Chapter 8 (part 2)

100K 2.5K 78
                                    

Chapter 8 (Part 2)
Nang makadating kami sa floor na pinuntahan din namin kanina ay may sumalubong sa amin na babaeng sobrang pula ng bibig, kala mo naman nasapak sa nguso, tapos punong puno din ng harina yung mukha.

" Where's my baby Xander?" pabebeng pagmumura nito habang ibinabalandra yung malaki nyang boobs, kala mo naman ikinaganda nya eh halata namang may nakalagay na foam.

" I don't know and who are you?" seryosong sabi ni Trabis kaya alam kong nakikipagmurahan na din ito.

"I'm Jane" maarteng pagpapakilala nito at inilahad ang kamay pero hindi ito tinanggap ni Trabis sa halip ay pumitik sya ng isang beses.

Pagkatapos ay parang ninja na dumating ang mga lalaking armado galing sa isang pintuan at hinawakan sa magkabilang braso yung clown—este babae sa harap namin.

" let go of me freaks! Oh my God" pagwawala nung babae pero hindi sya pinansin nung parang mga ninja at kinaladkad sya palabas.

" araw araw nalang na may nagpapakitang kung sinu-sinong babae dito. Simula kasi nung ipimamana kay Xander lahat ng properties nang namapayang si Mr. Lee—ang kupkup kay Xander, madami nang gustong makuha ang pera nya kaya madamig babae din ang gustong i-seduce sya para mapasakalan." Mahabang sabi nya at haatang hirap na hirap sya.

" hindi ko tinatanong. Nagpakahirap ka pang magtagalog" sabi ko. Andami nya pa ring mali, yung ipinamana, ginawa nya ipamamana, tapos yung kumupkop naging kupkup lang, tapos yung kasal naging sakal hahaha. Da best minsan yung pagsasalita nitong si Tandang Trabis eh.

" tara na nga" sabi nya kaya naman sumunod na ako sa kanya sa paglalakad. Nilampasan namin yung itim na pintuan kung saan lumabas si Mr. Hepa kanina hanggang sa makadating kami sa medyo dulong parte nung hallway.

Binuksan nya ang isang glass door at saka ako iginaya papasok. Una kong nakita ang mahabang lamesa at mga upuan, at sa pinadulo ay nanduon naman si Mr. Hepa na prenteng prente sa pagkaka-upo.

Ayos! Mukhang tiba tiba ako sa trabaho neto.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon