Chapter 26 (part 2)

73K 1.8K 48
                                    

Chapter 26 (Part 2)

Hindi muna ako pinalabas ni Alexander at sinabing magpahinga muna daw ako. Pumayag naman ako kasi nananakit pa rin naman kasi hanggang ngayon yung leeg ko. Mukhang napuruhan talaga ako nung atribidang Trisha na'yon.

Nag-usap na din kami ni Alexander tungkol duon. Ang sabi nya pinagkasundo daw talaga sila ng pamilya nya pero tumanggi sya kaya sya napadpad dito sa Pilipinas at namuhay ng tahimik sa loob ng limang taon. Nagulat nalang daw sya ng magpakita ito bigla bigla. Tapos sabi pa nya ay kusang umalis si Trisha nang araw na'yon at hindi nya alam kung saan nagpunta.

Ramdam kong may hindi pa sinasabi sa akin si Alexander pero pinili ko nalang manahimik dahil parehas lang kami. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya ang nakaraan ko, natatakot ako sa magiging reaksyon nya.

" mom?" napatingin ako kay Blade na nakasilip sa may pintuan.

" Bakit? Halika" nakangiti kong paga-aya habang tinatapik yung tabi ko.

Nang makalapit sya ay agad syang yumakap sa akin at sumandal sa dibdib ko. Nasa ganong posisyon kami ng bigla syang magsalita.

" I know you love him mom" napatingin naman ako sa kanya.

" Love agad? Hindi ba pwedeng like muna?" pagbibiro ko.

" tsk, I'm serious mom." Nakasimangot na sabi nya kaya natawa ako.

" oo na tatay Blade. Guilty ako, so anong gagawin mo?" tanong ko

" I still need to make sure that he really loves you" seryosong sabi nya kaya napatawa ako pero hindi na kumontra.

" nak.." pagseseryoso ko

" hmm?" tumingala sya sa akin.

" give boy put—este your tito Xander a chance and don't be so hard on him please?" paki-usap ko. Kita kong nag-pout sya at halatang ayaw nyang pumayag pero tumango pa rin sya.

" great! I love you nak" masayang sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.

" Love you too mom" sagot nya.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon