan sya sa gawi ko ay tatawagin ko na sana sya nang may biglang mag doorbell, istorbo!

" TRISHA?!" napa-ayos ako ng upo nang marinig ko ang sigaw ni boy putla. Ngayon ko lang sya narinig sumigaw at hindi ko alam kung bakit ako natatakot.

At dahil nga malapit lang naman ako sa pinto at sadyang malakas din ang pandinig ko ay rinig na rinig ko yung pinag-uusapan nila.

" hi baby, miss me?" malanding saad nung tinawag ni boy putla na Trisha.

" w-what are you doing here?" takot na sabi ni boy putla pero bakit naman sya matatakot.

" oh hush, no one knows that you're here except me. So if I were you, you'll treat me like your queen" hindi ko naintindihan ang sinabi nito pero halatang nagbabanta.

Pagkatapos ay narinig ko nalang ang yabag nila papunta sa direksyon ko. Napalunok ako at sa di malamang dahilan ay kinakabahan ako.

Napa angat ako ng tingin at saka ko pinagmasdan ang babaeng nagngangalang Trisha. Hindi ko gusto ang hilatsa ng pagmumukha nya pero masasabi kong maganda sya at maputla din katulad ni boy putla tsk!

" And who the h*ll is this? I didn't know you hired a maid" naintindihan ko ang sinabi nya pero pinigalan ko ang sarili kong sakalin sya, ngayon natin titignan kung sasabihin ba ni boy putla kung sino talaga ako.

Umayos ka lang talaga ng sagot boy putla -.-

To be continued

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon